Pagbati sa iyong katugampayan sa pagbabasa sa batayang ito. Nawa ay mayroon naitanim na mga panibagong kaalaman at kasanayan ang batayang ito sa inyo.
SA PAGLALAGOM...
Mababatid natin sa batayang ito ang kahalagahan ng pangatnig sa pagbuo ng mga pangungusap. Ito ay siyang nag-uugnay sa mga salita, o mga parirala sa ating mga isinusulat na mga pahayag o talata upang magbigay linaw sa mensahe na nais nating iparating sa mga mambabasa.
Ang PANGATNIG bilang sangkap...
-nabanggit sa unang bahagi pa lamang ng batayang ito na ang pangatnig ay ang panangkap na bubuo sa mga pangungusap upang maunawan ng mga mambabasa ang ideya ng isang pahayag samaktwid, ang pangatnig ang siyang nagbibigay-diin at pansin sa mga pangungusap na ating binubuo upang mas maintindihan pa ito ng mga nakikinig sa atin o ang mga mambabasa.
-mababatid din natin sa batayang ito kung gaano kahalaga ang pinanghahawakan ng mga pangatnig sa pagbubuo ng pangungusap, ito kasi ang nagbibigay pa ng kalinawagan sa mga pahayag na makikita o mababasa natin upang mas lalo nating maunawaan ang tinutukoy na mensahe.
-Sa kabuoan, ang pangatnig ay mahalagang bahagi ng balarila at nararapat na bigyang pansin at linaw ang bawat uri at halimbawa nito nang sa gayon ay maiwasan ang ilang mga pagkakamali sa paglalapat nito sa mga pahayag.
ANG PANGATNIG AT MGA URI NITO...
- natutuhan natin na mayroong walong (8) uri ng mga pangatnig na kung saan may iba't ibang mga gamit sa bawat pangungusap o pahayag na ating binubuo. Napakahalaga para sa atin na magkaroon ng kaalaman at kamalayan patungkol sa mga uri nito nang sa gayon ay mababatid natin ang iba't ibang mga gamit nito sa mga talatang ating binubuo.
-Una, ang PAMUKOD ang magiging palatandaan sa uri ng pangatnig na ito ay nalalapit sa salitang "bukod" na kung saan tumutukoy sa pagbubukod sa mga salita o pariralang ating binubuo nang sa gayon ay magkaroon ng isang pahayag na may pagpipilian.
-Ikalawa, ang PANINSAY na ang pangunahing ideya sa uri ng pangatnig na ito ay ang pagsalungat sa unang pahayag patungo sa ikalawang bahagi. Masasabing gamitin ang uri ng pangatnig na ito lalo na sa pagsulat ng mga argumentong papel at iba pa.
-Ikatlo, ang PANUBALI na tumutukoy naman ito sa mga isipang may pasubali o mga pahayag na hindi ganap kung kaya't nangangailangan ng tulong ng kapwa pangungusap upang mabuo ang diwa ng isinasaad na pahayag.
-Ikaapat, ang PANANHI ang sentro ng ideya naman ng pangatnig na ito ay upang makatugon sa tanong na "bakit" o kaya'y pagbibigay ng dahilan o pangatwiran sa pahayag na ibinibigay.
-Ikalima, ang PANLINAW ang masasabing isa rin sa madaling tandaan sa uri ng pangatnig sapagkat nasa pangalan na nito ang ideyang ipinalulutang sa uri ng pangatnig. Nagbibigay linaw sa pahayag na nais sabihin.
-Ikaanim, ang PANULAD isa rin sa mga uri ng pangatnig na masasabing madaling mauunawaan at tandaan sa isipan sapagkat ang mga halimbawang nakalakip sa bahaging ito ay madaling intindihin. Ito ay panggagagad o panggagaya sa unang pahayag ng ikalawang pahayag.
-Ikapito, ang PANAPOS na ang layon ng pangatnig na ito ay magbigay ng wakas sa pagsasalita upang mabatid ng kausap o kaya'y mga mambabasa ang pagtatapos ng pahayag.
-Ang huli at ikawalo, ang PAMANGGIT na ang pangunahing ideya ay ang salitang "malapangungusap" na kung saan tumutukoy rin bilang paningit na parirala sa mga pahayag na nakadagdag sa ikaaayos ng isang pahayag.
Ngayon na nabatid na natin ang pangatnig, mga uri ng pangatnig at halimbawa nito ay natitiyak kong handa na rin ang bawat isa na gamitin ang mga kaalaman at kasanayan na inyong napulot sa wastong paglalapat ng pangatnig kung kaya't PAGBATI muli sa matagumpay na pagbabasa at pagkatuto.
BINABASA MO ANG
ANG TALAANPAD
RandomAng nilalaman ng akda na ito ay pumapatungkol sa Pangatnig, mga Uri ng Pangatnig, at mga Halimbawa nito. Ang akdang ito ang magiging batayan sa pagkatuto sa wastong paglalapat ng mga pangatnig sa mga sulatin. Nakalahad din mula rito ang katuturan ng...