HC 3

159 11 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖍𝖗𝖊𝖊: 𝕳𝖔𝖗𝖔𝖘 𝖀𝖓𝖎𝖛𝖊𝖗𝖘𝖎𝖙𝖞゚・:*✿

"It's so malaki! Ang giant nito! Parang isang castle!" Bulalas ni Cary habang inaninag ng mabuti gamit ang kan'yang eyeglasses sa nakikita niya.

"Ayan ka na naman, Cary. OA ka talagang maka-re— what the fuck?!" Bulalas din ni Javey nang makita ng tuluyan ang nasa harap namin.

"Totoo ba 'tong nakikita ko?" Sabad ni Jalu habang kinusot-kusot pa ng mabuti ang kan'yang mga mata.

"Nish, pakurot nga ako kung nananaginip lang ba ako?" Dagdag pa ni Jalu kay Nish. 

Pero sa halip na si Nish ang kumurot kay Jalu ay si Dyce ang kumurot sa pisngi niya at mukhang pinanggigigilan ni Dyce ang pisngi ni Jalu. 

"Aray! Dude naman, wala namang gan'yanan, ang sakit kaya," reklamo ni Jalu na nakatingin na kay Dyce.

"Sabi mo kasi na pakurot kaya kinurot ko, 'saka isa pa, 'wag mong landiin ang kapatid ko," ani Dyce kaya napahagikgik si Nish.

Napailing-iling na lang kami sa tatlo.

"I think we should go towards that giant castle-like thing, I bet there's more unusual creatures that we may encounter while we're still here, mas mabuti ng ligtas tayo at sa tingin ko'y kailangan nating pumasok doon," saad ko kaya napatango sila.

As if on cue, we headed together towards the place. Pagkalapit namin doon ay napatigil ako at sinenyasan sila na tumigil at tumahimik kaya ginawa rin nila ang utos ko.

Meron akong nakitang signage sa gilid kaya binasa ko iyon.

"Horos University," basa ko sa signage.

Wait? So it means, this castle-like thing is a freaking university? As in like a school?

"Guys, the signage says 'Horos University'. So it means that this is a school, right?" paninigurado ni Nayi.

Napaawang ang kanilang mga labi dahil sa sinabi ni Nayi.

"Pumasok na lang kaya tayo? I think we're not safe in here any longer," ani Ate Klabie kaya kahit hindi pa rin sila makapaniwala ay naglakad kami papasok sa loob.

Pagkapasok namin sa loob ay nagulat kami dahil may biglang humarang sa dinaraanan namin.

"Are you all new?" She said, smiling at us.

"I guess," sagot ko naman at kumibit-balikat.

"Let me guide you towards the countess of our school," aniya at inakay kami papunta sa sinasabi niyang countess sa unibersidad na 'to.

Pagkarating namin doon ay iniwan na niya kami at sinabihan niya kami na ikakatok lang daw namin ang pinto na nasa harap namin at kaagad lang daw itong bubukas.

Ginawa ko naman iyon at tama nga ang sinabi ng babae na 'yon kanina, bumukas lang ito pagkatapos kong katukin ang pinto at nabigla nga lang kami dahil walang nagbukas ng pinto.

Ako ang unang pumasok at sumunod naman sila. Pinagmasdan ko ang paligid sa silid na ito hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa harap. 

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now