Book 2 of 8

7K 213 41
                                    

"Nanay!"

"Kai? Come here." Nakangiting saad ko sa aking anak.

"Ba-bye, Nanay. Ba-bye." nakangiting saa niya sa akin.

"Kai! No baby! Huwag ka umalis!" 

"I love you, Nanay!"

"Nooooooo!" nilamon na ito ng liwanag ang katawan ng anak ko.

"Kai!" 

"Baby? S-Sheena, please, tama na!" mangiyak-ngiyak na saad ni Kier.

Yumuko ako at humagulhol ng malakas. Apat na buwan na ang nakalipas. Apat na buwan na halos nawalan na ako ng bait. Sobrang sakit. Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Kaiser. Hinawakan ko ang aking tiyan, limang buwan na ito.

"Please, tama na. Ilang beses ka dinugo, huwag mong hintayin na mawala sa atin ang kambal." mahinang saad ni Kier na hinahaplos ang aking mukha.

"Leave me alone." blangko ang mukha na saad ko sa kaniya.

"B-Baby."

"I said. Leave me alone!"

Bago nagkasakit si Kai. Hinahanap niya ang kan'yang Tatay. Sa sobrang kalungkutan ni Kai na hindi kami dinadalaw ni Kier, lalo nawalan ito ng gana kumain.

"B-Babalik ako mamaya dito," aniya ni Kier at lumabas na ito ng silid.

"No! I-I want spa-."

"Space? You want a fucking space? Lalayo ka ulit? Ilalayo mo ang mga anak ko!" Galit na sigaw niya sa akin.

"A-ayoko na! Naririnig mo ba ako!" galit na sigaw ko sa kaniya.

Lumapit ito sa aking at niyapos ako. 

"P-Pagod ka lang. Just rest. I love you, Nanay." 

Hinawakan ko ang kan'yang kamay at tinanggal ito na nakapulupot sa aking baywang.

"Makikita mo pa rin ang kambal. Pero tinatapos ko na ang namamagitan sa atin." seryosong saad ko at humiga na nakatalikod sa kan'ya.

"S-Sheena, please. Huwag ganito. O-okay, pagbibigyan kita ng dalawang araw. Then pagbalik ko ulit dito, aayusin ulit natin ang ating pagsasama."

"Just leave, Kier." Diin na saad ko rito.

Malungkot itong nakatingin sa akin. "B-Babalik ako," aniya at lumabas na ito.

Halos nabaliw na ako nang nawala si Kai sa buhay ko. Kahit ang sariling pamilya ko, hindi ko na sila halos natandaan. After two months na ginamot ako sa US, bumalik ulit kami sa Pilipinas.

Araw-araw hindi ko maiiwasan na umiiyak. 

Kailangan ko ulit magsimula. Alang-alang sa kambal ko sa aking sinapupunan.

"Kumain ka na mabuti, apat na buwan na lang, lalabas na ang kambal." natutuwang saad ni Mommy.

Kapag parehong lalaki ang kambal. Kaiser at Kervy ang ipangalan ko. Nakangiting hinahaplos-haplos ko ang aking tiyan.

"Masaya ako, na bumalik ka na ulit sa dati." mangiyak-ngiyak na saad ni Mommy.

"Y-Yes Mom, kailangan ko magsimula ulit. Alang-alang sa dalawang babies ko." nakangiting saad ko kay Mommy.

"Oo nga pala. Bakit hindi na bumalik dito ang asawa mo?" 

Napabuntong hininga ako.

"Ayoko po muna siya makita."

"Sheena. Kung may kasalanan man ang asawa mo. He learned his mistakes. Maraming pagsubok pa ang pagdadaanan ninyong dalawa. Mahal ka ng asawa mo. Noong wala ka sa sarili mo, hindi ka niya iniwan. Araw-araw nakikita ko siya umiiyak. Saksi ako kung gaano ka inalagaan ni Kier."

Cruel ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon