CHAPTER 1

67.1K 1.8K 1.5K
                                    

A/N: Please be respectful in the comments. I won't hesitate muting any disrespectful readers. You can share your thoughts & opinions as long as hindi toxic. Shall we? And lastly, don't reflect the characters views to the author. This is purely fictional.



Maureen


As a professional journalist and a tv news presenter, it is my duty to inform the public about the current news events; locally, nationally, and internationally. That is why our company, Ricci International Broadcasting Corporation, goal is to enrich the lives of Filipinos everywhere with superior and responsible, unbiased and timely delivery of accurate News and Information.

Today is monday, kasalukuyan akong nandito sa conference room at kalmadong nakikinig sa report ng isa sa mga columnist ng kompanya.

Lahat ng nakapaligid sa akin ay balisa habang yung iba naman ay nakayuko lang. I'm really pissed right now.

"S-so there you go, madam. T-that would b-be all." anang reporter sakin na bakas pa ang takot sa mukha.

"That's it?" pagalit kong tanong sabay tingin sa mga ito. "Alam nyo bang galit sa atin ngayon ang presidente dahil sa maling impormasyong ibinalita nyo kahapon? Na call out yung RIBC sa presidential speech niya, aware ba kayo doon?"

Walang sumagot ni isa sa kanila.

"S-sorry, madam." paumanhin ng isa sa mga journalists at news reporters na si Agnes. "Binura na po namin lahat ng articles na in-published namin kahapon. Pati na rin yung sources."

Mas lalong uminit ang ulo ko. "Isa pa yan. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa inyo na hindi kailan man reliable source ang youtube at tiktok? Bakit duon kayo kumukuha ng impormasyon ha?"

Nag-angat ng kamay ang isang writer. "Madam, hindi kasi kami naka-conduct ng interview kahapon dahil hindi kami pinapapasok ng mga presidential guards. Tapos yung youtube channel na kinunan namin ng impormasyon ay reliable naman saka hin--"

"Don't feed me with that crap." putol ko sa ibang sasabihin nito. "Sa tingin mo ba mapapagalitan tayo kung totoo yun?"

Hindi ito nakasagot.

"Kung hindi kayo nakakuha ng interview, eh di sana bumalik na lang kayo dito. Hindi yung nag-eembento kayo kung ano-ano para lang may i-balita sa publiko. Now look what happened, galit na galit sa atin ang Presidente. May plano silang kasohan ang kompanya natin, gusto nyo bang matulad tayo sa kabilang network na nawalan ng prangkisa? Yun ba gusto nyo?"

"No, madam." halos sabay-sabay na sagot nila.

"Then do your job well!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtaas ng boses dahil sa sobrang inis. Nasa ganitong eksena ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok duon ang columnist na si Dexter.

"Madam, sorry to break in. Pero may magandang balita po akong ipapakita sa inyo."

"What is it?" tanong ko sa galit na tono.

"Galing ho sa Malacañang." anito sabay bigay sakin ng papel. "Nabasa ko na po yan, it's a good news."

Tahimik ko itong binabasa habang nakakunot-nuo. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pagkatapos basahin ang nakasulat doon.

Ibinalik ko ang sulat kay Dexter at tinignan ang mga empleyadong kasama ko sa meeting. "Good news, the president will no longer file a case against RIBC, but he demand us to do a live public apology."

All of them made a huge sigh of relief.

"Pero hindi ibig sabihin 'non okay na tayo dito." malamig kong tugon na agad naman nilang ikinatahimik. "Galit parin ako sa ginawa nyong lahat. I hope all of you learned your lessons after this. Let's not be a source of fake news shall we? Huwag tayong gumaya sa ibang network na unprofessional at kayang bayaran para baligtarin ang katotohanang balita. Remember our goal; to bring a superior and responsible, unbiased and timely delivered News and Information. Nagkakaintindihan ba tayo?"

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon