Uri ng Pangatnig: MGA PANANHI

24 0 0
                                    

 Maligayang Pagbabasa! Panibagong Uri, Panibagong Kaalaman at Impormasyon na naman ang inyong mababatid sa bahaging ito. Ang mga nakalahad na mga pahayag dito ay umuukol sa mga PANANHI. 

 Upang makatugon sa mga pagtatanong ng bakit, o mapangatwiranang isang pagbibigay-sala at pagsisisi, o maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang pinag-iisip, o niloloob, ang mga salitang gamit ay pangatnig na PANANHI, na ang lalong palasak ay itong mga sumusunod: 

DAHIL SA              —"Dahil sa iyo siya'y nagtitiis"

 —KAY                     —"Dahilan sa ulan, naurong tuloy ang pista" 

                                   —"Sa dahilang wala nang pananalapi ang samahan, kaya dapat nang lansagin"

 SANHI SA KAY             —"Sanhi sa pag-ibig ang ipinagsisipag ko sa pag-aaral"

                                                —"Sanhi kay Patiño kaya natuklasan ang lihim na palimbagan ng Katipunan"

GAWA NG             —"Ano't patika-tika ngayong lumakad si Bale?—gawa ng rayuma" 

                                —"Sa gawa mo'y napaalis tuloy kami nang di-oras "

PAGKÁ'T                 —"Bakit nakatulog kang maaga?—pagka't ako'y puyat"

(O SAPAGKÁ'T)    —"Pagka't naiiyak ka, di ko na babasahin itong malungkot na sulat"

                                   —"Kung sapagka't nalulungkot ka, ay sa sugal na hahanap ng aliw, may araw na lalong kalungkutan ang iyong kasasadlakan"

TANDAAN NATIN!   

Ang tunay na salitang payak ng mga pananhing ito ay pagka lamang; Ang 't ng dalawa ay pang-angkop, at ang sa ng sapagka't ay malaunlaping ikinakabit na nang tuluyan upang mapaiba sa sulat ng sa pagka, na may ibang katutura't tungkulin. Ang anyong may pang-angkop ay siyang lalong gamitin, at ang wala'y bihi-bihira. 

PALIBILASÀ                         —"Palibhasa'y walang hirap magtipon, kaya walang hiniyang matapon"

 (OPAGKAPALABILASA) —"Wala nang maikatwiran, palibhasa, kung kaya dinaraan na sa ingay ang pakikipagtalo"

                                                  —"Pagkapalibhasa'y gising sa layaw, kaya halaghag ng lumaki" 

ISAISIP NATIN!

Sukat nang napansing ang pananhing ito'y laging humihingi ng katugong kaya o kung kaya. Sakaling sa pangungusap, bukod sa palibhasa o pagkapalibhasa ay napapasama pa ang pagka't, o dahil, o sanhi, ang lalong tumpak na ayos ng pananalita ay malagay sa huling bahagi ang palibhasa.

Halimbawa: 

              "Hindi siya nakasulit, sapakagka't tamad mag-aral, palibhasa'y maraming salaping naipaglilimayon" 

MANGYARI                 —"Bakit binaril si Rizal?—mangyari'y pinagbintangang naghihimagsik sa pamahalaang kastila" 

                                         —"Mangyaring di magdaralita'y lagì nang malaki ang gugol sa kinikita" 

PAANO                         —"Ano't mainit ang kanyang ulo?—paano'y bagong gising" 

                                        —"Di ka mapapataas sa katungkulan, paano ba'y lagi kang nahuhuli sa katamaran! "

ANG TALAANPADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon