Parehas kaming hindi makatulog kaya nag bidahan nalang kami.
"Bakit ba tayo na huhulog sa tao?", Wala sa sariling tanong ko. Never pa akong na hulog sa tao e. Ano nga ba ang reason why do people inlove? Minsan pinangarap ko talaga yung mainlove? Nung kasalukuyang masaya pa ang parents ko, nung nag hiwalay sila na takot naman ako.
"Dahil sa pakikitungo nila? I guess?", Naguguluhang sagot nya sa akin. "Bakit ba kasi wala ka paring nagugustuhan?", Tanong nya. "Ha? Dahil siguro mataas standard ko", tumawa pa ako. "Ulol wala sa standard yan mahuhulog ka nalang sa tao ng hindi mo namamalayan dagdag points nalang yun kung pasok sya sa standards mo", paliwanag pa ni Lianne. " Takot ka yun yung sabihin mo", dugtong nya pa.
Takot ako? Yes isa yun sa reason kung bakit ayaw kong mahulog o kumausap ng lalaki. Mabilis akong maattach at alam ko yon. Ayokong mafeel na pag naramdaman kong iportante na sa akin yung tao ay bigla nalang akong iiwan. Pano pag nahulog ako tapos nahulog ren sya and then one day marealize nya na hindi pala talaga ako? Pano pag naranasan ko ren ang narasan ng mommy ko? Ayokong masaktan kasi parang di ko kaya mahina yung puso ko eh.
"Isa na sa reason yon at alam mo na kung bakit", mahinahong sagot ko naman. "mali kasi pag kakaintindi mo eh, hindi porket nangyari sa magulang mo eh mangyayare na sayo problema kasi sayo hindi mo pa nasusubukan inaayawan mo agad", parang may halong inis pa toh ah. "Paano ko susubukan? Kung walang kumakausap sa akin?", Tanong ko. "Pag kasi may kakausap sayo ipagtatabuyan mo lang ulol kaba?", Umirap pa sya. "Paano pag nasaktan ako", malungkot na sabi ko. "Kasama sa pagmamahal yun", maikling sagot nya lang.
"Diba sinabi ko na sayo, na hindi porket mahal mo yung tao kailangan mahalin ka narin pabalik. You can love him from afar. Kung hindi kanya gusto. And if he cheated? Magiging aral yan sayo. Look at your mom she's stronger now than before. Kasi mas natuto syang mahalin yung sarili nya pati narin kayo", tumingin sya sa akin. "Huwag kang matakot mag try, kasi hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan", nakangiti pasya sa akin.
"Eh ikaw? Paano mo natanggap agad yon na hindi pwedeng maging kayo? Kasi ikaw lang ang may interes sa inyong dalawa?", Tanong ko kaso chismosa ako eh. "Nakikita ko syang masaya, nakikita ko ren naman na mahal nya talaga yun eh", nagulat ako sa sinabi nya. 'mahal nya talaga yun eh' dude so ibig sabihin may girlfriend na si boy!?!? Ouch gago
"What do you mean?", Hala teh obvious na nga e pero para makasigurado. "He have a gf na, but it's okay kasi hindi lang naman sya lalaki sa earth noh", natatawang sabi nya pa.
Pag kaming dalawa lang talaga ni Lianne sobrang daldal nya. Hindi sya ganito pag maraming tao i guess komportable sya sa akin kaya ganon. And i'm so happy kasi she have a trust in me. Na nag sasabi sya sa akin ng problem nya. Natutuwa ren ako when i see her na maingay at nakukuhang mag joke.
And i always pray na one day mahanap nya na yung taong mag mamahal sa kanya kasi deserve nya yun eh.
Natulog naren kami maya maya kasi may klase pa kami bukas.
Maaga sya nagising nakita ko syang nasa kusina na para bang pamamahay nya yun. Sanay kasi toh sa kusina e mahilig pang mag luto. Kaya thankful den ako kasi hindi pritong itlog at pritong hotdog ang ulam ko.
The fuck!? Cornbeef lang pala yung niluluto shutaa akala ko naman kung ano na jusko tuwang tuwa pa ako pinuri kita sa utak ko.
"Gago akala ko kung ano yung niluluto mo cornbeef lang pala", natatawang bungad ko sa kanya. "Di ka nalang mag pasalamat", biro nya. "ulol kaya ko ren lutuin yan noh", pag mamayabang ko pa.
"Nangielam na ako sa bahay nyo ha nakakahiya naman kasi sayong gisingin ka mukha ka kasing puyat na puyat eh", pang aasar nya sa akin.
"Eto umagang umaga kung hindi lang ikaw nag luto inupakan na kita", biro ko ren.
YOU ARE READING
SA SUSUNOD NA HABANG BUHAY
Short StoryThis story is about two people who are looking for what love really is, and why so many people go crazy over it. But they do not expect that they will find true love in each other. WILL THE WORLD AGREE WITH THEM? Let see...