Hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig ngayon, nasa loob siya ng marangyang opisina na halos times two ang laki sa kanilang mismong bahay. Hindi niya ma-prosesso ang mga bagay na kanyang naririnig mula sa mga Young.
"Siguraduhin mo lang na anak ng kapatid ko at kadugo namin iyang pinagbubuntis ng kapatid mo dahil kong hindi ako mismo ang magdadala sayo sa kulongan naiintindihan mo?"
Titig na titig siya sa picture frame na binigay sa kanya ni Mrs. Young they look so they same, parehong may dimples at kulay ng mga mata.
"They look so the same Mrs. Young"
"Malamang twin brother ko nga di ba?"
Pilosopong sagot ni August sa kanya pero ang atensyon niya ay nandoon kay Mrs. Young.
"Handa po akong ipa-DNA ang pinagbubuntis ng kapatid ko pero I think to be fair kailangang magkita si August at si Spring"
"Maybe you mean, my brother September kasi hindi ko talaga kayo kilala and to give you a peace of mind, my brother is still in Singapore partying than working at kinokontak na siya ng ama ko"
"Maari ko bang makita ang kapatid mo hija?"
"Oo naman po Mrs. Young, kung gusto niyo po ay sumama po kayo pag-uwi ko, isang problema po namin is hindi pa alam ng papa ko at ng kapatid ko ang pagbubuntis ng kapatid ko"
"My son will take the earliest flight from Singapore back to our country tonight bukas na bukas din ay babalik kami sa inyo upang kausapin ang magulang niyo"
"Naniniwala ka talaga sa babaeng ito mom? Baka peperahan lang tayo nito"
Agad tumaas ang kilay niya.
"Excuse me lalaking green ang buhok, hindi kami kasing yaman niyo oo pero hindi namin kailangan ang pera niyo para mabuhay ang magiging pamangkin ko, I have a decent job and my father is a farmer and we have decent food on our table every meal"
Bahagyang tumaas ang boses niya, hindi niya gusto ang tabas ng dila ng lalaking ito.
"August shut up okay! Pasensya kana hija my son is very skeptical ganoon talaga ang mga negosyante pero gusto ko pa ring makita ang kapatid mo at ang magiging apo ko, samahan mo ako August at si dad na bahala kumausap sa kapatid mo"
Halos matigalgal si Spring ng makita ang bulto ni August sa mismong harapan niya. She knows it was him, kaya agad niyang nilapitan ang lalaki at inamoy at kumunot ang noo niya. It was not him, agad niyang kinapa ang dibdib ni August.
"Oh.. my god!! Aso ka ba?"
Even the way he talks, ibang tao ang nasa harapan niya.
"Ate, hindi siya si August hindi siya ang lalaking kasama ko sa Singapore, he does not smell like a peppermint at wala siyang peklat sa dibdib niya"
"Hija, wag kang magugulat this is August Young and the man you meet in Singapore is not August but his name is September, August twin brother"
Agad na napahawak si Spring sa kaniyang ulo at bahagyang nabuwal.
"What? Hindi si August---- pero ang sabi niya sa akin siya si August Ate.."
"Obviously nagsinungaling siya sayo at kong bakit hindi natin alam he is taking the earliest flight tonight at darating siya bukas ng umaga at malalaman natin kong siya ba talaga nakabuntis sayo. Hindi mo kailangang matakot kong nagsasabi ka ng totoo, baka naman kasi nagdadrama lang kayong magkapatid para-----"
"Para perahan kayo ganun ba mister young? Sa totoo lang nakakainsulto kana ha.. alam niyo kung nagdududa kayo at hindi kayo willing gumastos ng DNA test baka makabawas sa kayamanan niyo ako na ang gagastos at magpapa-DNA test para sa kapatid ko pero sa isang kondisyon kapag positive ang resulta na magkadugo ang magiging pamangkin at ng kapatid mo dodoblehin mo refund ng ginastos ko at hindi mo pweding hawakan o kargahin ang magiging pamangkin ko hanggat hindi siya nag-iisang taon"

BINABASA MO ANG
Summer's Heartbreak
RomanceHindi naman inaasahan ni Summer na sa kasasabi niya ng loosen up sa nakakabatang kapatid na si Spring ay itotodo na nito at humantong sa pagiging buntis na ngayon ay nanganganib na maging dalagang ina. Bilang butihing nakakatandang kapatid ay hindi...