HC 29

29 7 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞-𝕹𝖎𝖓𝖊: 𝕾𝖆𝖈𝖗𝖎𝖋𝖎𝖈𝖊゚・:*✿

"Aez... are you feeling okay now? Hmm, tell me," masuyong sabi sa 'kin ni Ate Klabie nang pumasok siya sa silid ko habang ako naman ay nakaupo lamang sa gilid ng kama at nakayuko.

Umupo naman sa tabi ko si Ate Klabie at kinuha niya ang nakakuyom kong kamao at marahang ibinuka iyon. Napatingin ako sa kan'ya at sa hindi malamang dahilan ay biglang nanubig ang magkabilang sulok ng mga mata ko.

Niyakap naman niya ako kaagad. Doon ko na hindi napigilan na umiyak sa balikat niya. Hinagod-hagod naman niya ang likod ko habang ako naman ay patuloy lamang sa pag-iyak. Nababasa na rin ang damit sa balikat ni ate.

"Shh, it's alright. I'm here, Aez... I'm here," masuyo at malambing na pagpapatahan sa 'kin ni Ate Klabie.

Ngunit hindi pa rin ako tumatahan sa pag-iyak dahil sa bugso ng damdamin ko. Galit, poot, inis, gulat, lito—lahat ng iyon ay nagsama-sama sa kaloob-looban ko.

Bakit ganoon? Bakit nagawa ni Kyron na talikuran kami na kan'yang matagal na ng kaibigan simula pa pagkabata?

Napatunayan ko ring totoo ang tinawag ng ina ni Ryfin kay Kyron. Kaya pala siya nawala maging si Ryf ay dahil may pinaplano na pala silang traydurin kami.

Dioryn, I wished I didn't meet you here in the first place. You traitor.

Akala ko wala siyang alam sa mga ginagawa ng kan'yang mga magulang na matagal na palang kalaban. Sila ang dahilan kung bakit nandirito pa rin kami ngayon kahit sa una palang ay hindi na dapat kami pinapunta rito. Tinatakpan niya lang pala sila.

Hindi ako makapaniwalang kayang gawin iyon ni Dioryn sa 'kin. Traydor na nga, sinungaling pa. Bakit ko pa siya naging kasintahan kung nagsisinungaling naman pala siya? Ngayon, tuluyan na niyang sinira ang natitirang tiwala ko sa kan'ya.

Tama pala 'yong pagdududa ko sa kan'ya simula nang mangyari 'yong labanan sa Horochlione.

Kyron . . . I'm so disappointed with you. Tinulungan niya pa talaga sila dahil siguro kay Tito Krion.

Tumahan naman ako pagkatapos pero nanatili pa rin akong nakayakap kay Ate Klabie at sumisinghot lang.

"A-Ate... bakit nagawa nilang dalawa na traydurin tayo? Lalo na si Ky, mas matagal pa niya tayong nakasama kaysa roon sa totoo niyang mga magulang... kaya bakit?" Tanong ko ulit.

"Maging ako ay naguluhan sa inakto ni Kyron sa 'tin kanina, Aez. Pero 'wag mong pangunahan ang dinadamdam mo ngayon. 'Wag mong husgahan kaagad ang pisikal nilang akto sa 'tin kanina. May pakiramdam akong may ginawa lamang ang dalawang kalaban na 'yon para gumanon si Kyron at Ryfin sa 'tin kanina. Kilala ko silang dalawa, I know they won't tolerate their parents behavior, sigurado ako ro'n. Hindi gano'n ang ugali ni Kyron at Ryfin, alam mo 'yan, Aez. For now, we must report it to Countess Zelena, for sure, she will have a solution to the current problem right away," sagot nito sa 'kin.

Natahimik ako dahil sa mga sinabi niya, may punto si Ate Klabie. Hindi ko dapat sila kaagad na huhusguhan. Baka may kinalaman ang mga kalaban na 'yon sa pagbabago ng akto nila kanina.

Humiwalay naman ako sa yakap ni ate at nginitian niya ako 'saka pinahiran niya ang natitirang luha gamit ang kan'yang hinlalaki habang nagsasalita.

"Smile, Aez. Everything will be alright. Be optimistic. Mawawala rin ang ganitong problemang kakaharapin natin, tiwala lang. Hmm?"

Tumango-tango naman ako at ngumiti na ng medyo malawak sa sinabi niya.

"Thank you for always making me calm, Ate Klabie. I love you," sinserong saad ko.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now