3rd person's POV
"AOMEEE! ASAN KA NA NAMANG PUNYETA KA! AOME!"
Nagising si Aome ng marinig ang pagkabasag ng kung ano sa labas ng kwarto nila.
Agad naman syang napatingin sa side table nya upang tignan kung anong oras na.
"Ala-una na. Ngayon lang ba sya umuwi?" Tanong nya sa sarili nya.
Patakbo syang nagtungo sa pintuan ng biglang bumukas ang pinto nito.
"Ikaw! Bakit walang pagkaing nakahanda! ALAM MO NAMAN NA UUWI AKO HINDI BA?"
Nagpantig naman ang tenga nya sa lakas nang sigaw ng asawa nito sa kanya.
"D-detail meron namang pagkain sa kusina ehh. Nagluto ako ng si--"
Nagulat sya ng bigla syang hilahin papuntang kusina.
"ANONG NILUTO MO! SINIGANG?! ALAM MO NAMAN NA AYOKO NG SINIGANG HINDI BA?!"
"Pero hindi ba paborito mo dati ang sinigang?"
"DATI YUN! BWISIT NA BUHAY NAMAN TO OHHH!"
Sa sobrang galit ng asawa nito ay ibinuhos nito ang niluto nyang sinigang sa katawan nya. Mabuti nalang at hindi na bagong luto ito.
Napaiyak nalang sya sa nangyari.
Sya si Aome. Aome Sandoval asawa ng isang Detail Sandoval na walang sawang sinasaktan sya. Pero ano nga bang magagawa nya? Hindi nya kayang iwan ang asawa nya masyado nya itong mahal.
BINABASA MO ANG
The Wife Beater (COMPLETED)
RomanceI love you,and I will always do. Kahit ilang ulit mo pa akong sampalin,bugbugin at batuhin ng masasamang salita,mahal na mahal pa rin kita. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa,na sa hirap at ginhawa,ngayon at kailanman ay ako't ikaw lang. Siguro ng...