Gail
Paulit-ulit kong tinignan ang card na hawak ko para alamin kung nasa tamang home address ako. Nang makompermang ito nga yung bahay nila Maureen, di na ako nag-hesitate na mag-doorbell.
"Sino sila?" tanong sakin ng isang guard paglabas nito sa gate.
"Abigayle po, bagong assistant ni Ma'am Maureen." pakilala ko sabay pakita sa school id ko.
"Ah ikaw pala yung tinutukoy ni madam sa amin kanina, sige pasok ka." niluwagan ng guard ang gate. Agad akong pumasok saka tinungo ang main door ng bahay. Timing pagdating ko, bumukas yung pinto at iniluwa doon ang kasambahay.
"Magandang hapon. Ako po yung bagong assistant ni ma'am Maureen."
"Abigayle Ortiz?"
"Opo."
"Tuloy ka." niluwagan ng maid ang pinto, agad din akong pumasok sa loob. "Nasa taas pa si Madam. Umupo ka muna, tatawagin ko lang siya."
Tinangohan ko ang kasambahay at magaang nginingitian. Pumuwesto ako sa mahabang sofa at buong hangang pinalibotan ng tingin ang buong living room. Grabe, napaka elegante ng interior tapos ang laki pa, para iyong five star hotel.
Maya-maya pa'y dumako ang mata ko sa isang shelve sa gilid. Puro yun Award trophies at Plaque of Recognition. Tumayo ako para tignan ang mga ito.
NEWS ANCHOR OF THE YEAR
MAUREEN RICCI
JOURNALIST OF THE YEAR
MAUREEN RICCI
OUTSTANDING BROADCASTER OF THE YEAR
MAUREEN RICCI
I'm amazed. More than 30 ang mga awards niya. Damn, halos lahat yata ng category meron sa journalism ay hinakot niya na. How I wished to be like her someday.
Inabot ko yung gold na Plaque saka hinawakan. Nakaka-inspire naman si Ma'am, na motivate tuloy akong ayusin ang pag-aaral ko. Sana ilang taon mula ngayon magkakaroon din ako ng sarili kong Award tulad niya.
Anchorwoman of the Year, Abigayle Ortiz.
Naks, feelingera!
Ibinalik ko ang Plaque sa puwesto at tinignan naman ang ilang picture frame na naka-display. Puro yun litrato ni Maureen.
Hays, ang ganda talaga.
Isa-isa ko yung tinignan hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang isang picture frame sa gilid kung saan may hawak siyang batang babae.
My forehead creased as I stared at the photo. Kinuha ko ang frame at pinagtitigan.
Maureen looked so young here, tantya ko nasa early twenties palang siya dito. Pero sino 'tong batang kasama niya? Bakit parang familiar? I feel like I already saw the kid somewhere pero di ko lang matukoy kung saan. Hula ko nasa 2 or 3 years old lang ito.
Hmmm baka pamangkin niya. Anang isip ko.
Isang tikhim mula sa aking likuran ang nagpaingtad sa akin dahilan para muntik ko nang mabitawan ang picture frame. Mabilis ko yung ibinalik sa lagayan at hinarap ang taong tumikhim. It was none other than Maureen.
"Good afternoon, ma'am." bati ko sa kanya.
"You're early, 5:20 pa lang ng hapon. 6pm yung duty mo sakin diba."
"Sorry, na-excite lang kasi ako." nahihiyang sagot ko.
Maureen walked towards my direction. Tumigil siya sa tabi ko. "I see you're checking out my awards."
"Oo, ang galing mo po. Nakaka-inspire."
Matamis na ngumiti si Maureen at kinuha ang isang Silver-Gray na Plaque. "This was my first award as a news journalist. I was only 21 when I got this."
BINABASA MO ANG
A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️
Любовные романы~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
