3rd Person's POV
Isang linggo rin na nagtagal ang magaswang Sandoval sa bahay nila sa Pampanga.
Pagkabalik nila sa bahay nila ay agad namang umalis si Detail dahil mayroon itong business trip sa ibang bansa.
Tumawag ito kagabi kay Aome at sinabing baka bukas ay makakauwi na sya at nangako sa asawa nitong sasama sya sa pagpapacheckup nito. Isang linggo narin kasi itong wala.
Nagdidilig si Aome sa labas ng bahay nila ng marinig nya ang isang boses na kinatatakutan nya.
"Aome" nagsitaasan ang balahibo nito sa katawan at dali-daling pumunta sa gate para isarado ito pero agad naman itong hinarang ng lalaking tumawag sa kanya. Si Dave.
"Aome magusap tayo." Pakiusap ng lalaki.
"Wag kang lalapit sakin. Tatawag ako ng p-pulis!"
"Aome magusap tayo. A-akin ba ang batang dinadala mo?" Hindi nila napansin ang pagdating ni Detail. Susorpresahin sana nito si Aome dahil maaga syang nakaiwi pero hindi nya alam na sya pa ang masusorpresa sa madadatnan nya.
"ANO?! NABABALIW KANA TALAGA DAVE!"
"Oo! NABABALIW NA TALAGA AKO. SUMAMA KA SAKIN!!!" Hila-hila ng lalaki si Aome na hindi alintana ang pagbubuntis nito.
Agad namang naginit ang ulo ni Detail ng makita ang ginagawa ni Dave sa asawa nya kaya agad nyang sinunggaban ito.
"SABING BITAWAN MO SYANG GAGO KA!" nagulat si Aome sa biglang pagdating ni Detail at agad naman syang tumawag ng security.
"T****NA MO! WAG KA NG MAGPAPAKITA SAKIN DAHIL MAPAPATAY KITA! IKAW! HALIKA SA LOOB!" nasasaktan si Aome sa panghahablot ni Detail sa braso nya. Ramdam nyang bumabaon dito ang mga kuko nito.
"D-detail nasasaktan ako" saka lang sya binitawan ni Detail ng makapasok na sila sa bahay. Para lang syang isang bagay na biglang initsa ng asawa nya.
"D-Detail. Magpapaliwanag a--"
"Malandi ka talaga! Wala ka talagang kadala-dala!"
"Detail magpapaliwanag ako. Hindi ko alam kung bakit sya nand---" sinusubukang magpaliwanag ni Aome perk hindi sya pinakikinggan ni Detail.
BINABASA MO ANG
The Wife Beater (COMPLETED)
RomanceI love you,and I will always do. Kahit ilang ulit mo pa akong sampalin,bugbugin at batuhin ng masasamang salita,mahal na mahal pa rin kita. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa,na sa hirap at ginhawa,ngayon at kailanman ay ako't ikaw lang. Siguro ng...