"Why are you so mad bro?? Ngayon lang kitang nakitang ganyan ka badtrip ah dahil sa isang walang kwentang dahilan"
Puna sa kanya ni Brian.
"Walang kwenta? How can you even say that? that woman never likes me at palagi niya akong iniinsulto at minumura... palibhasa taga-squatters area kaya pati pag-uugali---"
"Ang sabihin mo naapakan ang pride mo kasi ang isang August Young na mayaman, gwapo, at tinitingala ng mga kababaihan ay walang charm pagdating sa magiging sister in law ng twin brother mo na crush mo din tama?"
Diritsahang pahayag nito na kinainis niya lalo.
"No way!! Ganun ba kababaw ang taste ko pagdating sa mga babae? I dated heirs, models, at career oriented women ni wala nga sa kalingkingan nila ang hambog na babaeng yun!"
"Well.. tama ka naman diyan but what I am saying is bakit ka ba masyadong apektado sa babaeng yun?"
"Kasi nga.. sisirain ng babaeng yan ang magiging pamilya ng kapatid ko, isa siyang banta sa pamilya namin!"
Tumaas naman ang kilay ni Brian dahil sa kanyang tinuran.
"Ows?? Di nga? Kailan ka pa naging ganyan ka concern sa kambal mo? Halos isumpa mo nga siya noong nakaraang buwan ah, tapos ngayon bigla kang concern sa lovelife niya?"
"Kasi nga alang-alang sa magiging pamangkin ko at isa pa ngayon ko lang nakita sina mama at papa na sobrang excited sa isang bagay sa napakahabang panahon, higit sa lahat ngayon ko lang din nakita si Sept na napirmi sa isang lugar na walang pagrereklamo at teka nga bakit mo iniisip na wala akong pakialam sa pamilya ko ha?"
Asik niya sa lalaki at binawi ang bote ng alak na hawak nito saka naglagay ng mas maraming alak sa kanyang baso.
"Woooh.. wooh.. chill naman! Hindi mo ako kalaban okay? I am just stating facts base on my observations"
"Ang pangit ng observation mo attorney at hindi makatotohanan"
"Mabuti kong ganoon, wala akong balak na makita kang wasak na wasak ang puso dahil umiibig ka sa isang taong walang balak na gustohin ka"
"Ouch man!!! Haha nakakatawa ka, my name is August Miguel Young and I always get what I want tandaan mo iyan"
Tumango nalang din ito bago sila nag-toss ng kani kanilang baso at sabay na nilagok ang alak.
"OH my!!! Ang ganda ng greenhouse na to parang bahay ang daming gamit, halos kompleto lahat dito at oh... may DVD!! Wow ang laki ng screen
"Buti naman at nagustohan niyo po dito, ito kasi ang secret hideout ni kuya.. este ni sir August pala"
"Akalain mo yun may sense of nature pala ang mokong na yun! Di lang pala siya puro kayabangan noh? Ganda dito! Iba talaga ang maraming pera lahat nagagawang possible"
"Oo nga eh.. pero kahit ganoon si Sir August balita ko mabait yun"
"Si August Young?? Mabait? Joke ba yan, napaka-antipatiko at matapobre noon tapos alam mo kinaiinis ko sa kanya? Yung presko ng dating niya na feeling niya luluhod lahat ng mga tala at kababaihan sa ka-gwapuhan niya ang pangit pangit naman niya buti si Sept may dimples atleast ang charming niya eh yung kambal niyang uranggotan na yun? Di ba?"
Natawa na rin sa laki ng tawa nu Ashley ba animo kinikiliti sila ng maligno o anumang lamang lupa.
"Alis na tayo dito! Baka pagalitan pa tayo ng amo mo kapag nakita tayo dito at sisantehen ka pa!"
"Sabi kasi niya---"
"Wag kang magsinungaling! Alam kong pinuslit mo lang ako dito at hindi gagawin ni August ang papasukin ako sa kanyang private space, wag muna lang akong idadamay sa susunod dahil ayawkong mawalan ka ng trabaho"
![](https://img.wattpad.com/cover/297103171-288-k282326.jpg)
BINABASA MO ANG
Summer's Heartbreak
RomanceHindi naman inaasahan ni Summer na sa kasasabi niya ng loosen up sa nakakabatang kapatid na si Spring ay itotodo na nito at humantong sa pagiging buntis na ngayon ay nanganganib na maging dalagang ina. Bilang butihing nakakatandang kapatid ay hindi...