Gail
"Sumosobra na talaga yang kapatid mo, Magic sarap. Ano bang problema niya? Kung galit siya sa akin sabihin niya lang, hindi yung pinapahiya niya ako sa harap ng klase." inis na reklamo ko kay Maggie habang nandito kami sa loob ng school caf.
"Baka naman may nagawa kang kasalanan sa kanya." komento ng bagong dating na si Yen.
"Anong kasalanan pinagsasabi mo dyan? Ni hindi na nga ako pumapasok sa klase niya eh." asik ko.
"Baka yun ang rason." rinig kong sabi ni Sue habang lumalantak ng sandwich. "Nabanggit sa akin ni Maggie, lagi ka dawng absent sa subject nyong yan, totoo ba?"
Bumuga ako ng hangin. "Umaabsent ako kasi naiinis ako sa trato ni ma'am Maureen sa akin. No offense, Magic sarap. Pero nabubwesit na talaga ako sa Ate mong yan."
Tumawa lang si Maggie at umiling-iling.
"'Ano na naman ba ginawa ni ma'am sayo kanina?" curious na tanong ni Yen, hindi na kasi 'to updated dahil lumipat ito ng ibang course.
"Pina-recite niya lang naman ako ng napakahabang article." sarcastic at ubos pasensyang sagot ko.
"Deserve, absent pa more." natatawang asar ni Sue. "Kapag ipinagpatuloy mo pa yan, baka hindi na tayo sabay grumaduate, sige ka."
Sumimangot ako. "Dati-rati excited akong pumasok sa subject niya, ngayon hindi na. I hate her, hindi na si ma'am ang paborito kong newscaster."
Natawa si Yen. "Turn off yarn?"
Hindi ko 'to pinansin, ininom ko lang yung orange juice na binili ko saka bumuntong-hininga.
"O nga pala guys," pag-iiba ni Maggie sa topic. "Huwag nyong kalimutan ang birthday party ko ngayon sabado ha?"
Biglang na-excite ang lahat.
"Saan mo ba balak mag celebrate?" masayang tanong ni Sue.
"Sa beach house sana nila Theia sa tagaytay, kaso may balita na may paparating daw na bagyo kaya sa bahay na lang, safety first you know."
"Pupunta ba si Ma'am Maureen?" it was me who asked.
"Malamang, nandoon talaga."
Agad akong nawalan ng gana. "Pwede bang pass muna?"
"Hindi pwede. Once a year nga lang ako mag-cecelebrate tas hindi ka pa sisipot?"
"Maggie naman eh, alam mo ang rason ko di ba?"
"I don't care, basta pumunta ka. Magagalit talaga ako sayo, Gail, subukan mo."
I sighed in defeat. "Fine, i'll go. Pero saglit lang ha? Uuwi din agad ako pagkatapos."
"No, duon na kayo mag-over night. I already had my wife's consent."
"Ay gusto ko yan!" excited na bulalas ni Yen. "Sana may pa-party games ka rin para mas masaya."
Kokontra sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko para tignan.
From: Boss Vaughn 😎
Tapos na klase mo?
I need your help here, asap.
Mabilis kong inubos ang juice sa bote saka tumayo. "Mauna na ako sa inyo, guys. Tumawag na sa akin si bossing."
Nag-paalam na ako sa mga kaibigan ko at mabilis na tinungo ang school exit at sumakay ng jeep. Pagdating ko sa mansyon ng mga Tuazon, una kong nakita si nanay na abala sa pag-arrange ng mga gamit sa living room. Nag sisilbi kasi 'tong Mayordoma ng bahay.
BINABASA MO ANG
A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️
Storie d'amore~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
