Aome's POV
Dalawang linggo na rin mula ng malaman kong buntis ako.
Wala namang ibang nangyari sa buhay ko. Hindi ko parin pinapansin si Detail.
Ni hawakan o lapitan hindi ko magawa sa kanya. Gigising ako ng maaga para ipagluto sya at matutulog ulit bago sya magising.
Kapag gabi naman nauuna akong kumain kaysa sa kanya at agad ding papasok sa kwarto para matulog.
Alam kong naaasar na sya sa akin pero hindi ko talagang magawang ibalik ang dati.
Kaarawan ko na bukas at nakapagdesisyon na akong magcelebrate kasama ang family ko.
"D-Detail magpapaalam lang sana ako sayo. Bukas na ang birthday ko kaya gusto ko sanang pumunta sa bahay namin. Dun na muna ako siguro mga 3days lang. Gusto kong makasama sila mag celebrate." Nakatingin lang sya sa akin noon. May kung anong lungkot sa mata nya na hindi ko malaman.
"Bahala ka." Malamig na sagot nya. Tatalikod na sana ako sa kanya ng hilahin nya ako at niyakap.
"Aome wag. Tayo,tayong dalawa nalang ang magcelebrate. Hindi mo ba ako gustong makasama sa birthday mo hah? Please? Tayo nalang dalawa Aome" ngayon alam ko na kung anong nararamdaman nya.
"D-Detail nasabihan ko na sila mama na dun ako magce-celebrate"
"Fine. Sige magse-celebrate tayo dun. TAYO. Then sa hapon aalis tayo." Ngumiti nalang ako sa kanya.
Kinabukasan maaga kaming umalis sa bahay para pumunta kila mama. Namimiss ko na talaga sila.
"Inaantok ka pa ba?" Tanong sa akin ni Detail habang nagmamaneho.
"Oo eh. Gisingin mo nalang ako pag nandun na tayo" tumango nalang sya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
The Wife Beater (COMPLETED)
RomanceI love you,and I will always do. Kahit ilang ulit mo pa akong sampalin,bugbugin at batuhin ng masasamang salita,mahal na mahal pa rin kita. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa,na sa hirap at ginhawa,ngayon at kailanman ay ako't ikaw lang. Siguro ng...