Nagising ako sa mahigpit na yakap ni Kaizen sa akin. Ang binti niya ay nakapatong sa hita ko. Magkatabi ulit kaming natulog. Napuyat kami kakanood ng movies. Parang wala ng bukas kung makanood kami!
My throat hurts so I tried to cough. Paulit-ulit kong ginawa yun, umaasang mawawala ang sakit ng lalamunan ko. Nangangati rin ito kaya hindi ako komportable.
Napansin kong gumalaw ang katabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Pinanood ko siyang mulatin ang mga mata niya.
The moment I look at his eyes, I felt like they are drowning me. It feels like I am looking at a black hole. His eyes are pure black.
From his eyes, my gaze dropped to his nose. His skin is shining under the light of the sun from my window and his nose is the evidence that he has a clear skin as it is shining the most.
"Ang sarap gumising 'no kapag ganito kagwapo ang bubungad sayo?" pang-aasar ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay kaunti nalang ay mahahampas na niya ako dahil sa kalandian ko.
"Umagang-umaga 'no nanglalandi ka. Pa-kiss nga!" akmang hahalik siya sa akin nang takpan ko ang bibig niya.
"Bawal humalik kapag hindi pa nag-toothbrush!"
"Ganoon? Nasa batas ba yun?" angal niya matapos alisin ang kamay ko sa bibig niya.
"Nasa batas ko." tinaasan ko siya ng kilay.
"Ganoon?" ngumiti siya na parang may binabalak siya kaya naibaba ko ang nakataas kong kilay, kinakabahan sa kung ano ang gagawin niya.
Napatili ako nang ikulong niya ako sa mga braso niya at bigla akong kiniliti sa tagiliran. Nanghina ako sa mga kiliti niya. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako naging kulay blue. Hindi dahil sa malungkot ako katulad ni Sadness kung hindi dahil mawawalan na ako ng hininga kakatawa.
"Ano ang gagawin natin ngayon?" hinihingal na tanong ko kay Kaizen.
Mabuti nalang ay nakakapagsalita pa ako pero bulong lang ang kaya ko. Kagabi ay wala ka talagang maririnig sa akin tapos pagtatawanan ka pa! Ang sakit talaga ng lalamunan ko. Hindi yata pag-hit ng high notes nagawa namin kagabi, sigawan!
"Secret!"
"Secret-secret ka pa diyan. Hampasin kita diyan e!" tinaas ko ang kamay ko, umaaktong hahampasin siya.
Napahalakhak siya sa ginagawa ko pero nagseryoso rin pagkatapos.
"Since I was a kid, my dream is to get married to the woman who I love. Idol ko kasi si daddy na nakahanap siya ng babeng papakasalan, si mommy. Sabi ko hahanap din ako ng babae na katulad niya."
"Ano ba ang mayroon ang mommy mo na gusto mo rin makita sa mapapangasawa mo?"
Hinaplos ni Kaizen ang mukha ko. Napapikit ako sa gaan ng kamay niya. Ang mga hibla ng buhok ko na kumalat sa mukha ko ay tinaggal niya at nilagay sa likod ng tenga ko.
"Maganda."
Maganda ako.
"Mabait."
Mabait ako
"Maintindihin."
Maintindihin ako.
"May kulang pa para masabing ako yang tinutukoy mo."
"Ano?"
"Patay na yung mga magulang." natatawang sabi ko at nahawa siya roon.
"Bakit ganyan humor mo?!"
"Alangan naman kasing umiyak pa ako 'no. Hindi naman mababalik sila mababalik ng mga luha ko. Pero maiba tayo, nahanap mo na ba yung babae na yan?"
"Oo naman."
YOU ARE READING
Spirit of Love
Short StoryYou are impossibly be with a man you love because you know his a ghost but you still fell in love with him. The love you have could only end with tragedy and all you have to do is to feel the spirit of his love.