EPILOGUE

91.4K 2.6K 1.8K
                                    

A/N: First of all i would like to say thank you for supporting Sweet Surrender and Sweet Surrender side stories. I know my works isn't that perfect but i'm happy that you guys are still reading it. The reason why ayokong pahabain at gawing complicated ang series na'to is because ayokong bigyan ng stress yung readers saka gusto ko good vibes lang tayo. Peace ✌🏻




Maureen

"Madam, sigurado po ba kayong ayaw nyong kausapin si Mr. President Julio Ibarra?"

I rolled my eyes and ignored Agnes. "Why would i even entertain an official who only won the elections because of cheating? Bahala na kayong kausapin yan kung ano man ang kailangan niya."

"Pero kasi madam--"

"Enough, Agnes." putol ko sa ibang sasabihin nito. "Kung natatakot kayo sa banta niyang tanggalan tayo ng prangkisa, then you guys have nothing to worry about that. Trust me, he can never. Kahit presidente pa siya ng bansa."

Napakamot ito sa ulo. "Sige, ako nalang po ang kakausap sa kanya."

I nodded. "If he's going to demand an interview then you know what to do."

"Okay madam." umalis na si Agnes at lumabas ng opisina.

Policitians and their dirty agendas.

Iling-iling akong tumayo at lumabas din ng office. Pumunta ako sa Studio 5 News Room kung saan nandoon si Gail at kasulukyang naghahatid ng balita.

Proud at puno ng pagmamahal ko siyang pinagmasdan. Tungkol sa National Economic Forecast ang kanyang binabalita. She's so efficient and smart as always. Napaka-professonal at intelehente niya habang nagsasalita.

No words can explain how proud I am to her. She is now a multi-awarded journalist and a tv news presenter. Isa siya sa mga greatest assists ng RIBC. At the age of 28 she already made a big name for herself in the field of journalism, she won awards and recieved a lot of recognitons not just locally but internationally as well.

It's been 6 years, at hanggang ngayon strong parin ang relasyon namin bilang mag-nobya. Pareho kaming masaya at kuntento sa isa't-isa. Lalong tumatagal ay lalo ring lumalim ang samahan naming dalawa.

But not everything is perfect because there were a lot of times that we have conflicts and misunderstandings, lalo na sa tuwing nagseselos ako. Yes, i'm the one who started the fights, pero nangyayari lang yun kapag nagseselos at nagtatampo ako sa kanya. Pero hindi naman palagi kasi may mga times din na siya ay ganon sa'kin, it's pretty normal in a relationship. Ang importante madali lang naming naayos at i-settle yun.

"Cut!" sabi ng cameraman. Mukhang tapos na yung segment ni Gail. Nakita ko siyang umalis sa set at lumapit sa kinaroroonan ko.

"Hi." flirt niyang bati sakin sabay hapit sa baywang ko, akma niya sana akong halikan pero agad ko siyang pinigilan.

"We're on the studio, stop."

"But i miss you." she snorted.

"Kanina pa tayo nagkita, Abi." bored ko siyang tinignan.

"E sa lagi kitang namimiss? Pa kiss nga."

"Isa." pinandilatan ko siya.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon