Wakas

26.6K 463 12
                                    

"Ano mahal mo na siya?" nabalik ang tingin niya sa dalagang kasama. Mahal na ba niya? Heck yes! Mahal na niya iyon kasi kung hindi edi dapat lagi niyang binabanggit ang pangalang Alliana pero hindi e, minsan niya lang iyong ginagamit dahil feeling niya na kapag ginamit niya iyon ay parang gusto niyang bumalik ang dating ugali ng nobya niya which is hindi naman pala niya kaano-ano ang nakakasama niya. At comatose? Bakit hindi man lang nila sinabi sa kanya ang nangyari? Napabuntong hininga na lamang siya at napatingin sa dalaga.


"N-no" he lied, nagui-guilty kasi siya dahil gusto lang naman ni Alliana na maging maayos siya habang nagpapagaling ito tapos sa pagbabalik nito may mahal na pala siya?


"So, tuloy pa ba tayo sa Italy?" lumapit siya sa babae at niyakap ito.


"Hindi na muna, my dad called me na umuwi na muna ng Pinas dahil may problema daw" napataas naman ang kilay ng dalaga at tinignan ang binata. Napaiwas siya ng tingin, another lie again.


"Okay" anito at hinalikan siya sa labi.


Hindi niya kayang pumunta ng Italy na iba ang kasama niya, gusto niyang si Allanah ang kasama niya doon— ang babaeng nanloko sa kanya pero sa huli ay mahal niya parin.


After eating their breakfast ay napagpasyahan ng dalaga na pumunta sa sikat na shop dito sa Paris, ang La Vosges. Ito ay shop na pag-aari ng kapatid, alam naman niya iyon at gusto niya lang tignan ang mga gawa nito dahil hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit inis na inis si Joecel sa kakambal niya. Sinamahan na lamang siya ni Hienz, pagdating niya doon ay bumungad sa kanya ang magagandang gown at dresses.


"Good morning ma'am" may lumapit agad na babae sa kanila, ngitian niya ito at hinanap ang may ari ng shop kaya lang ay wala daw ito ngayon kaya nag order nalang siya ng mga bagong dresses.


Tinignan niya ang kabuuan ng shop, maganda nga ang mga gawa nito at halatang sikat sa iba't-ibang bansa dahil sa nakikita nitong mga nakasabit na pictures kung saan ay mga larawan ito ng iba't-ibang shop ni Allanah sa ibang bansa.


She's big time now. Isip niya.


Habang abala siya sa pagtitingin -tingin ay iginala naman ng binata ang kanayang titig sa mga empleyado ng shop may nakita siyang isang babae na sa tingin niya ay kilala niya. Parang nakita na niya ito ngunit hindi niya matandaan kung saan. Ipinagkibit balikat na lamang niya iyon at inaya ng umuwi si Alliana, kailangan na niyang umuwi ng Pinas dahil baka andoon ang babaeng mahal niya.


Nasa private plane na sila ng maisip niya kung may nararamdaman ba sa kanya ang babaeng nakatalik kagabi. Iniisip niya kung parti ba iyon ng plano pero bakit naman ito papayag? Hindi niya lubos maisip na kaya nitong isurrender ang 'iyon' kung nagpapanggap lang siya at wala siyang makukuhang iba. Pero nanaig sa isip niya na baka hindi siya mahal ng dalaga kaya bakit kailangan niya pang hanapin iyon? Siguro kailangan na lamang niyang mag focus ngayon kaysa isipin pa ang dalaga. Kunsabagay ay iba na ang kasama niya. Kasama na niya ang babaeng mahal niya talaga. Napapailing na lamang siya kung bakit naman kasi humantong pa sa ganito ang lahat? Hanggang sa lumapag na ang kanyang private plane sa Pinas ay iyon parin ang iniisip niya. Habang naglalakad papunta sa sasakyan ay may nakita siyang isang lalaki. Ganoon na lamang ang pagkuyom ng kamao niya ng makilala niya kung sino iyon.

The Surrogate Girlfriend (Run Away Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon