HC 21

23 8 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞-𝕺𝖓𝖊: 𝕭𝖔𝖓𝖆 𝖋𝖎𝖉𝖊 𝕭𝖊𝖜𝖎𝖑𝖉𝖊𝖗𝖒𝖊𝖓𝖙゚・:*✿

✿*:・゚KLEIGHN GABRIELLE KHALEID'S POV゚・:*✿

5 months ago. . .

"Mukhang malalim yata ang iniisip mo, Aez," panimula ko nang makaupo ako sa tabi niya sa sikretong hardin na ito sa HCU.

Mukhang napabalik sa ulirat si Aez at kumurap-kurap na binalingan ako ng tingin. Totoo na nga ba ang sinabi ko.

"Tell me what's thinking you deeply," nakangiting sabi ko sa kan'ya at inakbayan siya.

Nakarinig naman ako ng buntong-hininga niya bago nagsalita. Napayuko naman siya bigla at pinaglalaruan ang kan'yang mga daliri.

"Ate, siguro kung hindi tayo napadpad dito sa HC, hinding-hindi siguro tayo makakaharap ng ganitong problema na galing naman sa kanila at... hindi ko maramdaman ang ganitong pakiramdam sa taong kinamumuhian ko noong una ko palang pagkikita namin. Minsan naiisip ko at hinihiling na sana bumalik na tayo sa mundo ng mga mortal, mas payapa kasi ro'n at walang iniisip na problema kaysa rito na tinatawag pa nila tayo na mga bayani ng HC kahit hindi ko naman nakikita ang sarili ko na maging gano'n," mahabang salaysay niya.

"That someone you're talking about, is that the vermin guy you called before and that guy's name is Ryfin? Am I right, Aez?" Panghuhula ko kahit alam ko naman kung sino na 'yong tinutukoy ni Aez.

"Yes, Ate Klabie," aniya at tumango-tango ng dahan-dahan kahit nanatili pa rin siyang nakayuko.

"Hay nako, Aez. Mahirap pigilan ang nararamdaman mo para sa kan'ya ngayon lalo pa't lumalalim na 'yan. 'Wag mong itanggi na hindi pa lumalalim 'yang nararamdaman mo sa kan'ya dahil halatang-halata ka na. Alam ko naman na noon pa ang mga kilos mo at binabantayan ko 'yon. Kung ako sa 'yo, 'wag mo siyang pigilan at ipahayag mo sa kan'ya ang totoo mong nararamdaman. Wala namang masamang aminin mo sa kan'ya ang totoong nararamdaman mo para sa kan'ya..." panimula ko at ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya . I gently squeezed it for a minute.

"Pero kung hindi mo talaga kayang aminin ang totoong nararamdaman mo para sa lalaking 'yon, mas mabuting itago mo na lang 'yon ng mabuti. 'Yong hindi siya makakahalata sa bawat pananalita, pag-uugali at pagkikilos mo kapag nasa malapitan mo lang siya..." pagpapatuloy ko.

"At 'yong sinasabi mo na matagal mo nang hinihiling at iniisip na bumalik na ulit tayong labing-dalawa sa mundo ng mga mortal, naisip mo lang ba talaga 'yon dahil wala tayong problemang iniisip ngayon dahil sa HC o dahil sa lalaking 'yon?" I pointed it out straightly and immediately.

"Ate Klabie naman, hindi ka nakakatulong..." parang napafrustrate na saad niya.

Natawa na lamang ako ng marahan. Mabuti na lang at nasa malayo kaming upuan na nakaupo kaya hindi 'yon maririnig ng iba pang mga kaibigan namin na malayo lang naman sa 'min at nag-uusap pa.

"Gusto kitang tulungan, Aez. Kaya nga tinatanong ko sa 'yo 'yon. Hindi ka naman gan'yan dati dahil wala ka namang nagugustuhan noon pa lamang at akala ko'y imposibleng may magugustuhan ka pa hanggang sa pagtanda mo pero ngayon ay unti-unti nang nagbabago ang pag-uugali mo dahil sa kan'ya, I mean, alam kong sa akin mo lang ilalabas ang pag-uugali mong hindi mo kayang ipakita sa kanila noon, pero ngayon ay ipinapakita mo na sa kanila ang kauna-unahang pag-uugali na meron ka. At malaking tulong na ang lalaking 'yon sa unti-unti mong pagbabago," mahabang sagot ko naman.

"Ate, may sinabi ako kay Countess Zelena no'ng pumunta ako sa kan'yang lugar no'ng una tayong napadpad dito..." aniya bigla.

"At, bakit?"

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now