Nakaupo ako sa kama habang hinihintay si Kier. Nakatingin ako sa orasan, Forty minutes na, wala pa rin siya.
Napatigil ako nang narinig ko ang tunog ng sasakyan. Tumayo ako at sumilip sa bintana.
Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko bumaba si Kier. Hindi ako lumabas bagkus hinintay ko ito pumasok sa aming silid.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.
"What is your problem, Sheena?" agad na bungad ni Kier sa akin.
"My problem? You ask me like that. Umalis ka sa bahay na hindi nagpapaalam sa akin. Kararating mo lang, lumayas ka na naman. Ikaw ang may problema!" sigaw ko rito.
"Nandoon ako sa bahay ng kapatid ko." tamad na sagot niya.
"Ang gusto ko lang naman, sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta. Hindi na umaalis ka na parang walang asawa!"
"Pinauwi mo lang ba ako para sermunan?"
"K-Kier, please. Hindi ko alam kung bakit nagbago ka. Okay pa naman tayo noong umalis ako papuntang US ah. Kung may problema ka, tell me. Baka makatulong ako."
"Babalik ako sa Spain. May importanteng bagay lang ako na aasikasuhin."
"K-kailan?"
"Tomorrow."
"Dadalhin ko muna si Kaiser sa US." seryosong saad ko sa kaniya.
"Sino ang mag-aalaga sa kaniya doon?" tanong niya na nakakunot pa ang noo.
"Isasama ko ang kan'yang Yaya." napabuntong hininga ako. "Kier? Puwede ba bigyan mo naman kami ng time ni Kaiser. Hihintayin ka namin sa US."
"Umuwi na lang kayo dito. Dito ko na lang kayo hihintayin." aniya na pumunta ito sa closet at inyos ang maleta niya.
Napahawak naman ako sa aking dibdib. Pakiramdam ko, nahihirapan akong huminga.
Lumapit ako sa kan'ya at niyakap ito sa likuran.
"Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa lamig ng pakikitungo mo sa akin." mahinang saad ko sa kaniya. "Sabihin mo sa akin k-kung..kung ayaw mo na akin s-sabihin mo kung may nagawa akong kasalanan, sabihin mo sa akin kung-,"
"Wala. Wala kang kasalanan," aniya na humarap ito sa akin. Namumula ang mga mata niya na parang nagpipigil na umiyak.
"Then, w-why? Bakit nag-iba ang pakikitungo mo sa amin? K-Kier? T-tell me. Maintindihan ko naman eh."
"Mag-ingat kayo." aniya na kinuha ang mga gamit niya at nilagay sa maleta.
"A-akala ko ba bukas ka pa aalis?"
"Yes. Sa madaling araw. Doon muna ako sa condo."
"H-hahanapin ka ni Kai. Puwede kahit konting oras, pagbigyan mo muna si Kaiser na makasama ka kahit saglit."
"Okay." lumabas ito ng silid ni hindi tumingin sa akin. Humiga ako at tinakpan ng unan ang aking ulo. Doon malakas akong humagulhol. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulala habang nakahiga.
Hindi ko alam kung anong agency si Kier nagtatrabaho. He's an agent. Gusto ko tawagan ang mga kaibigan niya or si Kuya Kiel, pero nahihiya naman ako. Baka kasi kung ano ang iisipin nila.
Nanghihinang bumangon ako at lumabas ng silid. Alas kuwatro na ng hapon. Ang bilis ng oras, ni hindi ko namalayan na maghapon na ako nakahiga sa kama.
"Si Kai?" tanong ko sa Yaya ng anak ko.
"Tulog po."
"U-umalis na ba si Sir Kier niyo?"
BINABASA MO ANG
Cruel Obsession
DragosteKier Harrison- Isa akong miyembro ng Assassin's na tinawag itong Black Underground. Halos sa akin na ang lahat, kilala ang aking Kompanya at ibang mga negosyo ko. Sa babae? Kabi-kabila ang mga babae ko. Pera? Of course, I'm fucking Billionaire. Pero...