DAY 5

4 1 0
                                    

"Kai!"

I cannot hide my excitement today. I am seeing Kaizen again today!

Nag-init ang mga pisngi ko nang lumingon siya sa akin matapos ko siyang tawagin. He's at the same place again, where my parents are buried.

Tumakbo ako papunta sa kanya at walang pagdadalawang isip na niyakap siya. I felt him get stunned with my sudden action. Hindi ko rin maintindihan ang sarili bakit niyakap ko siya.

"Easy!" niyakap niya ako pabalik. I felt his breath near my ears. "Hulog na hulog ka na sa akin 'no? Kaya ka napayakap bigla."

"Oo." sagot ko.

Narinig ko ang mala-musika niya na tawa.

"Ma'am, bakit ganyan ka naman umamin ng nararamdaman mo? Nakakapanghina ng tuhod."

Nagulat ako nang bigla siyang humiwalay sa yakap ko at napahawak sa tuhod. Ang isa pa niyang kamay ay nasa noo niya, umaakto siyang mahihimatay na. I laughed when he suddenly fell on the ground while fanning himself using his hand.

Siraulo!

"Siguro hulog na hulog ka na rin sa akin kaya nanghihina na ang mga tuhod mo. Kinikilig ka siguro kaya nakakapanghina ano?" lumuhod ako sa harapan niya. Natigil siya sa pagpaypay ng sarili at napatingin sa akin.

Ganoon nalang ang gulat niya nang ilapit ko ang mukha ko sa kanya. I bit my lower lip, stopping myself from laughing when I saw him blushed.

"It's okay, Kai. I like you too," sambit ko.

"Medic! Medic!" napahawak siya sa dibdib niya na tila bang nahihirapan siyang huminga pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon. Nahiga pa siya sa lupa! "Cause of death: kilig."

Nagpanggap pa siyang patay na. I laughed. Nilabas pa niya ang dila niya para magmukha talaga siyang patay!

"Tumayo ka na nga diyan. Mukha ka ng tanga." natatawang sabi ko.

Inalok ko pa ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo. Tinanggap niya iyon. Akala ko ay nagpapatulong na siyang tumayo kaya naman hinila ko siya pero ganoon nalang ang gulat ko nang bigla niya akong hilain dahilan para bumagsak ako sa kanya.

Nagdikit ang aming mga ilong. Ang aking mga mata ay nanlaki sa ginawa niya habang nakikita ko sa mga mata niya ang tuwa sa kalokohang ginawa. Ramdam ko na nakangisi siya ngayon. 

Lumayo ako nang kaunti sa kanya. Hindi ko maiwasang tignan ang mukha niya lalo na't ganito ako kalapit sa kanya ngayon. 

Ang gwapo niya. May mahahaba siyang pilik-mata at may matangos na ilong. Bakit ang mga lalaki ay may mahahabang pilik-mata? Mas maganda pang sa mga babae iyon dahil sa mga make-up na ginagamit namin. 

"You're looking at me like that again." napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko si Kaizen. 

"Paano ba kita tignan?" tanong ko habang tuluyan nang lumayo sa kanya at umupo na nang maayos. 

"Na parang inlove ka." 

"Bakit? Hindi ba?" pinanood ko siyang umupo nang maayos matapos bumangon mula sa pagkakahiga. 

"Why do you like me?" 

Natigilan ako sa tanong niya. Instead of answering him, I chose to looked up the sky and smiled. All my life, ngayon lang ako nahirapang sagutin ang mga tanong na binabato sa akin.

That question is hard to answer. It is possible to fall in love with someone without knowing why because love is complex. We developed love in different ways and we have different reasons why we fell in love. We fell in love in a numerous reasons: similarities, desirable characteristics, reciprocal liking, filling needs, and such. 

Spirit of LoveWhere stories live. Discover now