DAY 10

2 1 0
                                    

Inangat ko ang kamay ko. Tinutok ko ito sa asul na langit at ginalaw-galaw dahil gusto kong nakikita ang pagkinang ng singsing ko.

It was a beautiful silver ring. It has a princess cut diamond. Bagay na bagay ito sa kamay ko.

I pulled my phone from my pant's pocket and took a picture of my hand with the ring.

"Good morning!" rinig ko ang boses ni Kaizen mula sa loob.

Nakaupo ako ngayon sa upuan na nasa garden habang umiinom ng kape. Papasok na ako ngayon sa school kaya nauna akong magising sa kanya. Napuyat kasi kami dahil parehas na hindi makapaniwalang kinasal kami kahapon.

Though it's not grand and official but it makes us happy. Para talaga kaming kinasal. Kinasal talaga kami dahil katulad ng mga kasal, sinabi namin kung gaano namin kamahal ang isa't-isa at nagkaroon kami ng pangako. Nabigyan namin ang isa't-isa ng assurance.

Agad yumakap sa likuran ko si Kaizen. Nang lingunin ko siya ay hinalikan niya ako.

"Nag-toothbrush ako!"

I rolled my eyes. "Wala naman akong sinasabing hindi ka nag-toothbrush."

"Share ko lang," sabi niya at muli pa akong hinalikan sa noo.

Naglakad ito papunta sa bakanteng upuan sa gilid ko. Medyo malayo iyon sa inuupuan ko kaya inusog niya ang upuan niya palapit sa akin.

"Ganda ng asawa ko oh!" pabirong hinawi ko ang buhok ko nang sabihin niya yun. Hinawakan niya ang kamay ko kung nasaan ang singsing. Hinalikan niya ang daliri kong suot ang singsing. "This is our first day as husband and wife. I hope it will last longer."

Malungkot akong tumingin sa kanya.

"Huwag mo ngang sinasabi yan. We promised each other na walang negative thoughts for now. We should enjoy our time, right?"

Kapag lagi kang nag-iisip ng negatibo, mas lalo ka lang napapalapit doon. Mas nagkakatotoo ang ganoon kaysa sa mga pasotibo. Sinabi ko sa kanya yun kaya sinabi kong dapat positive thinker lang kami kahit alam naming may hangganan ito.

"I'm sorry. Hindi ko maiwasang hindi isipin yun." muli niyang hinalikan ang kamay ko.

Sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ito ang tipo ng tahimik na may iniisip kayong problema, ito ang tipong katahimikan that comforts you. Yung masa maganda nalang pakiramdaman ang nararamdaman niyo.

Parehas kaming nakangiti habang nakatingin sa mga magkasiklop naming kamay. Kumikinang ang mga singsing namin dahil sa araw.

"Sure ka ng papasok ka ngayon?" tanong niya.

"Oo, okay naman na yung boses ko. Kaya ko nang lakasan ang boses ko kahit papaano. Isa pa papahiramin naman ako ni Ma'am Ella ng lapel kapag daw hindi ko talaga kaya."

Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sa mga kamay namin bago unti-unting tumingin sa akin.

"I can't believe we're married. When I died, I thought I won't be able to do my dreams but I'm glad I did one of my dreams." bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ko ang kaninang kamay niyang nakahawak sa akin. "Feona, I love you. Please remember that. Kahit anong mangyari tandaan mong mahal na mahal kita. And I'm sorry if I have to leave you."

"Bakit ba sinasabi mo yan?" uminit ang gilid ng mga mata ko.

"Kasi hindi ko alam kung hanggang kailan lang tayo magkakasama."

"Kaizen, hindi ba pinag-usapan na natin 'to? Huwag tayong ganito." tumataas na ang boses ko.

"Feona, we need to face the truth. Pinaghahanda lang kita." he calmly said it while caressing my hand.

Spirit of LoveWhere stories live. Discover now