DAY 8

2 1 0
                                    

"List number one: Go to the Perya." basa ni Kai sa sulat ko.

Nandito kami sa kusina, kakatapos lang kumain. Pinapanood ko siya habang binabasa niya ang mga list na sinulat ko. Ngayong umaga ko lang ito natapos dahil pinakaisip ko kung ano ba ang mga bagay na gustong-gustong gawin. Maliban doon ay gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko kasama siya.

I want to remember those things not just because I like it but because he is with me.

"Kaya pala ang tagal mong matapos kasi ang dami mong sinulat. Ano 'to? Two pages talaga?" hindi makapaniwalang tumingin si Kaizen sa akin matapos niya basahin ang mga nakasulat. 

I shrugged. "Ang dami kong naisip e tsaka baka yung iba ay ayaw mo kaya may choice kang pumili sa mga nakalista diyan."

Kinuha ko ang make-up kit ko sa loob ng bag ko na nakapatong lang sa lamesa. Nagsimula akong mag-ayos ng mukha. Simple lang ang make-up look na ginagawa ko araw-araw. Tinignan ko ang sarili ko sa maliit na salamin ko at napatingin kay Kai na nasa papel pa rin ang tingin.

Natawa ako nang hilutin niya ang sentido niya. Para siyang tatay ko na na-stress sa akin. 

"Okay. Ganito nalang. We will pick four things from your list and one from me. Okay ba yun?"

"Yes." tumango ako. 

Napailing siya bago tignan muli ang papel  na hawak niya. 

"Perya is good," sabi niya.

"Perya then." 

I was braiding my hair while he is checking the list. Nilapag ko ang salamin sa lamesa sa kung saan makikita ko ang sarili ko habang tinatali ko ang buhok ko. 

"Karaoke....okay din."

"Karaoke then."

"I like movie marathon!"

"Movie marathon then."

I heard him laugh but I did not look at his way as I was busy braiding my hair.

"Cuddles?!" he exclaimed. Nakatingin pa rin siya sa papel habang tumatawa.

Galit na napatingin ako sa kanya. "May mali ba doon?" 

Mas lalo pa siyang natawa nang makita niya ang nakataas kong kilay sa kanya. 

"W-wala naman. It's just that you could ask me to cuddle with you. As in right now! No need to put it in your list."

Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa pagtatali sa buhok ko. 

Tapos kapag ginawa ko nga yun ay sasabihin niyang hindi ako nahihiya. Na napaka-honest kong tao! Na sinasabi ko sa kanya kung ano yung gusto kong gawin niya sa akin! Alam ko na ang ikot ng bituka niya 'no! 

Minsan nakakahiya na rin. Nakakahiya sa kanya!

I rolled my eyes. Narinig kong gumalaw ang upuan niya, hudyat na tumayo siya. Mula sa salamin ay nakita ko siyang nasa likod ko na. 

He wrapped his hand on my waist as he put his head on my shoulder. Naramdam ako ng kuryente nang tumama ang pisngi niya sa bandang panga ko. Awtomatikong nababa ko ang mga kamay ko na ginagamit ko lang kanina para makapag-ipit nang buhok. Nahigit ko ang hininga ko nang ilang segundo lang ay naramdaman kong inaamoy niya ang leeg ko. 

My heart beats fast and I know that he can hear it because of the silence surrounding us. The butterflies in my stomach gone wild. 

"Breath, babe."

Pero imbes na huminga ay mas lalo ko lang nahigit ang hininga ko nang muli siyang gumalaw. Ang kaninang pisngi niyang nakalapat sa panga ko ay labi na ngayon. I unconsciously closed my eyes when I felt the heat between us. 

Spirit of LoveWhere stories live. Discover now