Chapter 12

6.4K 217 39
                                    

KIER POV

"Kier, galit ka pa ba?" aniya sa akin ni Sheena.

Tamad ko itong tiningnan. "Hindi." saad ko rito.

"Galit ka talaga!" nakasimangot na saad niya.

Napabuntong hininga na lang ako. "Look. Sino hindi magagalit sa ginawa mo? Muntik na namatay ang dalawang tandang."

"Sorry na nga," aniya na niyakap ako.

"Uuwi na tayo bukas. Ihatid kita sa inyo at uuwi muna ako sa US." saad ko rito.

"N-next week, birthday ko na. Sana makapunta ka. Hindi makauwi sila Mommy at Daddy." mahinang saad ni Sheena sa akin.

"Okay. Pipilitin ko makauwi. If ever hindi ako makauwi, bawi na lang ako pagbalik ko."

Humarap ako rito. Hinaplos ko ang kan'yang namumulang mukha.

Fuck! Bakit ang bilis ng heartbeat ko? Kay Sheena ko lang ito naramdaman.

"Puwede ba, bawasan mo na ang sobrang kakulitan? You're not a kid anymore."

Bigla lang niya ako hinampas. "Akala ko ba okay na tayo." naiiritang saad niya.

Napailing na lang ako. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya. "Ligo tayo." kinindatan ko ito.

"Mauna ka na." aniya at tumayo ito at nilapitan ang baboy. Kukunin na sana ng may-ari kaso ayaw ibigay ni Sheena. Bukas ko na lang ibigay at uuwi na kami sa Manila.

"Huwag mong pakainin iyan. Mamaya ulit ng hapon." Mahinang saad ko at pumunta na sa banyo.

After ko naligo, tamang-tama naman na may dalawang kotse na dumating.

The hell! Ano na naman ang kailangan nila.

"Hi, baby Sheena!" nakangising saad ni Gold.

Ngali-ngaling sapakin ang gago!

"Ginto!" agad naman lumapit si Sheena. Dali-daling lumapit ako rito at hinila ko si Sheena palapit sa akin.

"Possessive, Daddy." nakangising saad ni Gold.

"Anong kailangan niyo! Babalik na kami sa Manila, bukas!" inis na saad ko sa kanila.

Napatingin ako kay King. Panay ang hithit ng sigarilyo. Si King Levi Kingston ay half brother ni Lewis Kingston.

"Niyaya lang kami ni Drake. Hinahanap ka ni Z at Jenny." nakangising saad ni Bry.

Tamad ko lang tiningnan si Bry.

"Ginto, pumasok ba si Zen?" tanong ni Sheena .

"Yeah. Hinahanap nga din kita, tinago ka pala ni Harrison." Ngising saad ni Gold.

"Maraming pinya pala dito." aniya naman ni Geo.

"Bihis muna ako," saad ko at hinila si Sheena. Panay kasi ang dikit ni Gold.

"Bakit ba!" panay ang piglas niya habang hawak-hawak ko ang kamay niya papasok sa kubo.

"Wala akong tiwala kay Gold!" naiiritang saad ko.

"Magkaibigan kami ni Ginto! Kainis ka," aniya na umakyat ito sa taas. Sumunod naman ako. Hinila ko ito at hinalikan sa labi.

"Akin ka lang!" diin na saad ko.

"Oo na!" Umirap ito sa akin.

Huminga muna ako ng malalim. "Magbihis ka. Pupunta tayo sa pinyahan."

"Really! Sige!" tuwang-tuwa na naman ito. Hindi maarte si Sheena sa ganitong buhay. Mas gusto niya pa tumira sa bukid. Hindi man lang natatakot na umitim, which is lalong gumanda ang balat niya. Sobrang puti niya kasi, kapag naarawan ng sobra, namumula lang ang balat niya.

Cruel ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon