Summer's Heartbreak 3

1 0 0
                                        

"Mabilaokan ka sana gago ka!!!"

Bulong niya sa lalaki habang pinaghahain niya ng mainit na sabaw ng sinigang na baboy, akalain mo nga naman talaga nagawa talagang paikutin ng lalaking ito ang utak ng kanyang ama at makakalibre pa ng agahan sa bahay nila.

"Wag kang mag-alala hon, magalang ako sa larangan ng pag-nguya gusto mong ma-try?"

Naningkit lalo ang kanyang mga mata at hindi niya napigilang sipain ang paa ng lalaki sa ilalim ng mesa.

"Aray!!!"

Exaggerated niyang hiyaw at dali dali namang sumolpot sa harapan nila ang ama niyang nakasuot pa ng apron mula sa kusina.

"Okay ka lang hijo? Hindi ba masarap?"

"Ay.. tito sobrang sarap po ng sinigang paborito ko ang lasang ito"

"Ganun ba mabuti naman sigeh kumain na kayo"

Agad siyang tumayo mula sa mesa at akmang mag-walk out.

"Mauuna na ako sa gymn papa, marami pa akong gagawin atsaka naka-diet ako"

"Ows.. di nga sa taba mong iyan nagda-diet ka"

"Wow ha.. ininsulto mo na si bebble na kalawangin kagabi, nakikain ka ng libreng breakfast tapos ngayon tatawagin mo akong mataba? Alam mo may saltik talaga mga lahi niyo noh? Ipagdadasal kong wag magkatuluyan ang kapatid ko sa kambal mong walang balls"

"SUMMER!!! bawiin mo ang sinabi mo at humingi ka ng tawad sa bisita natin"

Minsan lang siya pagtaasan ng boses ng kanyang ama kaya alam niyang galit na ito kapag tinataasan na siya ng boses.

"Eh.. di sorry"

Pagkasabi ay agad na siyang umalis ng bahay at pinaharurot ang pick-up niya papuntang gymn.

"Mister Young, pasensya kana sa anak ko maaga kasing nawala ang ina nila kaya minsan nagiging brat at ma-attitude yang si Summer hindi ko na kasi natutukan ang paglaki ng dalawa kong anak na babae dahil naghahanap buhay ako para sa amin, ang Kuya adam naman nila nauuto lang nila palagi"

"Walang kaso yun Tito, nakakatuwa nga siyang tingnan sa tuwing galit na galit siya eh saka kasalanan ko naman dahil ininis ko siya"

"Salamat sa pag-iintindi sa anak ko kumain nalang tayo wag munang isipin si Summer may saltik din iyon minsan minsan"

"Tito, August nalang itawag niyo sa akin masyadong pormal ang Mister Young lakas makatanda eh.. atsaka magiging pamilya din tayo sooner or later"

"Alam mo August hijo sa totoo lang hindi ko maisip paano nangyaring magiging ina na ang bunso ko, iniisip ko kasi na mauunang mag-asawa si Summer kasi 32 na siya at puro gymn at boxing lang inatupag niyan, lesbiana yata ang anak kong iyan, ito namang si Spring ang bata bata pa hindi pa nga tapos sa pag-aaral"

"Naiintindihan ko po kayo Tito, isang bagay lang masisigurado ko family centered ang pamilya namin hindi makakapayag ang pamilya ko na may bastardo o mapabayaang Young na kadugo namin. We will do everything para magkabati at magkasundo si September at Spring, alang alang sa magiging pamangkin ko"

"Alam kong mabuti kayong pamilya at napakayaman pa, ang iniisip ko kasi masyadong mataas ang antas ng inyong pamumuhay kumpara sa amin. Ayawkong maging malungkot at miserable ang buhay ni Spring para lang masabayan ang antas at level ng inyong pamumuhay. Masayahin, malambing at mapagmahal ang anak kong iyon hijo, ayawkong dumating ang araw na mawala yun lahat sa kanya"

"My brother is a jerk but he was raised to be a gentleman hindi hahayaan ni September na mangyari yun sa babaeng pinakamamahal niya at sa magiging anak nila"

Summer's HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon