"Anong ginagawa mo kasama ng hilaw kong bayaw?"
"Sa tingin mo may karapatan kang tanongin ako niyan? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa mga Young bago umalis sa poder nila? Pinagod mo pa ang tatay ng magiging anak mo at ang mga tauhan nila"
Bumuntong hininga muna ang kapatid na nakatingin sa malayong malayo, nasa harapan sila ng karagatan, tahimik at pawang mga hampas lang ng alon ang naririnig nila.
"Alam mo ate, hindi ako masaya, nalilito ako hindi ko alam kong tama ba ang nararamdaman ko o kong dapat bang ipagpatuloy ko ang pagtira sa poder ng mga Young para sa anak ko"
"Hindi ka ba nila sinasaktan o pinagsasalitaan ng masama o inaapi? Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, bata ka pa of course hindi mo pa alam ang gusto mo sa buhay. Hindi mo kailangang pakasalan ang taong hindi mo mahal para maging mabuting ina sa anak mo"
"Hindi naman mahal o gusto ang isa't isa alam kong napipilitan lang din si September dahil tinutulak siya ng pamilya niyang gawin ang tama at normal"
"Kilala kita Spring, lumaki ka sa mga kamay at bisig ko simula ng mawala si mama kaya alam kung pipiliin mong maging masaya at ang bagay ikakabuti sa magiging pamangkin ko"
"Tapos mo na bang kumbinsihin ang kapatid mo na iwan ang kambal ko?"
Biglang uminit ang ulo niya nag marinig ang boses ni August sa di kalayuan, kanina lang kausap nito ang pamilya nito sa cellphone nito.
"Hindi pa pero malapit na!! Kunin mo ang truck kakausapin ko ang pamilya mo at iuuwi ko na ang kapatid ko"
"Bakit? May nangyari ba sa inyo ni September? Nag-away ba kayo?"
Tumaas din ang kilay ni Spring sa tanong ni August sa kanya.
"Wala sa amin, pero sa inyung dalawa meron kaya ayusin niyo ang gusot niyo okay?"
"Ganoon talaga kayo magsalita noh? masyadong rude"
"Buntis eh.."
"Oh my goooood!! Buntis ka din? Akalain mo may tumira sayo?"
Lalong uminit ang ulo niya sa komento nito ng makapasok na sila sa loob ng sasakyan.
"At anong akala mo sa akin virgin? Kapag hindi ka tumahimik diyan-----"
"Tumigil nga kayong dalawa baka mas mauna pa kayong maghiwalay kaysa sa amin ni September"
"Whaaaaat?"
Halos magduet pa sila ni August sa pagsagot ng what? Kahit naiinip siya ay wala siyang nagawa kundi pagbigyan si ang mga Young's na pahupain muna ang inis at galit nila sa isa't-isa upang magkabati ang mga kapatid nila kaya naman ay napagpasyahan ng mga ito na magpalipas muna silang dalawa ng kapatid niya sa mansyon ng mga ito. Unang beses niyang matulog dito kong tutoosin pero hindi niya mapigilang ma-feel at home sa ganda, at gara ng lugar yung pakiramdam na pati doorknob at lock ng pinto ay gold.
The motif of their house is gold and diamond at lahat ng pintura ay all in white, napakaganda talaga ng mansyon na ito magmumukhang white house pa sa malayo."Hija... pasensya kana kay August hindi naman talaga ganoon ang batang iyon it's just minsan nagiging brat at pasaway din siya trust me he is a fine dignified young man"
Fine? Dignified? Nagbibiro ba kayo tita?
Hiyaw ng kanyang utak at pilit ngumiti at tumango sa magandang ginang.
"Naku.. tita wag mo akong intindihin, cat fight lang naman yun atsaka mas priority natin na magkabati si Spring at September alam niyo na buntis kapatid ko at ayawko mapahamak ang magiging pamangkin ko"
BINABASA MO ANG
Summer's Heartbreak
RomantizmHindi naman inaasahan ni Summer na sa kasasabi niya ng loosen up sa nakakabatang kapatid na si Spring ay itotodo na nito at humantong sa pagiging buntis na ngayon ay nanganganib na maging dalagang ina. Bilang butihing nakakatandang kapatid ay hindi...