DAY 4

3 1 0
                                    

Binagsak ko ang sarili sa kama pagkatapos kong maligo. Pinuntahan ako ng guard kanina dahil naalala raw niya na dumalaw ako sa mga magulang ko at baka raw wala akong dalang payong. Nakita niya akong basang-basa ng ulan kaya pinahiram niya ako ng extra tuwalya niya. Mabuti nalang ay huminto na ang ulan nang puntahan ako.

Nakangiti ako sa buong oras na magkausap kami ng guard ngunit napawi iyon nang mapansing nawala na naman si Kaizen.

I find it weird. He is weirdly disappearing every time like a ghost.

Bumuntong hininga ako nang maalala na naman ang pangyayari kanina. Hindi ko na dapat iniisip yun.   Baka naman kasi hindi ko talaga siya napapansing umaalis.

Tumitig ako sa puting kisame ng kwarto ko pero naging orange dahil sa maliit na ilaw na ginagamit ko tuwing matutulog. Habang nakatitig ako doon ay bumabalik sa isipin ko ang mga nangyari kanina. Kung saan naligo kami ni Kaizen sa ilalim ng ulan na para bang kami lang ang tao sa mundo. Aaminin kong nabitin ako sa nangyari. Time is really short when you are happy and enjoying things with someone. Para lang kaming nagsaya ng isang minuto. But, is the time really short or I am just wanting for more? That I am anticipating more time with him because I like him?

Is it really normal to like someone you just met?

Hinawakan ko ang dibdib ko nang magsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Pumasok lang sa isip ko ang mukha ni Kaizen ay nagwawala na ang puso ko at ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Nothing's wrong with liking someone you just met. It is a common response of human when meeting someone who they find pleasing. Liking someone  may be an infatuation where you see a connection or a common thing with someone, but it can also be how you fantasize or what is your ideal things for that someone. However, it can grow into love if you are ready to accept that someone's flaws. Infatuation is a merely your ideal and love is the willingness to compromise, give, and work things out with that someone.

I smiled when I remembered again dancing under the rain with Kaizen. I know that my feelings toward him is just an infatuation. That I desired him to be mine even though we just met. One thing for sure is I can accept his flaws and everything about him. That this infatuation can grow into love.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. Dahil sa sobrang kilig ko ay nag-ikot-ikot ako sa kama at bigla nalang nahulog pero nakangiti pa rin, hindi iniinda ang sakit ng likod sa nangyari.

Lumipat ang tingin ko sa bag kong basa na nasa tabi na ng upuan malapit sa bintana ng kwarto ko. Tumayo ako nang maalalang baka nabasa na ang mga papel doon.

Binuksan ko ang bag at unang tumambad sa akin ay ang hoodie na binili ko para kay Kaizen. I forgot to give this to him.

Nilabas ko muna ito mula sa bag bago kunin ang iba ko pang mga gamit para tignan kong hindi ba ito nabasa. Alam ko namang waterproof ang bag na binili ko pero hindi ko maiwasang mag-alala lalo na't papers ng mga estudyante ko ang nasa loob.

Matapos ma-check ang mga gamit ay nagpasya na akong bumalik sa kama ko para matulog na ako. Maaga pa ang pasok ko kaya kailangang matulog na ako nang maaga.

Inayos ko muna ang kumot na nagulo ko kanina bago ako nahiga nang tuluyan. Sa pagpikit ng aking mga mata ay nakita ko na naman ang mukha ni Kai.

"Pwede bang patulugin mo muna ako?" natatawang nagsalita ako habang nakapikit. "Bukas ka na pumasok sa isip ko. I need to sleep now or else magiging mukha akong zombie bukas."

"Ma'am, hindi ka na si Sadness. Ikaw na si Ennui. What happened to you?" inaantok ko na nilagpasan si Sir Renz na sinalubong ako sa pinto. Narinig ko rin ang ibang tawa ng mga kasama namin sa faculty dahil sa joke niya. Dumiretso ako sa desk ko para ilapag ang mga gamit ko.

Spirit of LoveWhere stories live. Discover now