PUNAN ANG MGA PATLANG
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwentong nakalahad. Punan ng angkop na pangatnig ang bawat bahagi ng maikling kwento na "Puting Kasuotan". Gamitin bilang gabay ang mga pangatnig na makikita sa panaklong at piliin ang wastong ilalapat na pangatnig sa bahagi ng kuwento.
"PUTING KASUOTAN"
ni: Ma. Cecilia R. Millar
Nagising ako sa talak ng aking ina habang binubuksan nito ang kurtinang nakaharang sa haring araw. "Margarita, bumangon ka na riyan at maggayak, nakalimutan mo na ata, ngayon ang itinakdang petsa ng pagluwas mo sa Maynila __________ (dahil, para, kaya) sa makalawa ay simula na ng inyong eskwela." Oo nga pala, ako ay ganap nang isang kolehiyala, sa Maynila ko napiling mag-aral ng medisina dahil sabi ng nakakarami ay roon daw maganda ang oportunidad________________ (dahil sa, kahit sa, para sa) kagaya kong iskolar.
___________ (Bagaman, Gayunpaman, Kahiman) agad-agad akong bumangon sa aking higaan at iniligpit ang mga unan at kumot. Pagkatapos maligo at magbihis, umupo na ako sa harap ng hapag-kainan at agad iniabot sa akin ni ina ang umuusok pang sabaw, "O ayan anak, humigop ka muna ng mainit na sabaw at tiyak na malayo ang iyong lalakbayin, sa layo ng Maynila ay tiyak na pagsasaktan ka ng ulo at kakalam ang iyong sikmura." ________ (anang, ani, anina) nanay "Salamat, Inay." sagot ko.
____________ (Sapagkat, Samaktwid, Nang) matapos kumain ay agad na rin akong nag-ayos at inilabas ang mga gamit na aking dadalhin sa aking pag-alis. Humalik ako sa aking ina, at pagkatapos ay dumaan ako sa imahe ng aking ama na nakalagay sa aming altar, "Tay, aalis na ho ako. Kayo na po ang bahala sa inay at kay Junior. Gagalingan ko ho, kagaya ng ipinangako ko." sabay ngiti rito. Namaalam na ako sa aking ina at kapatid, at ilang saglit lang ay dumating na ang aking sasakyang bus. Nakamamangha, napakalaki at ganda pala rito sa Maynila. Ang tataas ng mga building, ang daming tao, at maraming naggagandahang mga sasakyan. Hindi ko namalayan na ako'y nakaidlip na pala. Nilapitan ako ng konduktor at kinuha ang aking pamasahe, ilang saglit lamangg ay napatitig ako sa litrato ng aking ama na nakasiksik sa aking pitaka. Naluha ako, hindi dahil sa lungkot at pangungulila ____________ (Sa halip ng, Kundi, Sanhi sa) dahil sa lubos na saya, _________ (Sa dikasawa, Sa lahat ng ito, At sa wakas), nakatungtong na ako rito sa Maynila, ito ang pangarap ng aking ama para sa akin. Ang maging isang ganap na doktora at makagamot ng mga taong may sakit at problema sa pag iisip.
Habang tinitingnan ang kaniyang litrato, naalala ko ang nangyari. Talaga ngang napakalala na ng kalagayan ng tatay. Lubos ang pangungulila niya sa aming panganay na kapatid na pumanaw habang ito ay pauwi sa aming tahanan galing sa Maynila, ang aking kapatid ay isa ring iskolar, sa angkin niyang husay, nabigyan siya ng oportunidad na makapag-aral sa Maynila bilang isang guro. _________ (Datapwa, Subali, Kahiman) sa kasamaang palad ay nadawit siya sa pagkabangga sa poste ng sinasakyan niyang bus, pauwi na sana siya sa amin, dala ang inaasam nitong diploma. Sa lubos na paghihinagpis ay nawala sa sarili ang Tatay, hanggang sa lagi na itong tulala at nagsasalita mag isa. Mahirap _________ (maging, ni, man) sa kalooban ay dinala namin ang tatay sa Mental Institution upang mabigyan ng lunas ang kaniyang kalagayan. Makalipas ang ilang buwan ay pumanaw na ito, hawak ang litrato ng aming masayang pamilya. "Tiyak ay hindi na niya nakayanan. Pumanaw na siya dala ng kaniyang matinding kalungkutan." Di ko namalayan na tuloy-tuloy na pala ang tulo ng aking mga luha mula sa aking mata. Tinapik ako ng konduktor at sinabing nandito na ako sa aking paroroonan.
Nakarating na ako sa dorm na aking pagtitirahan. Nakakilala ako ng aking makakasama. Siya si Bella, isa rin ___________ (daw, raw) siyang nag aaral ng medisina. Napag-alaman din namin na kami ay magkaklase.
Kinaumagahan ay dali-dali na akong naggayak at humigop ng kape. Sabay na din kaming pumasok ni Bella sa paaralan. Pagdating naming sa silid ay napansin ko na kakaunti lamang ang kaklase naming lalaki __________ (naroon, nguni, bagaman) isang lalaki ang nakapukaw ng aking pansin, si Jericko. Si Jericko ay matipuno, maputi, magaganda ang mga mata at mapapansin sa kaniya ang pagiging palabiro nito dahil kakapasok pa lamang namin ay agad na siya lumapit sa amin at tumabi sa aking kinauupuan. Lumipas ang araw, buwan at taon ay nagkamabutihan kaming dalawa. Hanggang sa umakyat siya ng ligaw at hindi rin naman katagalan ay sinagot ko rin siya.
"Ilang buwan na lamang ay makakamit na natin ang diplomang matagal na nating inaasam" _______ (ani, anina, anang) Jericko. "Oo nga, hindi na ako makapaghintay na umuwi sa amin at ialay sa aking magulang ang diplomang inaasam namin, tiyak proud na proud sa akin si Itay."
Dumating na nga ang araw na aming hinihintay, nakamit ko na ang diploma at ito ay nasa kamay ko na. Agad akong tumakbo papunta sa aking ina at kapatid na si Junior, sabay yakap ng mahigpit habang naluluha. "Sa wakas nay, natupad na natin ang pangarap ni tatay."
Makalipas ang ilang buwan ay kumuha ako ng pagsusulit upang makamit naman ang aking lisensya, at nakapasa naman ako sa awa ng Diyos." Nagdaan ang ilan taon ay naging ganap na nga akong doktor. Kami pa rin ni Jericko, isa na rin siyang doktor. Umuwi kami sa probinsya namin __________ (dahil, upang, para) dalawin ang aking ina at kapatid. Pagdating namin sa bahay ay nakahanda na ang aming tanghalian. Matapos magtanghalian ay nagtungo kami sa sementeryo upang dalawin ang aking mahal na ama. Napatulala ako at napagtanto ko na, madami na pala akong napagaling, madami na akong nagamot at natulungan upang makalaya sila sa bihag ng kanilang isipan. Madami na akong taong nalunasan. Ngunit naluha ako sa isang tanong na sumagi sa aking isipan, "________ (Kaya, Kung, Kahit) ako kaya ay isang ganap na doktor na sa pag-iisip noong kailangan ako ng aking ama, makakaligtas kaya siya? Hanggang ngayon __________ (kaya, para, kahit) ay kasama pa rin namin siya?"
Madami na akong taong napalaya sa rehas ng magulo nilang isipan. Sigurado naman akong proud na proud sa akin ang aking ama na binihag ng magulo niyang isipan._________ (Samaktwid, Anpa't, Kung gayon), kung naandito siya, ipagmamalaki niya ang kaniyang anak na isa ng ganap na doktora.
"Itay, natupad ko na ang ating pangarap... ako ay isa ng doktora na sumasagip ng mga taong nalulunod sa kalungkutan, kinakain ng magulong isipan at pinaglaruan ng karanasan." ________ (ani. animo, aniko) at sabay sindi ng kandila kasunod ng pag-aalay ko ng aking puting coat na sumisimbolo bilang pagiging doktor sa harap ng lapida ng aking minamahal na ama.
BINABASA MO ANG
ANG TALAANPAD
RandomAng nilalaman ng akda na ito ay pumapatungkol sa Pangatnig, mga Uri ng Pangatnig, at mga Halimbawa nito. Ang akdang ito ang magiging batayan sa pagkatuto sa wastong paglalapat ng mga pangatnig sa mga sulatin. Nakalahad din mula rito ang katuturan ng...