HC 26

20 7 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞-𝕾𝖎𝖝: 𝕽𝖊𝖒𝖊𝖒𝖇𝖊𝖗𝖎𝖓𝖌 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍゚・:*✿

Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng shuttle kasama ang mga kaibigan ko. Matagal akong nakatulala sa bintana niyon habang iniisip pa rin ang nangyari kanina.

Hindi ko lubos maisip na sila pala ang dahilan ng lahat ng kasamaang lumalaganap sa HC. Parang ang hirap paniwalaan, akala ko mabait sila. O, nagbabait-baitan nga lang ba sila sa 'min? Nafa-frustrate ako dahil do'n.

Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa biglaan nitong pagkirot kasabay ng pagkirot sa leeg ko.

"Aez, what's wrong?" May narinig akong nag-aalalang tinig galing sa likod ko. Lumapit siya sa 'kin at hinarap niya ako.

Hinawakan ako ni Ryf sa gilid ng mukha ko habang nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Bigla na lamang sumama ang loob ko sa kan'ya.

Isa rin ba siya sa mga kalabang iyon?

"Don't touch me," mariin kong utos kaya bahagya siyang nagulat sa inakto ko.

Akmang hahawakan niya sana palapulsuhan ngunit iniwasan ko iyon. I saw a glint of pain in his eyes because of how I act to him.

"Okay, maybe I'll talk to you later, baby. Pag-usapan natin 'to ng maayos mamaya, okay? I love you," nakangiting saad niya ngunit hindi ako tumugon.

Nakita ko na naman ang sakit sa mga mata niya pero pinilit pa rin niyang ngumiti habang nakatingin sa 'kin. Akmang hahalikan niya sana ako sa noo nang lumayo ako at iniwasan ko siya ng tingin.

Maybe, just maybe, I need space from him for the meantime. Hindi ko maiwasang magduda sa mga pinanggagawa niya sa 'kin. May plano ba siya? Kalaban din ba siya? I kept on overthinking because of what Tito Krion confessed earlier at Horochlione.

Naramdaman ko namang lumayo siya pero bago pa 'yon ay nakarinig ako ng buntonghininga bago siya lumayo sa 'kin. Doon ako nakahinga ng maluwag at humarap ulit habang nakatingin na sa kan'yang likod.

Pumikit na lamang ako ng mariin at bumuntonghininga habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Naramdaman ko namang may humawak sa magkabilang balikat ko kaya napaangat ako ng tingin. Tuluyang humarap ng maayos sa 'kin ng nakangiting tilid na si Ate Klabie.

"Ate..." I called her.

"Hmm? What's wrong, Aez?" Tanong niya sa 'kin. Kinuha at hinawakan niya ako sa malayang kamay na nakapatong sa paa ko.

Bumuntonghininga ulit ako 'saka nagsalita. "I... I can't really tell. Hindi ko maamin-amin na lang basta, ate."

"Shh, take things slowly, Aez. It's alright, I understand. Take some time to regain yourself first before you talk about it, alright?" aniya kaya tumango ako.

"Siguro kung hindi ko malalaman 'yon ay hindi sana ganito ang kalalabasan ng pagkikita namin ulit ni Ryfin at baka mabulag ako sa bait-baitan ng mga kalabang 'yon," sabi ko na lang bigla.

"Sino? Bakit iniiwasan mo si Ryfin?"

"Kapag handa na ako ay sasagutin ko lahat ng tanong mo, ate, pero sa ngayon... hindi ko pa kayang basta-bastang sabihin lahat," I said in a low voice and exasperatedly sigh.

"Hmm, okay, Aez. Gusto mo bang dito muna ako sa tabi mo?" Masuyong tanong niya. Tumango lamang ako at nginitian siya ng tipid kaya nginitian niya ako 'saka tumabi sa 'kin sa pagkakaupo.

Hinilig ko ang gilid ng ulo ko sa balikat ni Ate Klabie habang pasimpleng sumulyap-sulyap kay Ryfin na kausap si Eidre.

Sana mali ang hinala ko sa 'yo sa simula pa lang, Ryf.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now