Aome's POV
"Hindi na tayo aalis. Itxt mo ako pag magpapasundo kana saakin. Babalikan nalang kita dito" nasa kwarto ako ngayon at nagaayos ng damit ng sabihin iyon ni Detail sakin.
"B-bakit? Anong problema Detail?" Umiling lang ang asawa nya saka umalis ng kwarto.
Nasaktan ko ba sya? Ano bang nagawa ko? Ahh oo nga naman. Baka may pupuntahan syang mas importante.
No. Hindi pwede. Nangako syang may pupuntahan kami. Kaming dalawa lang.
Sinundan ko naman sya sa labas at naabutan ko syang nasa baba. Palabas na sya ng pintuan ng tawagin ko sya.
"Detail! Detail wait!" napatakbo naman ako pababa. Bumalot ang takot sa muka ni Detail.
"Shit. Aome stop running downstairs. Baka anong mangyari sayo!" Safe naman akong nakababa ng hagdan at sinalubong kaagad ako ni Detail ng yakap.
"Wag mo ng gagawin ulit yun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may masamang nangyari sayo."
"As if naman" napatingin ako sa boses na nanggaling sa taas. Si Abi.
"Abi!" Pagsuway ko sa kanya.
"What? Nagsasabi lang ako ng totoo." Nakababa na sya ng hagdan at agad na nilapitan si Detail.
"Oh aalis ka? Iiwan mo na ang kapatid ko samin?! Eh di wow! Mas maganda nga kung ganoon ehh. Para naman maramdaman ulit ni Aome ang langit. Hala alis na!"
Nabigla ako sa sinabi ni Abi. Nakita ko naman na nagigting ang bagang ni Detail kaya dali-dali ko na syang hinila palabas ng bahay.
"Detail wag mo ng pansinin si Abi. Alam mo naman ang ugali nun hindi ba? Pagpasensyahan mo nalang." Nakayuko lang sya habang nakasandal sa kotse nya.
"Let's divorce." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at agad ko naman syang niyakap.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi tayo maghihiwalay. Hinding-hindi. Detail kalimutan na natin ang mga nangyari magsimula tayo ng bago. Please para sa anak natin." Naramdaman ko naman ang pagbalik yakap nya sakin.
"Im sorry Aome. I love you" hinalikan ko sya sa labi.
"I love you too Detail." Then he kiss me on my forehead.
"Tara na?" Pagaaya niya sakin.
Tumango naman ako sa kanya at nginitian sya.
BINABASA MO ANG
The Wife Beater (COMPLETED)
RomanceI love you,and I will always do. Kahit ilang ulit mo pa akong sampalin,bugbugin at batuhin ng masasamang salita,mahal na mahal pa rin kita. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa,na sa hirap at ginhawa,ngayon at kailanman ay ako't ikaw lang. Siguro ng...