03

52 43 1
                                    

Inaya ko na si Lianne para pumasok kasi baka malate kami pero ang totoo talaga naiinip na ako sa bahay.

Nauna na syang sumakay at sumunod naman ako sa kanya.

"Nag uusap na kayo?", Wala sa sariling tanong ko para mabasag lang yung katahimikan noh.
"Hindi masyado nag uusap man hindi masyadong close", walang ganang sabi sya sa akin.

Hindi ko alam kung ano yung feeling non. I never like a boy. Nag kakacrush ako pero hindi ako nagkakagusto sa kahit kanino.

Pero pag ikinuwento ko yun sa kaibigan ko 'na wala pa akong nagugustuhan' ang sasabihin nila 'ayaw mo kumausap ng tao e tapos mag rereklamo ka kung bakit wala kang ma gustuhan' ulit ulit yang sagot nila sa tuwing nag rereklamo ako kung bakit never akong na inlove or nag kagusto man lang sa isang tao.

Pero minsan honestly nalulungkot ako ini-imagine ko pa lang na mag kakaron na sila ng kani-kanilang pamilya,masaya, may nag mamahal sa kanila. Masaya ako para sa kanila kung mangyari man yon. Pero sa kabilang banda nalulungkot na hindi kona sila masyadong makakasama pag nag ka taon.

Sa tuwing na kikita ko sila na may na gugustuhan o nalalaman na nila kung mahal nila yung tao lagi akong napapatanong sa sarili ko kung bakit ni minsan hindi ko maranasan yung mainlove or magkagusto sa tao. Natatakot kasi akong baka mangyari ren ang nangyari sa magulang ko. Nasa una lang masaya.

Hindi ko alam pero wala ako sa mood ng dumating na kami sa school ikaw ba naman mag isip ng ganon bakit hindi mawawala yung mood ko e. I've never imagine myself fall inlove with someone.

Sa sobrang taas ng standard ko? The fuck sa ugali ko palang kasawa sawa na e.

Pumasok kami ni Lianne na parehas naka busangot na para bang pinag kaitan ng langit at lupa.

Mag katabi kami sa upuan dahil wala namang arrangement ang upuan namin.

Maya maya pa ay dumating na ang lecturer namin.

Nagulat ako sa kasama nya kung hindi ako nag kakamali ay yun yung isa sa tropa ng jowa ni Brianna. The fuck si ken pa talaga.

Sa tabi nalang ni Lianne na upuan ang walang na kaupo kaya panigurado na doon ito uupo. At doon nga sya umupo. Mukhang tanga syang nakangisi papalapit sa amin.

"Hi, good morning", masayang bati nito sa amin. "Walang good sa morning kung ikaw yung transfer noh", inis na bulong ko. "What did you say?", Naka taas pa ang kilay nyang tumingin sa akin at nag tanong pa, pa english englisj pa akala mo ay ikina-cool nya yon. "Ah wala, ano wala syang sinabi good morning", siniko pa ako ni Lianne habang sinasabi nya ito. "Akala ko kung ano eh", bulong pa nito na parang nangaasar talaga.

Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko at tumataas ang dugo ko pag nakikita ko tong lalaking toh. Dati kabang diablo!? Wala akong ideya kung sino o kung ano man yang ugali mo pero nakaka asar kasi yang pag mumukha mo e.

*DISCUSS

*DISCUSS

*DISCUSS

Lunch na at napag usapan namin na sa canteen kami ng 'sabay sabay' wala lang para mag chismisan ganon.


Nag dala nalang ako ng food ko dahil sayang naman yung niluto ni Ate Kia na adobo kahit ulam ko na toh kanina ay di ako nag sasawa rito dahil ito ang paborito kong ulam kahit ipaulam nyo sa akin yan buong taon okay lang.

Nauna na si Lianne sa table namin kasi bumili pa ako ng drinks ko kasi nakalimutan kong mag dala dahil bobo nga ako.

Habang nag lalakad ako ay nagulat ako sa nakita as in nagulat teh oo ganon. Hindi pumasok sa utak ko na makakasabay namin tong si Ken na kahit wala namang ginagawa sa akin ay naiirata na ako lalo na pag pinag tatawanan nya ako. Naalala ko nga palang kaibigan toh ng boyfriend ni Brianna bwakanangshit yan oo.

Naupo nalang ako na nahimik hoping na walang dumaldal sa akin kasi tinatamad ren ako mag salita.

Nagulat ako ng sikuhin ako ni Brianna. "Hoy! Gaga kanina kapa tulala ano meron?", Bulong nya pa sa akin. "May naalala lang", mahinang sagot ko.

Naisip ko kasi kelan ko kaya  mapi feel yung mainlove or may mag kagusto sa akin i mean meron namang nag kakagusto sa akin pero hindi ko kasi gusto e at hindi ako ready mag commitment duhh.

Mabilis lang kaming kumain dahil may susunod pa kaming klase.

"Oh mamaya nalang ah kita kita", sabi ni Brianna. Tumango nalang ako katamad talaga e.

Naupo na kami sa dati naming inupuan kanina.

Nang makaupo na kami ay nakita kong papalapit sa amin si Ken. What the fuck are you doing? Tangina mo.

"Hep hep hep! At bakit dito ka nanaman mauupo?", Mataray na tanong ko. Mag iba ka kasi ng upuan bwesit nayan. "Hello Miss pinag kaitan ng kabaitan eto na ang permanent sit natin hindi mo ba narinig kanina?", Seryosong sabi nya na parang inaasar talaga ako. "Lianne? May narinig kaba?", Seryoso reng tanong kay Lianne kasi di ko naman alam na may sinabi ba naganon. "Yeah, lutang ka kasi kanina e", pabiro pa nito. Nakita ko na mang umuwang ang labi ni Ken na parang tuwang tuwa sa sinabi ni Lianne kaya't inirapan ko nalang ito.

The fuck!? Pano yan buong school year akong magiging badtrip? Bakit kasi sa dinami dami ng pwedeng ilagay dyan malapit sa upuan namin? Ay yan pa talagang Ken na yan? The fuck.

Buti nalang at hindi ako inaasar o kinikibo man lang buti nalang talaga noh kasi kung aasarin nya ako kahit may teacher masasapak ko sya chariz.

*DISCUSS

*DISCUSS

*DISCUSS

Uwian na kaya nag pahatid nalang ako kay Lianne ulit dahil hindi ko nga dala yung kotse ko rigth? Kasi nga tamad ako period. I mean nag titipid lang ganon.

Wala si Ate kaya sinabi ko kay Lianne na huminto muna sa drivethru para maka bili ako ng food na makakain ko.

Wala akong kasama sa bahay pero tiwala naman kasi si Ate Kia sa mga Kapit bahay namin dito sa bahay kaya iniwan nya na ako mag isa. Masaya ako na may tiwala sa akin ang Ate ko.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay. "Teh, are you sure kaya mo mag isa dyan? Baka mapano ka eh", pag alala ni Lianne. "Hindi yan laki laki na eh", pag yayabang ko pa. "Alam mo dito nalang ako matutulog, may extra uniform ka naman siguro noh?", Tanong nya pa. "Yah, i guess wala naman na akong magagawa", bumuntong hininga pa ako.

Dahil kung hindi ko ito pa tutulugin rito sa bahay ay maya't maya yan mag tetext o tatawag.

"Mag papaalam lang ako kay mom", paalam nya pa. Tumango nalang ako.

Maya maya pa ay umupo sya sa harap ko at sinabing "pinayagan ako!", Masayang sabi nya pa.

Mabuti nalang at dinagdagan ko yung inorder ko kanina kung hindi ay bitin da amin toh.

"Okay kana ba?", Tanong ko bigla habang kumakain kami. "Honestly? Yes ewan bigla ko nalang na feel na hala ok na ako", sabi nya sa akin.

Napakabilis naman ata nyang makalimot?


"Wow ang bilis mo naman atang makalimot ah?", Curios na tanong ko. Ganon lang ba talaga bawiin ang feelings? Kung gaano kabilis na hulog ganoon ren ba dapat kabilis mawala yung nararandaman mo?

"Tanga hindi, i just realize na you can love the person without loving you back. Na mas masarap pala mahalin yung tao kapag hindi ka nag eexpect na mamahalin ka nya pabalik. You can love the person without wanting that they will love you back. Kung mahalin ka pabalik? Edi mas maganda. At kung saan sya masaya at kung nakikita ko naman na masaya sya edi magiging masaya nalang ako para sa kanya. Because that's what the right thing to do", ngumiti sya sa akin.

Kahit papaano gusto ko na talaga maramdaman yung tipong alam mo na mahal mo na yung taong yon. Na kahit masaktan ka kahit di ka nya mahalin pabalik you can still love him or her from afar just like the moon.

"Paano mo ba malalaman kung gusto o mahal mo na ang tao?", Wala sa sariling tanong ko. "You just know.", Maikling sagot nya lang. "Huh?", Nakakunot pa ang nuo ko.

"Malalaman mo nalang yon, malalaman mo na iba na yung tingin mo sa taong yon. Magugulat ka nalang na bigla mong marereliaze na hala gago mahal ko na pala sya. ", Paliwanag nya. " I can't explain it but ganon malalaman mo nalang bigla.", dugtong nya.

SA SUSUNOD NA HABANG BUHAYWhere stories live. Discover now