Summer's Heartbreak 8

2 0 0
                                    

Habang nasa kalsada sila ay panay sulyap sa kanya si Ethan alam niyang marami itong tanong pero wala siyang ganang sagutin kong ano man ang mga tanong nito sa isip.

"Hindi naman sa nanghihimasok ako sa personal mong buhay but I just want you to know na kilala kita at alam ko ang ibig sabihin ng mga ganoong klasing tingin ng isang lalaki sa isang babae"

"Ayaw kong marinig ang sasabihin mo sa akin ngayon Ethan please .. gusto ko lang mangyari ay makalimot at ipagpatuloy ang buhay ko gaya ng dati "

"Hindi naman kita pipilitin sabihin sa akin kong anuman ang meron kayo ni Mr. Young ang sa akin lang hanggang kailan ka matatakot at tatakbo? Be kind and honest to yourself deserve mong maging masaya. What happened in the past hindi yun mahalaga ang mahalaga----"

"Ang tanging mahalaga lang sa akin ngayon is to get my feet back at mabuhay ng normal at matiwasay gaya ng dati. Sorry tapos na akong maniwala sa pag-ibig na yan, natuto na ako at hinding hindi ko na uulitin magmahal pa ng sino man okay? Klaro ba??"

Sinadya niyang diinan ang kanyang mga huling sinabi senyales yun na ayaw na niya itong magsalita pa.

" if you say so .."

Simpleng sagot nito at pinaharurot ang kanilang sasakyan. 

Hindi niya mapigilang maikuyom ang kanyang mga kamay habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng Ethan na yun kasama si Summer, alam niyang iniiwasan siya ng babae pero at kahit papaano ay kasalanan din naman niya pero sa tinging niya napaka-unfair naman na hindi siya nito kausapin man lang dahil sa nangyari sa kanila.

" Are you okay hijo? kanina pa kitang nakitang hindi mapirmi diyan may problema ba? "

Agad niyang nilingon ang ina at umiling saka napabuntong-hininga pero hindi niya pinahalata dahil ayaw niyang may malaman ang ina dahil kapag nagkataon baka mauna pa silang piliting ikasal ni Summer kaysa kanyang kakambal. 

" Nothing mom, it's about work "

" Work? are you sure? kasi kanina napansin ko ang paraan ng pagtingin mo kay Summer and doon sa bago niyang kasama na partner niya or something, tapatin mo nga ako anak may pagtingin ka ba kay Summer? " 

Napalunok siya sa tinuran ng ina, at agad na umiling.

" What? No mom! She is a family, I'm just concern para sa kalagayan and the last time we talk we had an argument ganun lang iyon. Wala namang bago doon dahil kailanman sa tingin ko hindi talaga kami magkakasundo." 

" Alam mo anak answerable lang ng yes or no ang sagot sa tanong ko, ang dami mong sinabi which made me think that you are guilty as accused "

" Wala akong gusto kay Summer okay?? Wala talaga as in wala! at you know me the most hindi ko type ang ganoong klaseng babae "

Agad naman nagtaas ng kamay ang kanyang ina saka tumawa.

" Okay, okay if you say so ... just saying "

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita, tumatakbo siya papalapit sa pamilyar na bulto ng lalaking nakaabang sa kanya sa harap ng kanyang gymn. Nakasuot lang siya ng leggings at sports bra at ang nakakainis ay alam niya kong saang parte nakatingin ang lalaking nakaabang sa kanya.

" Nandito ka ba para titigan lang ang dede ko? o may mas mahalaga kang sinadya dito sa gymn namin, sorry hindi ako tumatanggap ng bagong enrollees "

Agad naman itong natauhan. He is just wearing jeans and a black polo but he has an oozing sex appeal napaka-kisig at gwapo nito hindi nakakapagtaka at madami itong naikamang babae at kasama na siya doon. 

" Nandito ako para pag-usapan ang nangyari sa ating dalawa, hindi mo ako pweding iwasan habang buhay Summer dahil kapag ginawa mo yun ako mismo ang magsasbi sa Kuya at tatay mo tungkol sa nangyari sa ating dalawa "

Summer's HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon