05

31 19 2
                                    

Hindi ko na na abutan sila Ate kagabi dahil na ka tulog na ren ako. Ewan feeling ko kasi sobrang pagod na pagod ako kahapon.

Maaga ren ako nagising dahil maaga nga ako natulog para wala na ren na sermon galing kay Ate Kia.

Pag baba ko ay naka handa na ang food at ako nalang ang hinihintay.

Nagulat pa si Ate Kia nang makita nya akong na ka ligo na.

"Wow nag bago ata ang ihip ng hangin anyare bakit ang aga muna gumising ngayon? At ang aga mo ren natulog", ngumisi pa si Ate Kia. "Ngayon lang toh Ate Kia", tumawa pa ako.

Nakita ko pa ang pag irap nya ng mata sa akin. "Ipag patuloy mo lang yan ng matuwa naman sayo ang kuya mo", sabi pa nito.

Si Kuya ang pinaka strict sa lahat pangalawa sya pero parang sya talaga yung panganay nung nasa bahay ako araw araw ren ako pinapagalitan ni Kuya kaya nung nasa bahay pa ako nila mommy ang productive ko nun.

Mas kaclose ko kasi si Ate kia kesa kay Kuya apaka sungit at strict kasi eh. Pero he always say na 'im so proud of you' pag may achievements ako. And he always compliments me.

Parang sya na ren yung naging tatay ko kahit mukha kaming mag tropa. Ang pogi kasi ng kuya ko eh masyadong ideal toh ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon eh wala pa ring girlfriend. Every time na tatanungin ko laging sagot 'di naman ako mawawalan ng babae' o kaya 'maraming babae sa mundo imposibleng walang para sa aken' nako pero kasi kami ang inuuna nya eh. But i'm so proud of him kasi kahit anong mangyari he always there for us sya na ren ang tumayong parang tatay sa amin.

Simula ng mag hiwalay ang Mom at Dad namin. Mas naging busy si Kuya dati na kakalaro at nakakbonding namin sya ngayon puro trabaho at masyadong sumeryoso. Sa aming lahat sya ang pinaka na apektuhan. Mas close kasi sila ng tatay namin close namin sya pero mas close sila kaya siguro ganon nalang din yung naging resulta sa kanya.

Iniisip ko ren minsan baka kaya hindi nag jojowa ang kuya dahil natatakot ren katulad ko.

Mag kakaiba kasi kami ng ugali eh kaya minsan hindi kami mag kasundo sundo.

Si Ate masipag, mabait, maingay, palabiro. Pinaka maingay sa amin she is messy but she's kind and sobrang soft nito. Pinaka iyakin pa.

Si kuya naman seyoso, laging naka poker face, mabait, strict den pero hindi ko pa toh na kikita umiiyak eh.

Ako naman ito maganda lang ang ambag sa pamilya sensya na ha e2 l@nG aQh0e.

Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mag tanong kasi nga chismosa ako.

"Ate, san ba kayo pumunta? Grabe di kayo nag aaya ah", kunwaring nag tatampo pang sabi ko. "Alam mo ba yung salitang 'date' punyeta date tapos kasama ka?", Reklamo ni Ate Kia. "Eto nag date na kayo't lahat mainitin pa ren ulo mo", mataray pang sagot ko sa kanya. Kumain nalang kami parehas dahil kung patuloy kaming mag uusap imbis na mag kamustahan ay nag baabrdagulan kami. Ang love languange ng Ate kia ko ay 'sermunan ako mag hapon'.

Hinatid nalang ako ni Ate kia para tipid daw sa gas dahil may pupuntahan rin ata sya.

Mukhang maaga ako naka pasok at wala pa rin sila Lianne, Brianna, at Jed sa may tambayan o dun sa pinag iintayan namin.

Nag libot libot lang ako hanggang sa makarating ako sa garden at naupo nalang sa may upuan roon.

Maya maya ay may dumating kaya agad kung inaayos ang sarili ko.

"Dito ka ren pala tumatambay", bungad sa akin ni Jayvie. "Wow, i'm not a ghost excuse me. Mukhang gulat na gulat ka ah?", Pabiro nyang sabi. "Nagulat lang ako akala ko kasi madalang lang ang student na pumupunta rito", paliwanang ko naman. "Why? Ang ganda rito, this is my favorite place here in school so far", sabi naman nya. "Oh i guess same tayo", ngumiti pa ako. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw nila rito", tumingin pa ako sa paligid. "Eh ang ganda naman", dugtong ko.

SA SUSUNOD NA HABANG BUHAYWhere stories live. Discover now