HC 20

29 8 2
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞: 𝕱𝖚𝖑𝖑𝖞-𝕱𝖑𝖊𝖉𝖌𝖊𝖉 𝕬𝖉𝖗𝖔𝖎𝖙𝖘゚・:*✿

✿*:・゚ZYREENA KIETH CHOI'S POV゚・:*✿

5 months after. . .

"Zieth, 'you okay there?!" Umalingawngaw ang sigaw na 'yon ni Javin habang papalapit siya sa 'kin. Makikita kaagad sa kan'yang pagkilos na alalang-alala siya sa kalagayan ko.

We're in the middle of a fight between these roguants, again. Ewan ko ba kung bakit kami pinaliligiran ng mga ito dahil bigla-bigla lang rin naman tumambad sila sa harapan namin. Papunta dapat kami kila Ryfin dahil nakasanayan na naming tumambay roon kaso ayon na nga, inaatake na naman kami ng mga ito.

Akala naman nila kung sino'ng malakas at makapangyarihan, tsk!

Sanay na ako sa kapangyarihang mayroon ako dahil sa monthly evaluations na nagaganap sa HCU kaya wala nang problema para sa 'kin na kakalabanin itong mga timang na 'to.

"Oo, ano'ng tingin mo sa 'kin? Hindi magiging okay?" Mataray na tanong ko sa kan'ya.

Napansin naman niya ang tono ng boses ko kaya huminahon naman siya at nagsalita. "You're still perfectly okay, I guess."

Tinaasan ko lamang siya ng kilay bilang pagtugon sa naging pagsabi niya ng gano'n sa 'kin. Hindi ko rin talaga maiintindihan minsan itong si Javin eh. Sa sobrang pagkaseryoso at emotionless nito minsan katulad ni Aez ay hindi mo talaga malalaman ang tumatakbo sa isipan niya.

Ngunit nabigla na lamang ako sa naging pagkilos niya bigla sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian niya ako ng tipid.

It's not actually the first time I saw him smile at me but I feel like it is, always, and it made my heart beat pound faster than normal.

Actually noong nakaraang buwan ko lamang nararamdaman ang ganito pero pinipilit ko lamag itago. Ayaw kong mahalata niya iyon, ewan ko ba kung bakit gano'n ang desisyon ko eh hindi naman ako gano'ng tao.

Kung ano ang dinadaramdam at nararamdaman ko ay palagi ko iyong sinasabi sa kanila kaagad. Gano'n akong tao pero nagbago lang 'yong pag-uugali kong gano'n ay dahil kay Javin.

Kahit hindi ko naman dapat maramdaman ang ganito ay palagi iyong umuusbong sa tuwing lalapitan ako ni Javin at gagawa siya ng mga sweet na bagay sa 'kin. Palagi rin siyang concerned sa 'kin, mga sismars! Katulad na lang nang nangyari ngayon.

Posible kaya na may gusto rin siya sa 'kin kaya gano'n ang pagkikilos niya sa 'kin?

Then, I suddenly thought about the time that Maui suddenly opened up a topic about the boys' ideal types and what caught my attention is what Javin answered to Maui's question.

Pero kahit natuon ang pansin ko roon sa sinagot niya ay nabalewala ko lamang iyon ng mga nakalipas na mga araw sa buwang iyon. Wala akong paki noon sa kan'ya eh.

Tapos ngayon . . . seriously, nagkakagusto na rin ba ako sa kan'ya?

"Bakit ganito ka makahawak sa 'kin, Javin?" Nakalunot-noong tanong ko para matakpan ang biglang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko sa sandaling ito.

Tumingin naman siya saglit sa magkahawak naming mga kamay bago tumingin sa 'kin at binaling na ulit ang tingin niya sa harapan namin.

"Because, I think, you're going to attack these creatures forcefully and shamelessly. I think they're powerful, more powerful than us. So for prevention that you're going to be in danger because of those, I chose to hold your hand to keep you in place and follow my lead," simpleng sagot niya habang hindi nakatingin sa 'kin at nilalabanan ang tangkang pag-atake at paglalapit ng mga halimaw na ito sa 'min.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now