Kabanata Una

29.5K 422 7
                                    

“Wifey… wake up… Yohooo, wifey” Dahan- dahan na minulat ni Allanah ang kanyang mga mata, napagod talaga siya sa mga tinapos na design niya kagabi para sa event na gagawin niya sa susunod na linggo. Naisipan niya kasing magbukas ng ibang branch sa Paris para naman lumago ang negosyo niya at hindi lang dito sa New York niya naipamalas ang angking galing sa paged-design ng mga damit at sapatos.

            “Kakain na tayo wifey” Napangiti siya na makita na naman ang kanyang mahal, si Darren Aquilino, ang taong nag-alaga sa kanya sa mga panahong kailangan niya ng pamilya. Until, Darren asks her to go out with him. Nagkamabutihan sila at they decided to live in kahit na alam niyang  ayaw sa kanya ng kapatid nito. Malaki kasi talaga ang galit ng Ate Joecel ni Darren kay Allanah dahil magkalaban sila sa larangan ng mga damit. Wala naman siyang magagawa kundi iwasan na lamang ito dahil kahit papaano’y kapatid ito ng mahal niya.

            “Lagi ka nalang nagpupuyat wifey, why not take a break first?” umupo siya sa harap ng dining table at sinandukan naman siya ni Darren. Ito ang nagustuhan niya kay Darren, ang pagiging maalaga nito sa kanya.

            “Alam mo naman hubby diba? I can’t. Tsaka isa pa, ngayon lang kaya ‘to after ng event I can party myself all night” nagsimula na silang kumain. Kahit naman kasi anong sabihin ni Darren hindi naman iyon masusunod kasi nga ang rules nila ay, ‘She's the boss’ kaya siya ang masusunod.

            “Okay wifey but promise me, after the event we will go to somewhere you want just to relaxed okay?” tumango na lamang si Allanah at kumain. Habang kumakain sila ay naisip niya ang magulang. Allanah went to New York dahil sa kadahilanang ayaw niyang makumpara na naman sa kakambal kahit na alam niyang she’s better than her. Magaling siya sa mga academics, lagi nga siyang representative sa mga contest nila noon pero kahit naman na panalo siya sa mata ng iba, talo parin naman siya sa mata ng ina. Wala nalang kasi itong bukambibig kundi si Alliana lang, ang kanyang kakambal. Nasasaktan siya tuwing pinapaburan si Alliana to the point na iniwan niya ang manliligaw niya noon dahil gusto ito ni Alliana. Wala siyang nagawa dahil naki-usap ang ina nila at handa niyang gawin ang lahat basta makuha niya lamang ang pagmamahal ng ina, pero kahit na ginawa na niya lahat-lahat wala parin naming pinagbago kaya she decide to run away at hindi na bumalik pa. Ang ama niya lang ang nakakaalam kung nasaan siya dahil hinanap siya nito. Kaya lang ay ayaw niya munang bumalik doon. She hide to everyone for almost 9 years at ayaw niya ng magulo ang buhay niya. Sapat na itong silang dalawa lang ni Darren.

            “Here wifey” may inilagay na cup cake si Darren sa harap ni Allanah ng makitang nakatulala na naman ito. Napangiti na lamang ang dalaga, alam na alam talaga nito kung paano siya suyuin.

            “Thank you hubby” hinalikan niya ito at kinain ang pagkain na binigay ng nobyo. Napatingin siya kay Darren ng nakatitig ito sa kanya.

            “Why Hubby?”

            “Huh? W-wala, kain ka lang wifey” napakunot ang kanyang noo ngunit pinagpatuloy na lamang ang kanyang pagkain. Darren is really a perfect catch. Gwapo na, maalaga pa. He loves her that much to the point na nagkasagutan talaga nito ang kapatid sa pagtatanggol sa kanya. His parents like her pero si Ate Joecel lang talaga nito ang ayaw sa kanya. Dahil lang talaga sa isang rason. Napailing na lamang siya. Kung isusuko niya ang kanyang career para makuha ang loob ni Ate Joecel para na rin niyang binayaran ang pagiging mabait nito kaya’t hanggat maari ay hindi niya bibitawan ang negosyo para lang doon.

            Habang kumakain siya may naaninag siyang parang foil sa ilalim ng cake, hindi niya alam kung ano iyon dahil natatakpan pa iyon pero ng maubos na ang kinakain nanlalaki ang mga matang tinignan niya ang kasintahan. Nakangiti ito sa kanya, tumayo ito at lumuhod.

            “Will you be, wifey?” naluluha siya sa kaganapan. Mahal niya si Darren, pero iniisip niya ang kapatid nito.

            “Will you be my queen, Allanah Marie Evangelista?” napanganga siya ng inulit nito ang nasa foil na nakasulat sa ilalim ng cup cake kanina. Hinawakan niya ang braso ng binata at tsaka niyakap.

            “Of course Darren, I will be your queen… and you will be my king” aniya sabay halik nito sa labi ng kasintahan. Tumayo si Darren at dahil nakayap sa kanya ang nobya ay napatayo na din ito.

            “I love you wifey…” sabi nito sa gitna ng mga halik nila. Isinuot ni Darren ang eternity ring na binili nito kahapon at hinalikan ulit ang mapapangasawa. Darren kissed her passionately, with care as if she is a fragile na kung bibitawan ay mababasag. Darren really respected her to the point na kahit ilang taon na silang nag-live in ay hindi niya parin ginalaw ang dalaga. Oo nga’t he was born in a liberated country but that doesn’t mean na hindi niya rerespituhin ang dalaga. He knew that Allanah is a Filipino where they keep their virginity until they get married to the man they love at gusto niyang maranasan ang nararamdaman ng mga Pinoy kapag nagtatalik ang bagong kasal. After their long passionate but gentle kiss they were cut by a ringtone. Napahiwalay ang dalaga kaya’t muntik na itong mawalan ng balance.

            “Easy wife, here let me help you” ngi-ngiting sabi ng binata. Ibinigay nito sa dalaga ang cellphone nito bago pinakawalan sa kanyang yakap. Pumunta siya sa may terrace at tinignan ang kabuuan ng New York. Napakasaya niya sa oras na ito, hindi niya inaakalang sa kasal din pala sila aabot. He really loves her to the point that he will choose to live in hell if someone will get his love. Corny but yet possessive, he only dream that this will happen but he never thought that dreams do come true. Akmang babalik na siya sa loob ng paglingon niya sa likod ay nakita niya ang nobya na nanghihinang napaupo sa sahig kaya agad niya itong nilapitan at niyakap.

            “Hey wife, shhh what happen?”

            “M-my mom wants me to… to go home” and right there and then, he almost lost his breath. Can he? Can he just let go of her for a while because her family needs her? Or can he be selfish and hold her tightly?

            “What d-do you want me to d-do?”

            “I don’t know hubby, I don’t want to leave you here because I know that I have my forever here and not there but Alliana, my twin need me” he sighed and cupped her face. He kiss her and smile before he decide.

            “Go wife, I’ll just wait you here and I’ll take care of our wedding so that when you came back everything is already set according to the plan”

 ツ ZelsEmyaj © 2015

The Surrogate Girlfriend (Run Away Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon