CHAPTER 19

71.4K 2.1K 2.7K
                                    

Gail


Tuwang-tuwa at puno ng saya, eto ang naramdaman ko habang palabas ako sa comlab ng unibersidad.

Nag-post na kasi ng grades yung mga instructors namin at salamat sa diyos pasado ako sa lahat ng subjects. Na-maintain ko parin yung grades ko kahit medyo nawalan ako ng oras mag-review netong nakaraang buwan. Whew, what a relief.

End of the semester na, at isang sem nalang graduation na. Konting-konti nalang makakapagtapos na'ko sa pag-aaral bilang isang Broadcast Journalism student at maging isang ganap na News Journalist balang araw. I'm so excited!

Pasipol-sipol akong bumaba ng hagdan hanggang sa marating ang lobby. Pagliko ko papuntang school cafeteria, may nakasalubong akong babae rason para magka-banggaan kami at mahulog sa sahig ang mga dala nitong gamit.

"Hala sorry." paumanhin ko saka yumuko at tinulungon siyang pulotin ang mga nagkalat na gamit.

"Sorry din, hindi kita nakita." sagot ng babae.

Sabay kaming tumayo saka ko ibinigay sa kanya ang mga napulot kong papel.

"Salamat." aniya sakin.

"Walang anuman miss, pero nasa entrance ka lumabas, nandoon lang yung exit oh." itinuro ko sa kanya ang kinaroroonan ng exit. "Dyan ka dapat lumabas."

Ngumiwi ang babae sabay kamot sa ulo niya. "Pasensya na, bago lang kasi ako dito, kakalipat ko lang."

"Ow? End na ng semester ah. Pwede ba 'yon?"

"Nakapag-enroll ako for next sem. Naglibot-libot lang ako dito para kahit papaano di ako malito kung mag-start na yung klase."

Tumango ako at nginingitian siya. "Good luck, malaki 'tong campus tsaka kulang ang isang araw para malibot mo lahat."

Natawa ang babae. "Sige lang, kakayanin ko."

Tumango ulit ako at akma na sanang pumasok sa entrance ng school caf nang magtanong siya.

"Saan pala dito yung building ng College of Tourism?"

Nilingon ko ang babae at itinuro sakanya ang gusali ng College of Tourism. "Yang building na yan. Pwede kang magshort cut dito sa school playground para madali mo lang marating."

"Ah sige salamat ulit."

Na-curious ako. "Ano pala course kinuha mo?"

"Bachelor of Science in Tourism Management with Flight Attendant course." nakangiting sagot niya.

"Nice, maganda yan. Taga san ka pala?"

"Taga Marawi City, Mindanao ako."

Saglit akong natigilan. "Hala yawa, bisaya ka?"

Nagulat siya. "Oo, bisaya ko. Ikaw pud?"
(Oo, bisaya ako. Ikaw din?)

"Yawards bisaya pud ko hoy. Taga Davao City, Mindanao ko." (Punyemas bisaya din ako hoy. Taga Davao City, Mindanao ako.)

Napakurap-kurap siya. "Hala yawa jud diay."

Natawa ako ng malakas at nakipag high-five.

"Aha diay ka gikan nga school nganong ni transfer man ka?" tanong ko. (Saang school ka pala galing ba't lumipat ka?)

"Working student ko sauna sa private nga university pero ni hawa ko kay naka-pasar man ko sa entrance exam for scholarship diri sa UP." sagot niya.
(Working student ako dati sa private na univerity pero umalis ako kasi nakapasa ako sa entrance exam for scholarship dito sa UP)

"Ah mao diay. Pareho tang duha, scholar man pud ko diri tapos akoang course kay Broadcast Journalism." (Ah kaya pala. Pareho tayong dalawa, scholar din ako dito tapos yung course ko Broadcast Journalism)

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon