Aome's POV
"Detail san tayo pupunta? Ansakit na ng pwet ko." Nakanguso pa ako nun habang sinasabi sa kanya yung reklamo ko.
"Malapit na tayo." Malapit na naman?
"Sinabi mo narin yan kanina ehh." Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya.
"Detail bakit ayaw mong bitawan kamay ko?" Kanina nya pa kasi hawak ang kamay ko habang nasa byahe kami.
"Wala. Ayoko lang mawala ka sakin." Hindi ko na sy sinagot dahil parang bumalik ako sa pagiging teenager ko. Kinilig naman ako dun..
"Detail tama ba tong dinadaanan namin? Naliligaw na ata tayo eh" instead of answering me he just shook his head.
"We're here wife" napatingin naman ako sa labas.
Napanganga ako sa bahay na nasa tapat namin. Ano to bahay sa gitna ng gubat?
"Kaninong bahay to?" Wag nyang sabihin sa babae nya?!
"Hindi to sa babae ko. Well sa babae ko nga pero asawa ko naman." Nakangiti nyang sabi sakin.
"Sa atin to?" Tumango nalang sya sakin.
Nauna na akong pumasok sa bahay dahil binababa pa ni Detail ang mga gamit namin.
"Ang ganda!" Ang ganda lang talaga ng bahay. Kulay green ang color ng mga walls na favorite kong kulay. May sofa na kulay puti na kinaganda lalo ng sala. Green and white ang combination ng bahay.
"Nagustuhan mo ba?" Tumango nalang ako kay Detail dahil speechless parin ako hanggang ngayon.
Hindi naman malaki ang bahay pero hindi rin maliit. Tama na sa isang pamilya. At ngayon palang naiisip ko na ang saya kung mayroon na kaming anak. MGA anak.
"Detail asan ang kwarto natin?"
"Nasa taas. Yung nasa kanan na kwarto." Tumango nalang ako saka pumunta sa itaas. Bago ko pasukin ang kwarto namin naisip ko munang pumunta sa kabilang kwarto.
Kulay blue ang wall. Ibang-iba sa kulay ng buong bahay.
Napangiti naman ako ng matamis.
Punong puno ng gamit na pambata ang kwartong ito.
"Nahihiya kasi ako sayo dati na baka di mo magustuhan na ako ang namili ng mga gamit ni baby." Niyakap nya lang ako mula sa likod.
"Okay lang yun. Thank you Detail. And I love you!" I kiss him on his lips.
"Ano naman kayang nasa kabilang kwarto?" Kinikilig akong pumunta sa kwarto.
"Oh my god! Kaya pala wala ito sa bahay andito pala!" Napapunta ako sa frame na nakasabit sa taas ng headbord.
Nakangiti lang sya sakin. Humiga lang ako sa kama at nahiga rin sya sa kabilang parte ng kama.
"Bakit ang layo mo?" Tanong ko sa kanya pero hindi naman nya ako pinansin.
Kahit kelan talaga wala manlang kasweetan tong lalaking to.
Lumapit ako sa kanya at siniksik ko ang sarili ko sa leeg nya.
"A-aome" ano na naman?
"Hmm?"
"Layo ka ng onti. Baka hindi ako makapagpigil sayo."
"Haha ako din baka hindi ako makapagpigil sayo."
Lalo ko namang siniksik ang sarili ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang mabilis nyang paghinga.
"Detail?" Saktong paglingon nya sakin ay hinalikan ko na kaagad sya.
We're kissing. A passionate and a torrid long kiss.
Naramdaman ko na tinatanggal nya ang damit ko.
"I love you wife"
Then nangyari na ang dapat mangyari.
Author's Note: Waaaa tama na muna ang isang BS hehe di kinaya ng braincells ko eh. Churrry
BINABASA MO ANG
The Wife Beater (COMPLETED)
RomanceI love you,and I will always do. Kahit ilang ulit mo pa akong sampalin,bugbugin at batuhin ng masasamang salita,mahal na mahal pa rin kita. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa,na sa hirap at ginhawa,ngayon at kailanman ay ako't ikaw lang. Siguro ng...