Chapter 13

17.2K 260 0
                                    

3rd Person's POV

Sa bahay ng mga Celeste ngayon tumutuloy si Aome. 3buwan narin sya doon at malaki na nga talaga ang tiyan nya. Kumbaga 7bwan na ang kanyang tiyan at malapit na syang manganak.

Masaya naman ang mama nya dahil naisipan daw ni Aome na dun muna magbakasyon.

Hindi lingid sa isipan ng nanay nitong may problema ang magasawa.

Kahit naman kasi may nangyayari na hindi maganda sa kanilang dalawa ay hindi nito sinasabi sa nanay nya.

Kahit mismo ng magahasa sya hindi alam ng pamilya nya ang nangyaring iyon. Maliban nalang sa kakambal nito.

Araw-araw na sinusuyo ni Detail ang asawa sa bahay ng mga Celeste. Kinikilig naman ang lahat ng nasa bahay na iyon dahil araw-araw ngang pumupunta si Detail sa kanila na animoy nanliligaw palang.

"Aome umuwi kana sa bahay. Baby? Pauwiin mo na si Mommy" nasa veranda ang magasawa at nagbabasa si Aome ng magazines.

Hindi nya gaanong pinapansin si Detail na laging nangungulit sa kanya. Kinukulit na naman kasi sya ni Detail na umuwi na sa bahay nila. Napapangiti nalang sya ng tipid dahil baka makita ni Detail ang pagngiti nya. Ayaw nyang isipin ng asawa nyang bumibigay na sya.

"Detail nagbabasa ako wag kang magulo" nakita nya naman ang pagnguso ng asawa nya na animoy nagtatampo.

Binato nya ito ng bimpong hawak nya at sinabihan nya itong isipbata.

Pumasok sa loob ng kwarto si Aome kaya sumunod sa kanya si Detail.

"Aome uwi kana please? Aomeeee" hindi sya pinansin nito at nagtuloy-tuloy lang sa paghiga nya sa kama.

Napabuntong hininga nalang si Detail dahil ayaw parin umuwi ni Aome sa kanila. Nahiga ito sa tabi ng asawa nyat yumakap din.

Pinabayaan nalang ni Aome ang ginawa ni Detail at pinakiramdam ito. Uuwi naman sya talaga pagkapanganak nya dahil gusto nya ng magsimulang muli.

Kahit naman anong gawin nyang pagiwas kay Detail hindi nya magawa. Masyado nyang mahal ito.

Nang maramdaman nyang bumagal ang paghinga ng asawa ay saka lang sya humarap dito. Mahimbing ng natutulog si Detail habang yakap-yakap si Aome.

Hinalikan nya ito sa labi.

"Babalik na ako Detail"

The Wife Beater (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon