Nandito kami sa sala na nakaupo. Kaharap sila Mommy at Daddy. Nasa tabi ko naman si Kier. Si Kai dinala muna ng katulong sa kuwarto ko.
"Kukunin ko na ho ang mag-ina ko." Seryosong saad ni Kier kay Daddy.
Napatingin naman ako rito.
"Nag-aaral pa si Sheena, Mr.Harrison,"aniya naman ni Daddy.
"Sir, kaya ko pag-aralin ang si Sheena. Kahit saang University kaya ko suportahan ang mga pangangailangan niya. Besides, sinunod ko ang gusto mo three years ago, hindi ko pinuntahan si Sheena sa US. Maybe this time, ako na ang masusunod."
Napayuko ako sa sinabi ni Kier. Ibig sabihin, alam na ni Daddy na kasal na kami noon pa ni Kier.
"Sheena?"
Umangat ang ulo ko at tumingin kay Mommy.
"M-Mom?"
"Ano desisyon mo?" tanong ni Mommy sa akin. Humarap ako kay Kier. Nakatitig ito sa akin.
"S-sasama na po kami ni Kai." kagat-labing saad ko kay Mommy.
"Paano ang pag-aaral mo sa US?" agad na tanong ni Daddy.
"I-iwan ko po muna si Kai kay Kier. Then, uuwi na lang ako every semester break."
Tumatango-tango naman si Daddy.
"Okay, Harrison. Ibinagay ko ang anak at apo ko ng walang galos kaya ingatan mo ang mag-ina mo. Oras na sinaktan mo si Sheena, hinding-hindi mo ito makukuha ulit." Maawtoridad na saad ni Daddy.
"Yes, Sir. Mahal ko ang anak niyo. Mahal na mahal ko ang aking mag-ina." aniya ni Kier na kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
"Okay. Mag-usap kayo kung kailan ulit ang kasal niyo. This time bigyan mo ng magandang kasal ang nag-iisang anak kong babae," Aniya ni Daddy na tumayo na ito at umalis. Tumayo na rin si Mommy.
"Magpapahinga na kami." nakangiting saad naman ni Mommy.
"T-Thank you, Mom." mahinang saad ko naman.
Ngumiti lang si Mommy at tumalikod na ito.
"Bukas sa condo muna tayo titira, ipapaayos ko muna ang bahay na lilipatan natin," aniya ni Kier na panay ang haplos sa aking kamay.
"K-Kier, p-paano si Marga? Si Xia?"
"Si Marga, she's my cousin, si Xia? We're friends."
Friends?
"M-may anak kayo di ba?"
"Wala! Basta mo lang ako iniwan noon na hindi mo muna ako hinintay." inis na saad niya sa akin.
"H-hindi mo anak ang baby ni Xia?"
"Hindi." agad itong tumayo at pumunta ito sa taas. Sumunod naman ako rito. Pumasok ito sa silid ko.
"Tatay!"
Lumabas naman ang katulong.
"Yes, my boss." natatawang saad ni Kier na kinarga si Kai at humiga sa kama.
Masaya ako dahil masaya si Kai.
"Tatay hanap ako ng frog." nakangiting saad ni Kai rito. Napatampal naman ako sa aking noo.
"H-ha? W-walang frog dito."
"Nanay said mayroon eh. Tatay hanap tayo spider."
"Kai, sa farm lang mayroong gagamba at frog. Don't worry may farm si Tatay." nakangiting saad ko kay Kai.
"Really, yeheey!"
"Ligo lang ako," paalam ko kay Kier at pumasok na ako sa banyo.
Kung sakaling hindi ako umalis noon, ano kaya ang buhay namin ngayon? Ang bilis ng pangyayari, kakauwi lang namin ng anak ko. Nagkita agad kami ni Kier at nakilala agad siya ng anak namin.
BINABASA MO ANG
Cruel Obsession
RomanceKier Harrison- Isa akong miyembro ng Assassin's na tinawag itong Black Underground. Halos sa akin na ang lahat, kilala ang aking Kompanya at ibang mga negosyo ko. Sa babae? Kabi-kabila ang mga babae ko. Pera? Of course, I'm fucking Billionaire. Pero...