Kabanata Labing Pito

15.8K 281 1
                                        

            "Welcome to Paris, France Passengers..." nagising si Allanah sa isang announce na iyon. Nakatulog pala siya at nakasandig ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Napatingin siya sa labas ng eroplano at doon palang kitang-kita na niya ang pinakasikat na tower sa Paris.

            "You want to go there?" napatingin siya kay Hienz at tumango. Natawa na man ang binata.

            "Okay, bababa na tayo then let's straight to the Hotel tapos mag pla-plan tayo ng activities pra sa Anniversary Week natin" tumango na lamang siya, ng maalala niyang bakit kailangan pa nilang mag stay sa isang hotel kung pwede naman silang mag stay sa shop niya? Iba ang shop niya dito sa Paris dahil malaki iyon, aside sa mga damit na gawa niya at may mini-library ito sa ibabang parti ng first floor, kumbaga may ground floor siya.

            "Uh we can stay to my shop Hienz you know" sabi niya dito natawa naman si Hienz sa sinabi ng dalaga.

            "We can't baby, I want you to be with me all the time hindi iyong magtratrabaho ka besides andyan naman ang mga kaibigan mo para tignan ang business mo right?" tumango na lamang siya, wala na naman siyang magagawa kundi ang pumayag na lamang sa gusto ng binata.

            Kinuha na nila ang mga gamit nila at bumaba na. Doon ay may naghihintay sa kanilang limousine.

            "Sa iyo 'yan?" ani ni Allanah.

            "Uh yup, we will stay in our hotel" palihim na natawa ang dalaga sabay bulong ng hindi pala magtratrabaho ha. Sapat lang na narinig ng binata kaya naman napapailing na lamang itong pumasok sa loob ng sasakyan kaya sumunod na lamang siya sa binata. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana at iniisip ng pwede nilang gawin, hmmm naisip niyang mas maganda kung pumunta sila sa simbahan dahil gusto niyang magpasalamat sa Kanya sa paggabay ng mga nagawa niya at gusto niyang humingi ng tawad dahil nagawa niyang magsinungaling para lang sundin ang utos ng ina niya na alam niyang mali iyon. Tapos no'n ay maari silang pumunta sa Eiffel tower pero tsaka na lamang siguro mas maganda kasi kung maraming bonding ang gagawin nila para naman kahit paaano ay napasaya niya sa sarili niya bago niya iwan ang lahat ng ito. Alam niyang iyon ang kailangan niya dahil hindi siya nararapat na makasama si Hienz. Mamaya ay gagawa na lamang siya ng sulat para iwan niya sa gabing aalis siya at sana mapatawad siya ng binata. May naisip na naman siyang puntahan at iyon ang lugar kung saan walang makakaalam dahil sa oras na may makaalam nasisiguro niyang mahahanap siya ng mga kaibigan knowing how hard headed they are. 

         "Any problem baby?" umiling na lamang siya at lumapit kay Hienz para yumakap. Natawa siya sa sarili, susulitin na niya ang lahat para hindi na siya magsisi na hindi niya man lang nagawa. "Naglalambing ang baby ko" inismiran niya lang si Hienz sa pang-aasar nito sa kanya. Nakakahiya naman kasi e. 

         Hindi nagtagal ay dumating din sila sa hotel na sinasabi ng binata. Alam niya ang hotel na ito dahil minsan na siyang nandito ng mga panahong nagbabakasyon siya kasama ang mga kaibigan para sa pagbuo niya sa bagong niyang branch and speaking of that place bibisitahin na lamang niya iyon kapag may oras siya. 

         "Let's go" sabi sa kanya ng binata at pumasok na sila sa loob ng hotel. Agad namang may lamapit sa kanilang babae at ibinigay ang susi ng magiging suite nila. Ng makarating sila sa kanilang suite ay halos mamangha siya sa nakikita. Its totally a big suite just for them para na itong isang bahay. So his totally a billionaire?

         "Baby i'll just take shower okay? You can open my laptop to search some nice spots here in Paris so that we can plan our very first activity tomorrow" tumango na lamang siya at pumunta sa lamesa kung saan andoon ang laptop ng binata. Agad siyang nagsearch ng maaaring puntahan nilang dalawa. Hmmm ng pumunta sila dito ay hindi man lang niya naikot ang buong Paris dahil mas inuuna nito ang trabaho kaysa gumala at iyon ang panahon na kung saan ay kailangan niyang mag desisyon na para bang she need to decide kung gusto niyang mabuhay o mamatay na lamang. Mabuhay sa sakit na wala na si Darren sa kanya o mamatay sa kakaisip sa ina niya kung bakit ganoon ang trato sa kanya. Para siyang pinaparusahan. Habang naghahanap ay may napindot siya doon na hindi niya sinasadya. Hindi na sana niya iyon bibigyan ng pansin ng makita niyang mga litrato ito ni Alliana kasama si Greg, may andoon sila sa bar na nakapatong si Alliana kay Greg at naghahalikan sila. May sa kotse naman na naghahalikan din sila, sa mall na magkaholding hands silang dalawa. Naisip niya kung bakit iyon ginagawa ni Alliana at kung bakit hinayaan ito ni Hienz. Nagtataka din siya kung bakit parang tanggap siya agad ni Hienz gayong alam naman niyang kung mahal niya ang isang tao makikilala niya ito kung totoo ba ang tao na nasa harap niya. Bakit parang wala lang sa kanya iyon? 

         Tumingin siya sa paligid kung nakalabas na ba si Hienz sa shower room pero ng mapagtanong hindi pa ay pumunta siya sa MS Word at nag type ng message niya para kay Hienz.

Hi Hienz, una sa lahat magpapakilala na muna ako. I am Allanah Marie Evangelista ang long lost rebel twin ni Alliana. Siguro nga I am a rebel kasi lumayas ako but no-- I did that because I give my self a freedom dahil parang namamatay na ako sa sobrang pagkamaldita niya. Anyways I'm not talking here about my story it's about you and my twin. Noong nag-away kayo may nangyari sa kanya. Car Accident kaya kahit ayaw ko mang umuwi dito sa Pilipinas ay ginawa ko na lamang just to find out that my mom want me to be her surrogate how funny isn't it? Dahil takot siyang kaawan mo ang kapatid ko. So now when you read this alam kong galit ka na sa akin but I want you to go with her. Nasa manila siya at puntahan mo siya sa hospital. She needs you there Hienz I know that sana lang ay maging masaya kayo.



P.S I'm sorry kung nagsinungaling ako. Please don't hate me so much and thank you for the memories






         Pagkatapos no'n ay si-nave niya iyon at nilagayang Allanah ang pangalan ng file name. Siguro naman kasi ay mapapansin iyon ng binata kapag umalis na siya at mas mabuti kung ganoon. Isinara niya ang laptop ng makita ang binata na kakalabas lamang ng shower room at bihis na bihis na.



         "So what do you want for today?" umiling lamang siya, she want to stay here today and just take a rest bukas na lamang siguro sila umalis at magliwaliw dito sa Paris. 



         "Okay, so what's your plan" tumabi sa kanya ang lalaki at hinalikan siya sa noo. She smiled at that scene. If only she can fight her love to this man. "Tomorrow I want to go first sa simbahan then park and of course eat our dinner in a restaurant" she just want a simple day for tomorrow. Hindi nila kailangang magmadali kahit na alam niyang kaonti na lamang ang oras na maari niyang makasama ang binata but she don't care.



         "Okay, I'll just cook our foods para makakain na tayo and then take a rest" tumango na lamang siya at nag tungo sa shower room para siya na naman ang makaligo. She want to be fresh para naman ay maganda sa pakiramdam kapag matutulog na siya. Napangiti na lamang siya ng maalala na naman niya ang kakambal, si Darren at si Hienz. Few days left at magbabagong buhay na siya iyong walang Hienz na mahal niya. Walang Darren na iniwan siya at walang Alliana na nagbigay sa kanya ng ganitong sakit sa puso. Kung kaya niya lang siyang labanan pero hindi niya kaya dahil kahit anong gawin niya alam niyang si Alliana ang kakampihan ng lahat. Wala e everyone loves Alliana... and no one see the real Allanah.

The Surrogate Girlfriend (Run Away Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon