Panimula

50.4K 620 8
                                    

“Mahal kita, kahit alam kong hindi ikaw si Alliana… ang babaeng unang minahal ko”

         "Allanah!" napalingon ang dalaga sa lakas ng sigaw ng kakambal. Kasama niya ang barkada niya at ang boyfriend niya. Tila parang tuta na lumambot ang mukha ng kakambal ng makita niya ang nobyo niya.

         "Fred" si Fred ay isang varsity ng school nila. It took him two years para mapasagot ang dalaga, ayaw man ng dalaga na sagutin ito pero wala siyang nagawa dahil kinukulit siya nito kaya kahit hindi niya mahal ay pinagtyagaan na niya lamang.

         "Alliana, bakit mo ba sinisigawan ang kakambal mo?" mahinahon na sabi nito sa dalaga, importante kasi sa kanya ang dalaga kaya't hanggang makakaya niya ay gagawin niya ang lahat maprotektahan lamang ito kahit na alam niyang walang gusto ang dalaga sa kanya.

         "H-hindi naman eh" ani nito. Halatang may gusto siya sa binata kaya laki ang galit niya sa kakambal.

         "Bakit mo pala ako tinatawag Alliana?"

         "Pinapauwi ka na ni mommy, may sasabihin daw sa'yo"

         "Okay"

         Ng umalis na si Alliana, binalingan niya naman ang barkada.

         "Alis na muna ako ha?" hinawakan ng nobyo ang kamay nito at tumayo din. Niyakap niya ang dalaga at hinalikan sa noo.

         "Ingat" sabi nito at pinakawalan siya. Naiinis namang tumingin si Alliana sa kakambal niya. 'Ang landi talaga' sabi niya pa at tinawagan ang mommy nila.

          "Humanda ka talaga pag-uwi mo" sabi nito at sumakay sa sasakyan nila.

         "Andito na po ako" pumasok si Allanah sa loob ng bahay at doon nadatnan niya ang ina na nakaupo sa sala at matalim na tingin ang ibinigay sa kanya. Nagtataka man ay umupo siya sa bakanteng upuan paharap sa ina at ngitian ito.

         "Bakit po ma?"

         "Bakit ba ang landi-landi mo?!" nabigla siya sa sinabi ng ina. Ano na naman ang nagawa niya?

         "Wala po akong alam sa sinasabi niyo ma" gustuhin niya mang sumigaw hindi niya magawa dahil may respeto siya sa kanyang ina.

         "Wala? Eh bakit mo nilalandi ang boyfriend nga kakambal mo?"

         "Boyfriend?" nagtataka na talaga siya.

         "Oo si Fred! Ang boyfriend ng kakambal mo, sabi niya ay nag-away sila ng boyfriend niya kaya niya ito iniiwasan kaya ngayon ikaw ang --" hindi na niya pinatapos ang ina. Ano ba ang pinagsasabi nito? Ni hindi nga ganoon ka magkakilala si Fred at Alliana tapos ngayon boyfriend na?

         "Ano ang gusto mong gawin ko ma?"

         "Hayaan mo ang kapatid mo at ang boyfriend niya" maaw-toridad na utos nito at umalis na. Nanlulumo siyang pumunta sa kwarto niya. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa lalaki. Hindi niya ito mahal pero sinagot niya parin ito tapos ngayon ibibigay niya pa sa kakambal? Ano ba ang tama?

         Habang nag-iisip ay nakita niya ang isang papel na nakaipit sa kanyang libro. Kinuha niya ito at nakita ang isang sulat galing sa New York, nag-entrance exam siya sa isa sa mga unibersidad doon at natanggap siya. Siguro panahon na para umalis siya, lagi na lamang siyang nasasaktan sa puder ng sariling ina. Pero ngayon, kailangan niya ng freedom.

         "Good bye" bulong niya sa hangin, papasakay na siya ng eroplano papuntang New York, wala siyang sinabihan kung saan siya pumunta basta't nag-iwan na lamang siya ng sulat sa kapatid na pinapaubaya niya ang kanyang boyfriend at tigilan na siya. Pinaalam niya sa mga kaibigan ang desisyon niya dahil kinukulit siya nito kaya naman ay sabay-sabay silang pumunta sa New York.

         "Sana sa pag-alis natin, maiiwan ang mga problema natin-- mabibigat na problema"

ZelsEmyaj © 2015

The Surrogate Girlfriend (Run Away Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon