HC 17

28 8 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕾𝖊𝖛𝖊𝖓𝖙𝖊𝖊𝖓: 𝕸𝖔𝖓𝖙𝖍𝖑𝖞 𝕰𝖛𝖆𝖑𝖚𝖆𝖙𝖎𝖔𝖓゚・:*✿

Why the hell is he a gentleman all of a sudden? Nang tinanong ko naman siya kung bakit siya nagpapaka-gentleman sa 'kin ay mas nalito pa ako lalo dahil sinabi lang niyang 'wala'.

I tried to stay away from him because of what I was thinking these past few days if I'm with him or his presence are just beside me.

"Kuiper..." he called me, out of nowhere, which made me stopped from walking but I don't look at him.

Hindi ako sumagot ngunit alam kong alam niyang hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya. Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga.

"I'm just going to ask you a random question, will you answer me even if it's nonsense to ask?" He carefully asked me that question.

"Okay." 'Yon lamang ang naging tugon ko ngunit hindi pa rin ako nakaharap sa kan'ya.

"May nagugustuhan ka ba sa buhay mo? Even a puppy love when you were young?" Bahagya akong nanigas sa kinatatayuan ko pero pumikit ako ng mariin bago ko siya unti-unting hinarap.

Ngayon ko lamang nakita na ginamit niya pala ang kan'yang kapangyarihan para buhatin ang mga makakapal na libro na binuhat ko kanina. Mabigat nga talaga ang mga pinangdadala kong libro.

"I never experience that puppy love-thingy when I was young..." panimula ko. Nakita ko naman siyang nag-aabang pa siya sa mga susunod ko pang sasabihin.

"But now, I am experiencing that, and I don't know if I should get rid of it permanently or not," patuloy ko.

"Why? I mean, why would you still doubt your feelings for that someone? May nagawa ba siyang hindi kaaya-aya kaya naguguluhan ka pa rin?" Nakakunot-noong tanong niya.

He doesn't know that he's the one I'm talking to and I'm thankful for that. Hindi pa ako sigurado kung tuluyan ko na ba 'tong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kan'ya o hindi. I need to make the right decision. It's now or never.

"I'm not supposed to feel anything this way in this world. Wala ito sa plano ko." Sa halip na sagutin pa ang natitirang tanong niya ay iniba ko ang sagot.

"Pero gusto ko nang kalimutan ang nararamdaman kong kakaiba para sa kan'ya. It's not good especially if by any chance, I'll just live in this world temporarily and go back to where I exactly was belong all along," kibit-balikat na dagdag ko pa.

Nang tumingin ako sa mga mata niya ay napansin ko ang kakaibang emosyon na naroon at ako mismo ang hindi nakatagal niyon kaya ako na ang umunang mag-iwas ng tingin.

Parang nagsisi pa ako kung bakit sinabi ko 'yon sa kan'ya.

"Hmm, you're right," pagsang-ayon niya.

"Hmm-mm..." I mumbled. "Anyway, halika na, isasauli ko pa 'yan do'n sa silid-aklatan," pag-iiba ko na sa usapan saka ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa tinatahak naming direksiyon.

Pagkarating naman namin do'n ay nakita ko si Ky na may kinuhang libro 'di-kalayuan sa p'westo ko. Nang mapansin naman niya ako ay nginitian niya ako pero bigla nalang iyon nawala saglit nang makita niya ang nasa likuran ko.

I greeted him back, not minding why his reaction was like that to Dioryn earlier.

Isinauli naman kaagad ni Dioryn ang mga libro roon sa librarian na si Miss Merridieth. She's also a zodiac faery just like the one on the clinic.

"Bakit mo kasama 'yang lalaking 'yan, Aez?" bulong sa 'kin ni Ky.

"He's trying to be a gentleman for me. Siya ang bumuhat sa mga librong dapat na ako ang sasauli at bubuhat papunta rito sa library at siya rin ang nagsauli niyon kay Miss Merridieth," I immediately answered his query.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now