Chapter 5

7.6K 181 12
                                    

Hindi ko alam kung anong lugar ito. Malayo ito sa siyudad. May mga palayan pa kami dinaanan, at halos alas otso na ng gabi kami nakarating. Tumigil ang sasakyan ni Kier sa hindi gaanong kalaki na kubo.

"A-anong gagawin natin dito?" kinakabahang saad ko rito.

"Dito muna tayo. Halika na."

"A-ayoko! Baka may aswang d'yan!"

"Sige dito ka sa kotse at sa kubo ako." aniya nito na bumaba na.

"K-Kier nga!" inis na saad ko at bumaba na rin.

Mabilis akong lumakad at humawak sa kan'yang braso. Tanging huni ng mga ibon at mga insekto ang naririnig ko.

Pagdating sa kubo, may kinuha itong lampara at sinindihan.

"Kaninong kubo ito?"

"Mine."

Nagtatakang tumingin ako rito.

"Sa'yo? You mean, it's a vacation house?"

Tumango lang ito sa akin.

Maliit lang ito pero sobrang linis sa loob. May nakita akong maliit na kabinet. Then sa baba ng kubo mga gamit sa kusina.

Panay ang hampas ko sa aking balat na may dumapong lamok.

"Kainis! Hahanapin ako ni Kuya!"

Magagalit si Kuya Jaime, baka isipin na nakipagtanan ako. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Kier na dalhin ako dito.

Lumabas ito at pumunta sa kotse. Nang bumaba ito may bitbit itong bag at karton.

"Ano iyang nasa karton." tanong ko sa kan'ya.

"Mga pagkain." inabot niya sa akin ang bag.

"Mga damit mo. Kay Kelly yan galing, mga bago pa yan."

"Kelly? Sinong Kelly?"

"My younger sister."

May kapatid pala siyang babae. Umakyat na ako sa kubo at binuksan ang bag. Buti na lang maraming undies. Kumuha ako ng pajama at t-shirt.

"Kier? Saan dito ang banyo?"

"Nasa likod."

"S-samahan mo ako."

"Iihi ka ba?" tanong niya na titig na titig ito sa akin.

"N-no. Maghuhugas lang." Sabay iwas ko ng tingin.

"Saka ka na maghugas after ng dinner," Aniya sa akin.

Tumango na lang ako. Kumuha ito ng dalawang plato at nilagyan ng kanin at ulam.

"Kumain ka na," Saad niya na inabot sa akin ang plato.

"Spoon?"

Tumayo naman ito at kumuha ng kutsara.

"Here."

"Fork?"

Nakita ko ang pagkairita sa kan'yang mukha.

"Huwag maarte Sheena. Walang tinidor."

Hindi na ako umimik. Nag-umpisa na kaming kumain nang may malakas na tunog na nasa labas ng kubo.

"K-Kier!"

Agad akong tumayo at tumabi ng upo sa kan'ya.

"Ibon lang 'yan," aniya na patuloy pa rin ang kain.

"B-balik na tayo sa Manila." mangiyak-ngiyak na saad ko rito.

"Hindi puwede. Saka na tayo babalik kapag sinabi na sa akin."

Cruel ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon