Book 2 of 5

6.5K 174 24
                                    

"Ash, huwag mo palabasin si Kai. Dito na lang siya maglaro sa loob." 

"Opo, Ma'am Faye."

Maghapon ang klase ko ngayong araw. Sobrang abala na rin ako next month. And dating Yaya naman ni Kai, half Filipino-American ito. Umalis na rin ito at umuwi na sa Italy.

Kahit nandito kami sa US panay ang tawag ni Ate Kelly sa amin. Alam na nila ang sitwasyon namin ni Kier. Kahit ang mga magulang ni Kier, nakiusap sa akin na baka maiayos pa ang pagsasama namin. Halos isang linggo na kami sa US, pero never tumawag si Kier or kinamusta kami.

Minsan patago akong umiiyak kapag nagtatanong si Kai sa Tatay niya. Kailangan ko magsinungaling. Sana kahit sa kaarawan ni Kai pupunta siya. Kahit para lang sa anak namin. 

Kahit maghapon pagod ako, binibigyan ko pa rin ng oras ang anak ko.

"Ma'am Faye, parang bigla na lang nawalan ng gana si Kai kumain, at kanina dumugo ang ilong niya." 

"W-what? Maraming dugo?" dali-daling pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa silid ng anak ko.

"Baby." agad akong lumapit at niyakap ito. Nakahiga ito habang nakasalpak ang dede sa kan'yang bibig.

"Nanay." 

"Okay ka lang ba? Anong masakit? Saan? Tell me." natatarantang tanong ko rito.

"Nanay. I missed Tatay na." 

Napapikit naman ako. Hindi ko maiwasan ang paglandas ng luha ko sa aking pisngi.

"Don't worry, tatawagan ko si Tat-, Kai!" nanlalaki ang mga mata ko nang nagsuka si Kai at may kasamang dugo ito. Tumutulo na rin ang dugo sa ilong niya.

"Ashley!" 

Agad binuhat ko si Kai at patakbong lumabas.

"Ma'am Faye!" 

"S-si Kai! Dadalhin natin sa hospital!" 

God! No! 

I'm a med tech. Ayoko isipin na may sakit ang anak ko!

Pagdating sa hospital agad naman inasikaso si Kai.

“It’s exceedingly rare for leukemia to run in families,” Dr. Lurk says. “But, if we know someone has a genetic defect, we can send them and their family members to get genetic counseling and the best treatment options.”

Si Kervy! May sakit na Leukemia din.

"Wala po kaming sakit sa family side ko." mahinang saad ko kay Dr. Lurk.

"Maybe sa Husband mo." saad ni Doc. "Stage 3 na ang Leukemia ni Kaiser. Cancer is a traitor disease. Umaataki at lumalabas ang symptoms kapag malala na ito, iyan ang nangyari kay Kaiser." 

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Nanginginig ang katawan ko. 

"Sheena?" tawag sa akin ni Doc. Lurk. "Si Dr. Tucker Geller ang maging Dr. ni Kaiser. He's a Pediatric  Hematologist-Oncologist. He's also an Surgeon."

"Ano po ang stage ng Leukemia ng A-Anak ko?" nanghihinang tanong ko kay Dr. Lurk.

"Acute lymphocytic."

Nakanganga akong nakatingin kay Dr. Lurk.

Acute lymphocytic!

"Kailangan natin ng ka match ng dugo and then bone marrow transplant. Huwag ka mawalan ng pag-asa Sheena, though bihira lang ang nakakaligtas sa sakit na ito, but you need to try. Next month, gagawin na natin ang Chemotherapy kay Kaiser. Chemo is the main treatment for just about all people with Acute lymphocytic."

Cruel ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon