DAY 2

7 1 0
                                    

The death of my parents made me close my door more to everyone. My world stops. It pains me that the only people who I trust the most died. It even came to the point where I don't want to live anymore. After their death, their burial, I isolated myself in our house. I almost give up in life.

Nag-iisang anak na nga lang, naiwan pa.

Hindi naging madali sa akin ang pagkawala nila. Araw-araw, gabi-gabi akong umiiyak hanggang sa wala na akong mailabas na luha. I did not visit them in the cemetery after their burial. Hindi ko kasi matanggap na wala na sila.

It was weeks before I realized that my parents don't want me to give up. They want me to go on. They want me to continue my life without them.

So I did.

Without them, I started to attend school again and coped up with my missing activities, projects and internship. Fortunately, teachers and the dean of our department gave me another chance. I graduated with flying colors. After that, I applied in a private school as an English teacher while reviewing for my LET exam.

I love teaching. My mother and father are both teachers and I admired them for being a good teacher. I saw how students love them. They are not into salary, they are into how could they teach the children. They want every children to have a knowledge they can bring in everywhere they go. They believe that every children deserves an education. Kaya sinabi ko sa sarili ko na magiging guro rin ako balang araw dahil gusto kong gawin ang ginagawa nila.

"Good afternoon, ma'am!" bati sa akin ng guard sa sementeryo nang mapadaan ako sa guard house.

"Good afternoon din po!" ngumiti ako rito.

"Mabuti po at bumibisita na kayo sa mga magulang mo, ma'am? Dati kasi hanggang diyan ka lang sa gate."

Nagbaba ako ng tingin sa mga bulaklak na hawak ko. "Masakit po kasi. Pakiramdam ko po kasi ay mas lalo lang sasakit kapag pinuntahan ko pa sila."

"Sabagay, ma'am, naiintindihan kita lalo na't sila nalang kasama mo sa buhay."

Nagpaalam ang guard na aalis muna dahil pinapatawag siya. Tumango nalang ako sa kanya at nagsimulang lumakad patungo sa puntod ng mga magulang ko. Medyo malayo ang puntod nila sa gate kaya naglalakad pa ako ng tatlo hanggang limang minuto.

Bitbit ko pa ang mga gamit ko sa trabaho dahil tuwing umuuwi ako ay dito ako dumidiretso araw-araw. Tuwing sabado at linggo ay hindi ako nakakapunta rito dahil abala ako sa LET exam. Lagi akong nasa review center sa Manila.

Nilatag ko ang kumot na dala ko para mailapag ko ang mga gamit at makaupo ako ng hindi nadudumihan ang suot. Katulad ng lagi kong ginagawa, nagsisindi ako ng kandila at pinagdadasal sila. Pagkatapos ay pinunasan ko ang puntod nila dahil gusto kong malinis na malinis iyon.

Tuwing binibisita ko sila ay lagi ko silang kinakausap. Kinukwento ko sa kanila ang mga nangyayari sa araw ko tulad noong buhay pa sila.

Paniguradong tuwang-tuwa sila na nakakapagturo na ako ngayon. Kung buhay pa siguro sila, pare-parehas kaming naka-uniform na pang-guro tuwing nagkikita kami sa bahay. Ang sarap sigurong makita iyon.

"You're crying again." awtomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Dapat ba akong tumawa kasi namatay sila?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

Ramdam kong nakatayo siya sa gilid ko kaya hindi ko siya tinitingala kasi naiirita na naman ako sa presensya niya. Narinig ko siyang tumawa. I wiped the dried tears in my eyes and cheeks.

"Bakit nandito ka na naman?" tumingala ako para matignan ko siya gamit ang nanliliksik kong mata. Napansin kong suot niya pa rin ang damit na suot niya kahapon.

Spirit of LoveWhere stories live. Discover now