Kabanata Labing Anim

14.3K 275 6
                                    

        "Mom?" agad na sabi niya ng makarating na siya sa kwarto ng kapatid niya dito sa hospital. Agad naman niyang nakita ang daddy niya na nakatulog na sa kakabantay sa kapatid niya. Napabuntong hininga na lamang siya at kumuha ng kumot para sa kanyang ama. Inayos niya ang pagkakahiga dito at kinumotan. Agad naman siyang lumapit sa kapatid niya at hinimas niya ang noo nito na may bandage pa.

         "Kumusta ka na spoiled brat?" natawa siya sa sinabi niya. Spoiled naman kasi talaga si Alliana lalo na sa mommy nila. Masakitin kasi ito, kaya ayon mas pinapaboran siya to the point na sobra na. "Alam mo bang sinunod ko ang utos ni mommy? Ang magpanggap na ako si Alliana. Alam mo ba kung gaano kahirap ang magsinungaling pero ikaw pala 'to ang matagal ng sinungaling e. Ako iyong nakilala niya at hindi ikaw, sana naman Alliana sinabi mo sa kanya ang totoo para hindi ko na siya nasaktan" umupo siya sa bakanteng upuan malapit sa hinihigaan nito at hinawakan ang kamay. "pero hindi ako galit sa 'yo. Kaya magpagaling ka na o. Hindi ko na kasi kaya ang magpanggap gayong..." mahal ko na siya gusto man niyang sabihin dito pero ayaw niyang aminin iyon sa lahat ng tao. Oo she almost break the rule pero iyon ang akala niya. Dahil alam niyang importante na sa kanya si Hienz at konting pagsama lang nila alam niyang may iba na... May kakaiba na sa nararamdaman niya at ayaw niyang baka hindi niya iyon makontrol.

         Kinuha niya ang phone niya ng mapansin niyang tumunog ito. It's an email from New York. Pagbukas niya ay galing ito kay Darren

To: Allanah Marie Evangelista

Subject: I miss you

Allanah Marie Evangelista,

         Wife, I know I am so coward to fight my love for you pero promise kung okay na ang lahat kung handa na akong bitawan ang lahat ng ito... I'll go there and let's start all over again. Just please... tell me that you still love me and not that guy you are with. I miss you wife. Please ... wait for me.

Darren Aquilino

         Napapailing na lamang si Allanah. What's the point of waiting that man who hurt her? Ano iyon maghihintay siya kung kailan pa magiging handa ang lalaking iyon? She's not crazy to do that. Itinago na lamang niya ang phone niya at tinignan muli ang kakambal. They may have the same figure of face, the same eyes, nose and lips but they are different when it comes to their emotion, mental and social. Physical similar but a big different of the other. Pero may isang bagay na pinagkaiba nila physically. Their mole, pero hindi iyon halata kung hindi mo sila titigang mabuti. It's just a little mole na pwedeng takpan ng make up cream o ano pa.

        "Allanah?" napalingon siya sa kanyang ina nakakapasok pa lamang sa kwartong iyon.         "Hey mom? It's so nice to see you again" bati niya at hinalikan sa pisngi ang ina. "So, how was she mom?"

The Surrogate Girlfriend (Run Away Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon