HC 19

33 7 0
                                    

A/N: In this chapter, there will be multiple point of views, especially from their friends. Pero ang ilalagay ko lang dito sa chapter na 'to ay dalawa sa mga babaeng kaibigan ni Aez, siyempre kasama ang kan'yang POV. Don't worry, sa susunod na mga chapters ay magkakaroon pa rin naman ng multiple point of views ng mga kaibigan ni Aez pero, uulitin ko, tigdadalawa lang ang POV's nila sa kada chapter. Except for Crece kasi hindi naman siya kaibigan nila, kapatid lang siya ni Eidre. Thank you, horoscopers! :)

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕹𝖎𝖓𝖊𝖙𝖊𝖊𝖓: 𝖀𝖓𝖐𝖓𝖔𝖜𝖓 𝕬𝖓𝖙𝖆𝖌𝖔𝖓𝖎𝖘𝖙𝖘゚・:*✿

✿*:・CASSANDRA AVERY PARKER'S POV゚・:*✿

"Are you a little uncomfortable to wear your eyeglasses, Cary?" Tanong bigla ni Tryx sa 'kin. Napakalapit niya sa 'kin kaya hindi ko maiwasang mahigit ang sariling hininga.

Bakit gan'to na naman siya sa 'kin? Hindi pa ako tuluyang nasasanay sa pagbabago ng ugali niya pagdating sa 'kin. Noon naman ay palagi niya akong inii-snob kahit gusto ko lang naman siyang maging ka-close na kaibigan. Para saan pa ang pagiging friendly ko kung hindi ko gagamitin iyon sa tahimik at snobbish na si Tryx, 'di ba?

Tapos ngayon, para pa ngang palagi siyang nakasunod sa 'kin na parang tuta tapos paminsan-minsan ay patsansing na humahawak sa kamay ko.

Mabilis na lang akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na talaga ang magkabila kong pisngi. I like him, of course, that's why my reaction is like that to him.

I feel like he likes me too. Base pa lang sa kan'yang ipinapakita sa 'king mga kilos at motibo niya. But I don't want to assume immediately, I want to try to say to him what he's been doing to me all this time.

"Hindi, it's okay. It's totally fine, hindi na kailangan to worry," sagot ko naman habang nakayuko.

Nandito kami ngayon sa silid-aklatan, nangunguha kasi ako ng libro patungkol sa mga abilidad at kapangyarihan na nage-exist sa mundong ito, kaso hindi ko maabot-abot dahil nasa ikahuli at ikataas na parte ang librong dapat na kukuhanin ko.

Tapos, bigla na lang sumulpot sa likuran ko itong si Tryx at siya na ang kumuha sa libro na kukuhanin ko dapat at ibinigay ito sa 'kin bago niya nagawang itanong sa 'kin 'yong tungkol sa eyeglasses ko.

"Ah, okay..." 'yon lang 'yong sinabi niya at hindi na umimik pa.

Wala na ba siyang ibang masabi bukod doon?

'Eto naman ako, nagdadalawang isip na magsasalita ng ibang bagay sa kan'ya dahil nakakailang ang sitwasyon namin ngayon.

Kumawala ako ng buntong-hininga at haharapin na sana siya ng biglang umalingawngaw ang tinig ni Miss Merridieth na nasa harap na pala namin ngayon. Nakataas ito ng kilay habang nakatingin sa 'ming dalawa mula ulo hanggang paa.

"Uh, hi Miss Merri—" bago ko pa maituloy ang pagbabati sa librarian namin ay bigla na lang itong ngumisi sa 'kin at lumipat ang tingin nito kay Tryx bago ulit sa 'kin, binigyan pa nga niya kami ng makahulugang tingin bago siya nagsalita ng maiksi.

"You can now go back to where you two are seated. Don't make a noise," anito bago niya kami tinalikuran kaya napakunot ang noo ko. Ano kaya ang posibleng naiisip ni Miss Merridieth sa 'ming dalawa ni Tryx kung bakit gano'n na lamang niya kami tinignan ng makahulugan? I'm starting to get conscious about it.

Hindi na lamang ako humarap ulit kay Tryx at iniwan na lamang siya roon sa bookshelves at pumunta ako roon sa upuan kung saan ako nakapuwestong umupo roon kanina.

May naramdaman na naman akong presensiya ng tao sa tabi ko kaya napairap na lang ako ng palihim saka hinarap na lang ng dahan-dahan si Tryx. Kanina pa siya ah, hindi pa ba siya nagsasawa sa katitingin sa 'kin? Gano'n na ba ako kaganda sa paningin niya kaya hindi niya maalis-alis ang tingin niyang iyon sa 'kin? Just kidding.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now