"Goodbye, ma'am! See you tomorrow!"
Nginitian ko ang mga estudyanteng bumabati sa akin. I may not be friendly but I cannot stand not to smile on my students. Minsan lang daw ako ngumiti, yun ang lagi kong naririnig. I don't have a reason to smile and it's tiring but I can easily do it to my students.
Nagtungo ako sa faculty bitbit ang mga gamit ko tulad ng laptop, bag, at ang lunch ko. Pagkapasok ko ay agad kong nginitian ang mga kasama ko.
Lumawak pa ang ngiti ko nang makitang nanlaki ang mga mata nila.
"Good morning, everyone!" bati ko sa kanila.
Ang ibang mga umiinom ng tubig ay nabulunan, ang ibang nag-aayos ng mukha ay nabitawan ang mga make-up na ginagamit, at ang mga nakaupo naman ay kulang nalang ay mahulog sa kinauupuan.
I can't help but to giggle. Sa halos dalawang buwan naming pagsasama, ngayon lang nila akong nakitang ngumuti at batiin sila. That's why I cannot blame them for having an exaggerate reaction.
"Si Miss Sadness ngumiti na. Siya na si Joy!" tumayo si Sir Renz at lumakad papunta sa harapan ko. Nahihiyang napakamot ako sa batok ko.
"Oo, sir tapos ikaw si Anger kasi kamukha mo," sabi ni Ma'am Ella na nagme-make-up na ulit. Natawa pa kami lahat sa faculty nang gayahin ni Sir Renz si Anger.
I heard them calling me Miss Sadness no'ng mga naunang linggo ko pa rito dahil nga raw lagi akong malungkot.
Nagkaroon kami ng ilang minuto para magkwentuhan bago magsimula ang mga klase namin. Sinabi ko sa kanila ang dahilan kung bakit malungkot ako noong unang pasok ko pa rito. Naging topic namin ang buhay ko and honestly, ang sarap pala sa pakiramdam na may napapagkwentuhan ka tungkol sa buhay mo. I also told them about me not being friends to anyone and I'm changing now.
Kagabi, bago ako matulog, I realized something. It's not bad being friendly-talking to anyone. Okay lang na pagkatiwalaan ang mga taong nasa paligid ko. Wala namang mawawala if I give my trust to them as long as hindi ako naging masama sa kanila. It is not my fault if lolokohin nila ako kasi nagtiwala lang naman ako hindi ba?
I thought of change is scary but it is not wrong to change.
Nagdadalawang pa ako kagabi kung ipagpapatuloy ko pa ba ang plano kong maging friendly na, pagkatiwalaan na ang mga tao sa paligid ko. I even asked for a sign.
Kapag nahulog ang picture namin ni mama at papa ay gagawin ko yun. Impossible pa nga yun kasi mahuhulog lang yata ang picture namin na nakasabit kung may malakas na hangin ang papasok sa kwarto ko.
At nahulog nga dahil sa humangin nang malakas!
Matapos kong magturo ng kalahating araw ay nakisabay akong mag-lunch sa mga kasamahan ko. I'm happy na ganito ang naabutan ko sa desisyon kong magbago. I thought it's too late to change.
"Uwi ka na, ma'am? Sabay ka na sa amin." yaya ni Sir Renz sa akin.
Natapos na ang klase na kami kaya nag-aayos na kami ngayon ng mga gamit namin, naghahanda na para makauwi. Pero ako ay didiretso muna ako sa sementeryo.
"I am glad to, sir, but I am going to visit my parents today." malungkot na sabi ko.
"Okay lang. Nakalimutan kong sinabi mo na araw-araw mo pala silang binibisita. How about to tomorrow? You think you can come with us?"
"Anong mayroon bukas?"
"Last day ng pasok bukas kasi sa Friday holiday. Naging gawain na kasi namin yung kakain kami sa labas kapag last day na."
Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Sige, sasama ako!"
Sinuot ko ang bag ko bago ako nagpaalam sa kanila na aalis na. Kinagat ko ang labi ko dahil alam ko kung bakit ako nagmamadali umalis.
YOU ARE READING
Spirit of Love
Short StoryYou are impossibly be with a man you love because you know his a ghost but you still fell in love with him. The love you have could only end with tragedy and all you have to do is to feel the spirit of his love.