CHAPTER 15

72.7K 2.3K 3.2K
                                    


Halos buong araw akong nasa dorm. Nakahilata ako sa kama dahil sa sobrang boredom. Supposedly exams ko ngayong araw sa dalawang subject ni sir Dexter, kaso 'nong pumasok ako kanina sa classroom ay sinabihan lang ako nito ng palihim na di ko na daw kailangan mag-take kasi okay na daw. Nagtataka man ay hindi nako nagtanong pa. Mukhang totoo talaga yung sinabi ni Maureen sakin 'nong isang araw. I'm honestly happy, though medyo unfair yun para sa mga classmates kong nag-effort para maka-pasa.

At dahil wala akong magawa dito sa dorm, nagbabasa na lang ako ng mga GxG stories sa webnovel account ko. Kaso nabitin lang ako sa mga binabasa ko dahil puro on-going lahat. By the way, si Yen yung author ng stories na binabasa ko. In fairness sa bansot na 'yon, may talent pala sa pagsusulat, pero halatang may pinaghuhugatan kasi ang bi-bitter ng mga characters niya. Kumbaga; like author, like characters. Bitter at hugotera.

Binuksan ko na lang yung Tiktok account ko para maghanap ng bagong reccomendations, kaso magkakalahating oras na wala akong makita dahil halos lahat nabasa ko na. Lumipat nalang ako sa Facebook app para dito ibuhos lahat ng oras at atensyon ko.

I was scrolling down my feed when I saw a post about foods. Bigla akong natakam. Pakshet kaya talaga ayukong mag-fb e, nag-crave tuloy ako.

Pinindot ko yung share button saka nilagyan ng caption.

After spending minutes on social media, bumangon ako para mag-cr saglit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



After spending minutes on social media, bumangon ako para mag-cr saglit. Pagbalik ko sa kama ay timing namang may kumatok sa pinto. Kunot-nuong sumilip ako sa peep hole para alamin kung sino. Nagsalubong pareho ang kilay ko nang makita ang isang Food Panda driver. Confused kong binuksan ang pinto.

"Anong kailangan nyo?" takang tanong ko.

"Food Panda delivery po para kay Abigayle Ortiz." anito sabay pakita sa bitbit nitong mga paperbags.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ako 'yon, pero wala akong pina-order na pagkain sa inyo."

Tinignan ng rider ang resibo. "Pero dito po naka-address yung order e, saka bayad na lahat 'to, paki-recieve na lang."

Nagtataka man ay kinuha ko naman sa rider ang tatlong paperbags. Nanuot sa ilong ko ang bango ng pagkain kaya natakam ako.

"Salamat kuya." sabi ko sa rider na tumango lang at umalis.

Inilagay ko ang mga paperbags sa mesa at weirdo itong pinagtitigan. Sino naman ang nag-padala saken neto? Ba't ang dami naman?

Bilang sagot sa aking tanong, nag ring yung cellphone ko. It was Maureen who called. Mabilis kong pinindot ang answer button. "Ma'am?"

"Have you received it?" tanong niya sa kabilang linya.

Natigilan ako. Teka, ibig sabihin siya ang nagpadala ng pagkain?

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon