Ang mga pangatnig na nagsasaad ng layon ng pangungusap o nagbababala ng wakas ng pagsasalita, ay siyang mga tinatawag na PANAPOS.
Ang karaniwang napaggagamit ay itong mga sumusund: nang, para, upang, upandang, sa bagay na ito, sa lahat ng ito, sa dikawasa, at sa wakas, atb.
Narito ang ulat ng isa't isa:
NANG —"Huwag mong galawin iyan nang 'di ka makagalitan"
—"Ibibili ko siya ng bag nang may magamit siya sa pagpasok niya"
—"Nang hindi tayo gabihin ay magsimula na tayo"
Kailangang isulat na lagi nang buo ang ganitong nang, katulad ng mga pang-abay na pamanahon at pamaraan, upang mápaiba sa pantukoy ng:
PARA (o PARA SA) —"Kaya naghahanapbuhay ang tao ay para mabuhay."
—"Para huwag kang madamay, lumayo ka sa away"
—'Ang lahat ng iniipon ko ay para sa aking mga anak"
—"Nagsisikap kami na para sa ikauunlad at ikararangal ng bansa"
UPANG —"Maagang bumangon upang hindi mahuli sa pagpasok sa klase"
—"Sumusulat ng kasaysayan upang mapalathala sa pahayagan"
—"Iba ang kumain upang mabuhay, sa mabuhay upang kumain"
UPANDING —"Bumabangon siya nang maaga upanding mahiya ang tamad na kasama"
—"Sumulat tayo ng mabubuting aklat, upang may pagkatutuhan ang mga nag-aaral, at upanding tayo'y kumita ng salapi"
TANDAAN NATIN!
Itong huling halimbawa ang lalong kinababagayan ng upanding, alalaong baga'y hindi kanawanawang ginagamit kundi kung napangungunahan na ng nang o upang sa pangungusap. Maging ang upang, at lalo na ang upanding, ay di-gaanong gamitín sa mga pangkaraniwang salitaan, na kagaya baga ng nang at para o para sa.
SA BAGAY NA ITO —"Sa bagay na ito, ay hinihingi namin sa Kataastaasang Pangulo na huwag tulutang makairal ang batas na iyáng pampahirap pa sa mga dukha na"
—"Sa mga bagay na ito, at alang-alang sa ikatatapos ng pagtatalo, inuring ko na ang aking mungkahi"
SA LAHAT NG ITO —"Sa lahat ng ito, kami po'y magpapaalam na"
—"Sa lahat ng ito, tinatapos na ang pagpupulong"
SA DIKAWASA —"Sa dikawasa'y natapos din
—"Natuklasan din, sa dikawasa, ang tunay na may kasalanan"
AT SA WAKAS —"At sa wakas, natamo rin ang lahat ng pinapangarap"
—"Kumilala rin naman, sa wakas, ng kanyang mga utang na loob"
SANAYIN NATIN!:
Panuto: Bilang panukat sa iyong natutuhan sa bahaging ito. Tukuyin ang pinakang angkop na panapos na pangatnig sa sumusunod na mga pahayag.
1. _______, ang pagpupulong ay matatapos na rin
a. Sa wakas
b. Sa Dikawasa
c. Sa lahat ng ito
d. Sa bagay na ito
2. __________, marapat na tayo ay magkaisa.
a. Sa wakas
b. Sa Dikawasa
c. Sa lahat ng ito
d. Sa bagay na ito
3. _______ maglaro sila ng mobile legends ay gabing-gabi na.
a. Para
b. Upang
c. Ng
d. Nang
4. _________, nasa ating mga kamay na ang gaganaping paghuhusga.
a. Sa lahat ng ito
b. Sa bagay na ito
c. Sa wakas
d. Nang
5. Kaya siguro siya gumising ______ maaga ay ______ hindi maabutan ng trapiko.
a. nang, ng
b. nang, para
c. ng, nang
d. ng, para
BINABASA MO ANG
ANG TALAANPAD
SonstigesAng nilalaman ng akda na ito ay pumapatungkol sa Pangatnig, mga Uri ng Pangatnig, at mga Halimbawa nito. Ang akdang ito ang magiging batayan sa pagkatuto sa wastong paglalapat ng mga pangatnig sa mga sulatin. Nakalahad din mula rito ang katuturan ng...