As I walk on the grass, I felt the ticklish edge of it on my feet. The wind in cemetery welcomed me and It made me close my eyes. I inhaled the fresh air with somewhat smell of grass. This is the peace I want. Sumabay pa sa hangin ang suot ko na palda kaya hinawakan ko ito.
I smiled before looking at my parents' grave.
"Hi, parents! Nandito na naman ako." binuksan ko ang tote bag na dala ko at kinuha doon ang isang malinis at puting kumot. I laid it down on the grass, so I can sit and talk with my parents without getting my skirt dirty. Nang matapos ay umupo na agad ako.
"How are you? Maganda ba sa langit o maganda ba sa impyerno?" I laughed with my own joke. Nilabas ko ang mga kandila at lighter sa loob ng bag ko. "Miss ko na kayong dalawa. I wanna be with you....so bad."
My parents died when I was in fourth year college. They got into an accident while driving. Nahulog ang kotse sa tulay. They were about to attend my pinning ceremony, but they did not because they died. Nagalit pa ako kasi ang tagal nilang dumating. Pinauna kasi nila ako dahil may kukunin daw silang importanteng bagay.
I was at the stage, waiting for them when my adviser came to me-bringing some bad news-and said that my parents died. I weakly run down the stage that time. Hindi ko nga alam paano ako nakapunta sa hospital noon.
When I saw their body being covered with white blanket, I lost it. My parents are dead. I'm alone now. They are not going to be on my side now. No one will make me happy now. No hugs and kisses from them because they are gone.
Gumuho ang mundo ko no'ng mawala sila pero hindi ko hinayaang tuluyan itong masira dahil paniguradong hindi sila matutuwa. Kahit wala sila ay pinagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral. Fortunately, I graduated with Latin Honors. But unfortunately, they are not with me to celebrate my achievements.
And for now, I'm reviewing for my LET Exam. Nag-apply na rin ako sa isang private school para mabuhay ko ang sarili ko kahit may iniwang pera para sa akin ang mga magulang ko ay hindi pa rin ako umasa doon.
Gamit ang kamay ay pinagpag ko ang lapida nilang medyo nagkakaroon na ng buhangin. Siguro kailangan ko na namang linisin ang lapida nila lalo na't tag-ulan na naman nito.
"Sabi ng mga co-teachers ko hindi raw ako marunong ngumiti. But how could I smile when you're not here? Kayo lang naman nagpapasaya sa akin, alam niyo yun," sabi ko bago punasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Hindi ko makuhang maging masaya dahil fresh pa sa puso ko yung sakit."
I did not have a friends. Tanging mga magulang ko lang ang naging kaibigan ko. I don't have the confidence to make friends and I feel like they are going to betray me. I only trust my parents.
"Hanggang ngayon wala akong kaibigan. Mag-isa nalang ako ngayon. Pwede niyo ba akong bigyan ng taong makakasama ko? I can't be alone anymore. Mas lalo lang akong nasasaktan."
My heart throbbed. Totoong mas nakakalungkot kapag mag-isa ka. Kapag kasi mag-isa ako ay mas lalo ko lang nararamdaman ang sakit ng pagkawala ng mga magulang ko. Kapag mag-isa ako ay naalala ko lang ang mga panahon na kasama ko sila.
Hindi ko man lang sila nakasama nang matagal. Bakit kinuha sila sa akin agad?
I hugged myself when a cold wind blew. That cold wind is comfortable that it made me cry like a baby. Parang may presinsya akong naramdaman sa hangin na iyon na para akong niyayakap. It's really comforting. Mas humigpit ang yakap ko sa sarili nang mas lumakas ang iyak ko.
"Ganda mo pero ang panget mo umiyak." natigilan ako sa narinig.
Napamulat ako at tumama ang paningin ko sa puting pares na sapatos na nasa harapan ko. Mula sa mga sapatos na yun ay umangat ang tingin ko sa may-ari.
He is smiling at me. I can't help but look at his face. He has a round black eyes. His nose is small and has a thin lips. He also has a dimples that made him cuter. And his outfit made him cutest. He's wearing a blue polo shirt and a khaki pants.
"Baka matunaw ako, miss."
Napabalik ako sa reyalidad nang sabihin niya yun. Matagal ba akong nakatitig sa kanya? I blinked my eyes repeatedly before wiping my tears. Nakakahiya!
"Ano ang kailangan mo?" I asked. Bigla nalang siyang lumitaw sa harapan ko. Hindi man lang ako nakarinig ng yabag na may papunta o kahit man lang presinsya.
"Wala. Nakita kitang umiiyak kaya nilapitan kita." Naglakad ito papalapit sa akin. Nataranta ako nang umupo siya sa tabi ko kaya napausog ako para hindi kami magdikit. Feeling close naman 'to! I never wanted to be close with someone. Ayaw kong dinidikitan ako.
"Narinig kita kanina. Ayaw mo mag-isa. Pwede mo akong maging kaibigan!" he smiled while pointing himself.
Agad nalukot ang mukha ko. Narinig niya ako? Eh hindi ko nga napansin na may tao sa paligid.
"Ayaw ko. Ayaw ko sa maingay!" iritang sabi ko habang sinisindihan ulit ang mga kandila dahil namatay.
"Aray!" pabirong humawak siya sa dibdib niya na para bang nasaktan siya sa sinabi ko. "Ikaw na nga 'tong nilapitan para hindi ka na mag-isa."
Umawang ang mga labi ko nang paikutin niya ang mga niya. Attitude 'to ah!
"I did not ask that from you." I rolled my eyes.
"Hala. English speaker siya." bulong niya pero narinig ko pa rin siya kaya inikot ko na naman ang mata ko.
Kinuha ko nalang yung burger sa bag ko para kumain. Ayaw ko pa kasing umuwi. I want to stay here. I rather spend my time here with my parents than to spend my time alone in our house.
Binuksan ko ang plastic ng burger na dala ko. I was about to take a bite nang makita ko sa gilid ng mata ko ang lalaki na nakatingin sa akin. Hindi ako friendly pero hindi rin naman ako madamot at masama ang ugali.
"Gusto mo? Hati tayo." pag-alok ko sa kanya pero sa isip-isip ko ay sana tumanggi siya kasi favorite burger ko iyon.
Nakangiting umiling ito sa alok ko. "Hindi. Thank you! Kain ka lang nang kain diyan."
He's weird. He looked at me with something in his eyes that I can't explain but one thing for sure is I saw guilt in his eyes.
Natapos ko ang pagkain ng burger nang hindi siya umaalis sa tabi ko. Napansin ko nalang na nakatingin siya sa lapida ng mga magulang ko. Nabasa ko ang lungkot sa mukha niya.
"Do you know them?" tanong ko sa kanya. Kung makatingin kasi siya ay parang kilala niya ang mga ito.
"No," sabi niya sabay tingin sa akin. The guilt in his eyes are there again. "Alis na ako."
Tumayo siya kaya napatingala ako sa kanya. Pinanood ko siyang ayusin ang polo shirt niyang nalukot sa pagkakaupo niya bago bumaba ang paningin niya sa akin.
Growing up, I did not have a friends. I did not even let people to come near me or talk to me. Ayaw kong may ka-close. Nasa isip ko kasi lagi na ang mga magulang ko lang ang mababait at mapagkakatiwalaan. Pakiramdam ko ay niloloko lang ako ng lahat. But now, I let him talk to me, though I am a bit maldita to him. I hate to say this but I am comfortable with him.
His presence helps me to forget the pain for a short time. Yun ang napansin ko.
"Bye. Thank you for your time. See you next time?" nilahad ko ang kamay ko sa kanya ngunit hindi niya ito tinanggap. Ngumiti lang siya sa akin.
Lumakas ang hangin dahilan para liparin ang buhok ko. Nagulo ang buhok ko at ang iba pa ay natakpan ang paningin ko kaya nawala ang tingin ko sa kanya habang inaayos ko ang buhok ko.
I was about to talk to him again after but I did not saw him in front of me.
He's gone.
YOU ARE READING
Spirit of Love
Short StoryYou are impossibly be with a man you love because you know his a ghost but you still fell in love with him. The love you have could only end with tragedy and all you have to do is to feel the spirit of his love.